Chapter 6 : Party Freaks

512 105 97
                                    



CHAPTER 6

PARTY FREAKS


KIMBERLY'S POINT OF VIEW.


"Hep, ticket first." Isang babaeng may mahabang itim na buhok, bilugang mukha at may matangos na ilong ang humarang sa amin bago pa man kami makapasok sa gate ng Montessori. Agaw pansin ang nunal niya sa kanang bahagi ng kanyang leeg. Pamilyar din ang mukha niya sa akin. Kung hindi ako nagkakamali, kaklase namin siya na nakaupo sa second row.


"Right!" Agad namang binuksan ni Pamela ang suot niyang itim na sling bag. She searches for something inside her bag. Sa kanya kasi namin ibinigay ang tickets namin kanina bago umuwi. Tumingin siya sa amin habang nanlalaki ang mga mata.


"What's wrong?" I ask.


"Naiwan ko ang ticket natin," pahayag niya at bahagya pa siyang napahampas sa kanyang noo.


"I'll go buy tickets," presinta ni Dominique pero pinigilan siya ni Valery.


Ngumiti sa amin si Val bago humarap sa kaklase namin na nagbabantay, "Jamaica, we forgot our ticket. Okay lang ba kung papasukin mo kami kahit wala? We'll treat you na lang." Malambing na pangungumbinsi ni Valery dahilan para isa-isa kaming tingnan ni Jamaica.


"Kayo talaga. Pasalamat kayo at classmates tayo." Pabiro kaming inirapan ni Jamaica. Good thing at madali siyang kausap. Tumingin ako sa likod namin at mukha namang may kanya-kanyang mundo ang mga estudyante, na katulad namin ay nakapila, kaya hindi nila alam na wala kaming tickets.


"You really are the best, Jammy!" Dagdag pa ni Rona.


"Go," anunsiyo ni Jamaica bago kami pinapasok dahil pahaba na ng pahaba ang pila ng mga estudyante. "Enjoy."


***


I AM surrounded by different kind of teenagers na para bang nakawala sa hawla. They are dancing on the beat of party music na para bang nasa bar sila. Ibang-iba na pala talaga ang mga kabataan ngayon. Masyadong wild. Sayawan dito, inuman doon. Party is life, 'ika nga nila.


"Bakit ayaw mong sumayaw?!" Sigaw ni Pamela sa akin dahil hindi kami magkarinigan sa sobrang ingay.


"I'm fine!" Sigaw ko pabalik. Dancing isn't my thing. Yes, I do clubbing sometimes pero nasa sulok lang ako at umiinom. Hindi ko hilig na makisali sa sayawan. I'm just enjoying the music. Plain and boring, I know.


"If you feel like you want to shake your belly and baby fats, we're just over there!" Muli niyang sigaw bago itinuro ang pwesto kung nasaan sina Valery at ang iba pa na kapwa mga sumasayaw.


Isang malakas at masakit sa tengang feedback ng microphone ang nagpatahimik sa buong paligid. Umakyat sa stage ang isang lalaking nakasuot ng black V-neck shirt at jeans. He have this intimidating aura even with his casual wear dahilan para sundan ko siya ng tingin. Even the students na parang mga hayop kung umasta kanina ay naging maamong tupa habang nakatingin sa kanya.

After ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon