Chapter 16 : Conclusion

408 82 57
                                    



CHAPTER 16

CONCLUSION


THIRD PERSON'S POINT OF VIEW.


Seryoso ang tingin ni Tina sa daan, gayun din si Kimberly na nakatanaw mula sa labas ng bintana at pinagmamasdan ang gubat na nadadaanan nila. Katahimikan at ang pagtama ng mahinang ulan sa lupa lamang ang kanilang naririnig sa paligid. Hindi pa sila gaanong nakakalayo sapagkat kahit saan man lumingon ay tanging gubat pa rin ang nakapaligid sa kanila. Nag-iisip si Kim kung paano siya maaaring makatakas sa kamay ng dating guro pero wala siyang makuhang ideya. Nakaposas ang kanyang mga kamay, may baril ang babae, at nasa gitna sila ng kawalan—ng isang burol na hindi naman siya pamilyar. Wala talaga siyang takas.


Isang malakas na tunog na nagmumula sa bulsa ni Tina ang sumira sa katahimikan ng paligid.


"Christina speaking—" Bungad nito subalit hindi pa man siya natatapos ay nabigla na siya sa balitang hatid ng tumawag sa kanya. "What!? No, no! Tito, listen to me. Don't surrender—Hello? Tito Albert!?" Naibato na lamang ni Tina ang sariling cellphone at mabilis na inapakan ang brake dahilan para muntikan nang masubsob si Kim sa windshield.


"Hey, watch out!" Umayos si Kim ng upo bago pinanlisikan ng tingin ang katabi. "Mahuhuli ka na ba?" Sarkastikong tanong ni Kimberly para samaan din siya ng tingin ng babae. Bahagya itong napahampas sa manibela, kinuha ang cellphone na ibinato kanina lang at bumaba ng sasakyan.


"Baba!" Utos nito kay Kim habang nakatutok pa rin sa dalaga ang baril. Hindi man bukal sa kalooban ay sumunod na lamang si Kim sa utos nito. Hindi niya alam kung anong plano nito pero kailangan niya muna itong sundin para mabuhay, habang hindi pa siya nahahanap ng kanyang mga kaibigan.


"Where are we going?" Walang ekspresyong tanong ni Kim nang makababa siya ng sasakyan.


"Basta lumakad ka."


"Paano ako lalakad kung hindi ko alam saan pupunta!? Bobo ka ba!? Mauna ka kaya!?" Hindi na napigilan pa ni Kim ang mapa-sigaw. Bukod sa napapagod na siya, nararamdaman niya na rin ang hapdi ng kanyang mga sugat na natatamaan ng tubig ulan.


"Huwag mo akong sigawan!" Ganting sigaw ni Tina na tulad niya ay naiinis na rin.


"You know what? May baril ka, nakaposas ako, may sugat sa katawan—iyon pa lang, lamang ka na. Mauna kang lumakad para masundan kita. Hindi ako tatakbo, hindi ako tatakas at wala akong balak, so go." Sambit ni Kim. Mukha namang nakumbinsi niya ang kasama kaya nauna na itong maglakad sa kanya.


Diretso sila sa paglakad papasok ng masukal na gubat. Maya't mayang napapahinto si Kim dahil lumulubog sa putik ang suot niyang sapatos. Maya't maya rin siyang napapadaing dahil sa sakit ng nababasang mga sugat. Muling kinuha ni Tina ang cellphone na nasa bulsa.


"Hello. Pumunta ka sa kubo. Oo, alam mo na pala? Just go! Yes—"


After ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon