Chapter 9 : Collection of Somatra

455 99 78
                                    



CHAPTER 9

COLLECTION OF SOMATRA


KIMBERLY'S POINT OF VIEW.


Saturday...


Bug is a combination of miniature radio transmitter with a microphone. Commonly used in surveillance and espionage. Its purpose is to listen covertly to a person who's wearing a wire, with no distance limit.


Nanlaki ang mga mata ko sa aking nabasa. Someone is stalking me just like what Rona said. Ano naman kaya ang kailangan ng taong iyon sa akin? What is the motive behind this? Kindap for ransom?


Ang sabi sa akin ni Dominique, kung mayroon ngang nagmamanman sa akin, hindi ko dapat ipahalata na nalaman ko na ang technique na ginagamit niya kung gusto ko siyang mahuli. Kaya ibinalik sa akin ni Rona ang bug kahapon dahil hindi niya alam kung may tracker ba ito at baka maghinala ang nasa likod nito kung bakit wala sa akin ang bug.


"Ito ang microphone," says Matthew while pointing at the small black circle at the screen of Rona's phone where the actual photo of the bug is. I did not bring that thing with me dahil balak namin pag-usapan ang tungkol sa seryosong bagay na ito. Nag-iingat lang kami dahil sabi nga, maririnig ng lecheng tao na may gawa nito lahat ng pag-uusapan namin. Besides, sa bag nakadikit ang bug, enough reason para hindi magtaka ang may gawa nito dahil hindi ko naman dala ang bag ko sa lahat ng pagkakataon, especially on weekends.


"How about a tracker?" Rona asks curiously.


"Don't worry, there's none," ibinalik ni Matthew ang phone ni Rona. Thanks to him because of his enough knowledge about electronics.


Ang sabi rin ni Dominique, mabuting ipinaalam namin sa kanila ang tungkol sa bug dahil malaki ang maitutulong nila rito. Isa pa, mapagkakatiwalaan naman sila.


"Ano naman kaya ang pakay ng taong naglagay niyan sa backpack mo?" Tanong ni Valery.


Kahit ako, hindi ko rin alam kung bakit sa dinami-rami ng estudyante sa Montessori, ako pa ang napiling dikitan ng lecheng bug na iyan. Not that I wish na sana ibang tao na lang ang nasa posisyon ko ngayon, pero somehow ay napapaisip na lang ako kung bakit ba parang ang malas-malas ko? Bagong transfer pa nga lang ako, pero heto at nabiktima na agad ako ng 'dikit-bug-gang'. If Mom will know about this, lalo lang niyang ipapamukha sa akin na mali ang napili kong desisyon.


"What's with the serious talking? Have some refreshments first." Inilapag ni Pamela at ng isang babaeng kasambahay sa center table ang trays na may lamang cookies at mga baso ng orange juice. Umupo si Pamela sa tabi ni Valery at Rona na kasalukuyang nagsusulat sa manila paper.


Bukod sa niyaya kami ni Pamela na mag-movie marathon dito sa mala-mansiyon nilang bahay, magkaka-grupo rin kasi kami sa Physics kaya isinasabay na rin namin ang paggawa ng report namin. We're all here—except Selena... again.

After ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon