Chapter 17 : Debts

358 67 48
                                    


CHAPTER 17

DEBTS


KIMBERLY'S POINT OF VIEW.


Nanlalabo man ang paningin, pinilit kong aninagin ang lugar na kinaroroonan ko. Amoy at kulay pa lamang ng paligid, alam ko agad na nasa hospital ako. Idagdag pa ang awra nito which seemed to be impersonal and cold. Ipapaalala nito sa iyo na hospitals were designed for near death and traumatic experiences.


Bahagayang kumirot ang ulo ko kaya mariin akong pumikit hanggang sa mawala ito. Marahan akong tumayo at tinanggal ang puting kumot na nakaharang sa katawan ko maging ang iba pang mga bagay na nakatusok sa katawan ko.


"Ah!" Daing ko. Why the hell did they put these to me? Ano bang nangyari sa akin?


I try to remember what happened. It was raining sa end zone ng Palacio Hills, I was with Joel. Right!  Noong nakarinig kami ng putok ng baril, akala ko ay patungo ang bala sa direksyon namin ni Joel. I was glad that Detective and my friends made it on time. Kung hindi, siguro ay malamig na bangkay na lamang si Joel ngayon, at hindi ko alam kung saan ako dinala ng Andrade na iyon. That's it. Iyon na lamang ang huli kong naalala. And now I'm here, just woke up in the middle of life and death—I mean, sino ba naman kasi ang gustong manatili sa hospitals?


Muli kong nilibot ang paligid. Hindi naman ganoon kalaki ang silid na kinaroroonan ko pero mukha namang kasya dito ang nasa walong tao nang hindi nagsisiksikan. May prutas sa ibabaw ng lamesa at baso ng tubig na hindi pa nauubos ang laman—tanda na may kasama ako kani-kanina lang.


Tinungo ko ang pintuan upang makalabas pero na-disappoint lang ako dahil naka-lock ito mula sa labas. Whoever locked me inside this goddamn room, I swear, malilintekan siya sa akin! 


And I guess narinig niya ang banta ko even if I did not voice it out dahil wala pang ilang segundo ay bukas na ang pintuan at nasa harapan ko na si Detective Dylan.


"I know na susubukan mong lumabas so I locked you in," he explains. "Kumusta ang pakiramdam mo?"


"Makakalabas na ba ako?" Sa halip na sagutin siya ay nagbato rin ako ng isang tanong.


"Pwede ka naman lumabas anytime soon, just wait for your Mom. Nasa baba siya at may inaasikaso," he crosses his arms. "Are you feeling okay?" Pag-uulit niya. Dumiretso siya sa table para magbalat ng saging bago umupo sa kama. He even take his shoes off para makahiga ng diretso. Who has no manners in eating? Dylan.


"Ilang oras akong tulog?" Pag-iiba ko na lamang sa usapan.


"Almost 20 hours?"


"And what happened within 20 hours?"


"Well, the culprit was arrested along with his sidekick. The girls, they are all fine though under observation pa sila dahil sa trauma at pang-aabuso na ginawa sa kanila. Their parents are all very thankful though." Nakahinga ako ng maluwag. It felt relieving na lahat ng iyon ay may pinatunguhan. Siguro nga, sana, that luck will always stick on the right side. Na hindi nagwawagi ang kasamaan sa lahat ng oras.

After ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon