Chapter 11 : Ghost of a Memory

410 95 59
                                    


Note:  READ AT YOUR OWN RISK. THE FOLLOWING CONTAINS VIOLENCE AND SEXUAL SCENES THAT ARE NOT SUITABLE FOR YOUNG AUDIENCES. PARENTAL GUIDANCE IS ADVISED.



CHAPTER 11

GHOST OF A MEMORY


THIRD PERSON'S POINT OF VIEW.


Nanginginig na mga kamay. Takot na takot. Palakas ng palakas ang tibok ng kanyang puso. Pinagpapawisan na siya ng malamig. Hindi alam ng sampung taon na batang lalaki kung saan pa pupunta. Nandiyan na siya—ang kanyang kinakatakutan.


"Nasaan na naman ba ang batang iyon!?" Sigaw ng kanyang Ina na kakauwi lamang at galing sa trabaho. Bakas sa mukha nito ang sobrang kapaguran.


Nanatili ang batang lalaki sa kanyang pwesto. Itinakip ang kanyang dalawang kamay sa bibig upang mapigilan ang paghikbi at ang paggawa ng ingay. Patuloy sa pag-agos ang kanyang luha. Kitang-kita niya ang paa ng kanyang Ina na pabalik-balik sa kung saan, hinahanap siya.


"Nasaan ka na!?" Napapikit siya ng makitang sa harapan na niya nakatigil ang mga paa nito. Hindi siya umimik. "Sa liit ng punyetang bahay na ito, akala mo ba hindi ko malalaman na nandyan ka na naman sa ilalim ng lamesa!?"


Naramdaman niya ang paghawi ng mantel na nagtatakip sa kinaroroonan niya. Naramdaman niya ang marahas na paghawak ng kanyang Ina sa kanyang tenga, bago ito piningot ng sobrang lakas na nagpasigaw sa kanya.


"Tama na po, Mama!" Paulit-ulit ang kanyang pagmamaka-awa. Paulit-ulit siyang sumisigaw. Gabi-gabi na lamang ay parating ganito. Uuwi ang kanyang Ina, magtatago siya, mahahanap siya, at sasaktan siya. Nakakasawa na.


Pinadapa siya ng kanyang Ina sa mahabang puting lamesa. Kumuha ito ng sinturon at paulit-ulit siyang pinalo sa kanyang likod kahit na ang iba sa mga sugat niya ay sariwa pa. Isa... dalawa... tatlo... walang tigil hanggang sa ang mismong babae na ang mapagod.


Bakit nga ba niya sinasaktan ang anak? Dahil wala nang kwenta ang buhay nila. Dahil pagod na pagod na siyang mabuhay, at ang anak niya ang nagpapa-alala sa kanya na minsan na siyang nagpakatanga sa isang lalaki na iiwan lang din naman siya para sa panandaliang kasiyahan.


"Parehas kayo ng Tatay mo na walang silbi!" Hinawakan ng babae ang leeg ng kanyang anak na para bang sinasakal ito. Pahigpit ng pahigpit, hindi na makahinga ang batang lalaki. "Yung tatay mo na puro pambababe lang naman ang alam! Ni hindi ka na nga niya maalala! Kahit sustento man lang, walang ibinibigay! Putragis."


Nasapo ng batang lalaki ang kanyang dibdib at pilit na hinahabol ang hininga, matapos siyang bitiwan ng sariling Ina.


Akala niya ay tapos na... subalit nagkakamali siya.


After ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon