Kabanata 37

11.5K 177 4
                                    

"You're a bitch. Bakit bumalik ka pa? You want to hurt me again? You want to get Lewis from me? Well you wont succeed. Stop seducing him because he is mine and he just used you." Puno ng galit na sabi nito.

"Ylena"

Naiutal ko habang nakatingin sa kanya. Hindi to ang unang beses na nakita ko sya. But this is the first time that I talk to her after years.

Dahil sa lapit nya'y naamoy ko ang alak sa katawan nya. She's drunk.

"What? What are you doing here? Umalis ka na diba? Bakit bumalik ka pa? why 'cause you want revenge from me? You want to get even o baka naman gusto mong saktan ulit ang anak namin ni Lewis? " hinawakan nya ang braso ko at bahagya akong inalog na parang nanggigil.

"Bakit bumalik ka pa? masaya na kami? Ayos na rin kami ni daddy pero bakit bumalik ka pa? Tita already accepted me too. Mangugulo ka nanaman! "mariin nyang sabi.

Mas hinigpitan pa ang paghawak sa braso ko. Tuluyan ng bumaon ang kuko nito. I feel it's pain pero wala iyon kumpara sa emosyonal na nararamdaman ko.

'Ako pa? Ako pa ang mangugulo? '

Pilit kong inalis ang pagkakahawak nya sa braso ko. Gusto kong maging mabait sa kanya dahil sa muntik ng pagkawala ng anak nya but I can't just take it. Hindi ako nangugulo kung tutuusin ay sya nga ang nanggulo sa buhay ko together with Lewis.

Pumikit ako ng mariin at tumitig sa mga mata nya bago ngumisi."It is not my fault that even I've been away for so long they still want me and not you. Just accept the fact that they don't like you, panakip butas ka lang habang wala ako." Sabi ko at kunwari'y humalukipkip.

Nalukot ang kanyang mukha dahil sa sinabi ko. Lalo ring namula ang mga mata nya, gigil na gigil sya at nangingilid ang mga luha. "They love me. I am way better than you." Nanginginig ang boses na sabi nya.

"Really?" nanunudyo kong sabi.

"They love me! Dad loves me even your mom loves me! And Lewis love me that's why he ditch you like a trash. They all lied to you for me, because they love me! " Pambawi nya at ngumisi sa akin.

"How sure are you? Baka naman ikaw lang ang nagsasabi na mahal ka nila? Stop making your self believe that they love you kahit na ang totoo ay sukang suka na sila sayo." Kunwa'y natatawa kong sabi sa kanya.

I won't let you hurt me anymore.

Ngumiwi sya kita ko kung paano nya pilit pinapatapang ang sarili nya.

"They love me! They told me they love me!" mangiyak ngiyak na sabi nito

"Edi ikaw na mahal." I rolled my eyes at pilit kinalas ang hawak nya sakin.

Nang makaalis mula sa pagkakahawak nya ay akmang tatalikuran ko na sana sya ng bigla nanaman nyang hinablot ang braso ko, hinarap ko syang muli. Ang kaninang mangiyak ngiyak nyang ekspresyon ay napalitan ng poot. Pulang pula na din ang mukha nya hanggang sa leeg dahil sa galit. I can even feel her nails digging my skin.

Pilit kong pinipigilan ang mapangwi dahil sa sakit ng pagbaon ng kuko nya.

"You think, babalik pa sayo si Lewis? I've told you before ako ang mahal nya. He just used you to get even with me. And he will not leave me and our daughter just for you." Nakataas ang kilay na sabi nya habang may nakapaskil na ngisi sa mukha.

Hindi ko na napipigilang mapangiwi dahil sa sobrang pagkakabaon ng mga kuko nya habang nakahawak sa akin ng mahigpit.

Pero hindi ko na iyon pinansin at tiningnan sya sa mga mata na puno ng tapang.

"So?" Nagtaas din ako ng kilay at malakas na binawi ang braso ko.

"So stop being a desperate bitch! You slut!" muling bumalik ang galit nyang ekspresyon.

Taming The Beast (Ruthless Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon