Kabanata 40

13.4K 159 0
                                    


Inayos ko ang aking damit. I will meet him again today. Gaya ng sabi nya'y pumasok ako sa opisina ngayong araw. Kahit hindi naman nya sabihin iyo'y talagang papasok ako, dahil abka matuluyan na iyong sa breach of contract.

Sumakay na aj ng elevator papunta sa floor ng opisina ni Lewis.

Trevino's Law Firm and Associates became bigger for the past years. Hindi man gaanong nagbago ng itsura nito sa loob ay ilang palapag naman ang nadagdag dito.

Bumukas ang elevator sa 18 floor, bumungad sa akin ang puros salamin na dingding ng opisina ni Lewis. The whole 18 floor covered with glass is the office of Lewis Adan Trevino,napaka lawak nito. Minsan nga'y naitatanong ko na lang sasarili kung bakit todo trabaho pa rin si lewis gayong kahit hindi na sya magtrabaho'y magkakapera naman sya.

I came from a rich family but my family is not rich as Lewis. He can do anything by the use of his money,when I say anything it means everything.

Isa lang naman ang hindi nya ginawa at nagawa, it is to find me for years.

Kumirot ang dibdib ko sa naisip. Huminga ako ng malalim bago naglakad papasok sa opisina nya.

Hindi ko na dapat pang isipin iyon ayos na kaming dalawa at iyon ang mahalaga. Ayos nga ba? Sana...

Pinasadahan ko ng tingin ang aking sarili. Naka white body con dress ako ngayon. Medyo itinaas ko ang sa bandang dibdib niyon. What should I tell him when I enter his office?

Ilang beses muna akong kumatok bago binuksan ang pintuan ng opisina ni Lewis.

Nang pihitin ko ang siradura ng pintua'y kaagad ko syang nakita, nakaupo sya sa gitnang swivel chair at seryoso ang mukha habang nagbabasa. Napahinto ako sa hakbang satakot na makgawa ng ingay na makakaistorbo sa kanya. Kinakabahan ako. Kinalma ko ang sarili ko.

Nilapag ko kaagad ang aking bag sa lamesang nakalaan sa akin. Hindi na ako nagabalang batiin pa sya.

Nag angat ako ng tingin at nakita si Lewis na pinapanuod ang galaw ko. Wala itong ekspresyon. What nw Lewis?

Alam kong alam nya na nakikita ko ang ginagawa nhyang paninitig sa akin pero hindi man lang sya nagablang magbawi ng tingin. Sa halip ay ako pa ang nagbawi bago naupo sa upuan ko.

Kinuha ko ang laptop sa loob ng bag ko at binuksan ito. Bumalik na rin sa kanyang ginagawa si Lewis. Napahinga na lamang ako ng malalim dahil a kabang naramdaman ko kanina. Kabang hidni ko naman alam kung para saan.

Nanatili lamang kaming kapwa tahimik at busy sa ginagawa. Pero kahit gano'y hidni ako natigil sa pagsulyap sa kanya.

Mula sa peripheral vision ko'y kita ko ang ginawa nyang pagpindot sa kanyang cellphone. Kumunot ang nook o ng makita nangingiti habang nakatingin doon. Pinagmasdan ko lang si Lewis. I saw him tap his phne again and bring it beside his left ear. Seryoso ito pero makikita mo sa mga mata nito ang pagkagalak. Lalong kumunot ang noo ko.

I feel a fang in my chest.

He must be talking to Ylena.

Umiwas ako ng tingin at pilit na ibinalik ang atensyon sa ginagawa pero tuluyan na akong napahinto ng marinig ko ang mumunting tawa ni Lewis.

Sa sobrang abala ko sa panunuod ng kilos nya'y hidni ko na napansin na nakatingin na din pala sya sa akin nahuli nya ako na pinapanuod sya. Tumaas ang kilay nya, bago mukang nagpaalam sa kausap at pinatay ang tawag.

Ibinaba nya ang telepono nya habang nakatingin pa rin, wala na ang kaninang kinang sa mga mata nito tanging blanking ekspresyn na lamang at nagtatangis na bagang.

Taming The Beast (Ruthless Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon