5.

364 17 5
                                    

ANIKA YESHA CORDOVA

Agad akong nag punta sa CR at duon ibinuhos lahat ng luhang pinipigilan ko.

"Tang ina. Ba't ang sakit sakit! " Sabi ko sa sarili ko.

Kung.. kung sana pinakinggan niya lang ako noon. Kung sana. Naging matapang ako at hindi nagpadala sa sakit ko. Kung sana, hinabol ko siya noon sa Canada. Sana.. Sana ako ang babaeng kayakap niya. Ako ang nasa katayuan ni Patty. Ako sana. Ako parin sana.

Flashback

"Ayen kumain kana. Makakasama na sayo ang pag skiskip mo ng meals. " Sabi ni Mommy sakin.

Tulala padin ako hangang ngayon.

Wala na siya. Umalis na. Ni hindi niya man lang ako pinakinggan. Umalis siya ng walang paalam.

Ang sakit. Sobrang sakit. Alam mo ba ung pakiramdam nang halos hindi kana makamulat sa kaiiyak. Na parang waterfalls na ang mata mo dahil patuloy lang umaagos doon ang luha? Bakit niya kailangang gawin to? Siya na nga lang ang dahilan kung bakit lalaban ako sa sakit ko, tapos nawala lang siya. Iniwan niya lang ako.

"Ayen please kumain kana." Napapitlag ako ng hawakan ni Mommy ang kamay ko. Ewan ko kung bakit bigla na lang akong napaiyak at nanginig sa takot.

"So-sorry anak. Hayaan mo. May therapy ka bukas. Pasensya na anak ha, hindi ka namin nabantayang maigi ng daddy mo. " Niyakap lang ako ni Mama pero hindi ako gumalaw.

Ewan ko. Wala ako sa sarili at nanginginig. Natatakot. Takot na takot akong mag pa hawak sa iba. At kahit pag gabi ay binabangungot ako ng pangyayaring ni hindi ko naman ginusto.

Napahikbi na lamang ako at napaiyak.

Bakit sabay sabay pa? Bakit sakin pa?!

Nawala sakin ang taong akala ko makakasama ko sa pagsubok kong ito. Nasan na siya? Sinukuan niya lang din ako. Akala ko.. akala ko mahal niya ako. Pero nasan siya? Nasaan siya. Iniwan niya lang ako. At ngayon ay diring diri na siya sa akin. Kinasusuklaman na niya ako.

Na, isa raw akong maduming babae. Kaladkarin.

Gustong gusto kong sabihin sa kanya na "Hindi.. Hindi kita ginago, Hindi kita niloko. Kahit kailan wala akong ibang minahal kung hindi ikaw lang Zeke. Hindi ako madumi, Hindi ako kaladkarin. Akala ko ba mahal moko? Bakit ayaw mokong pakinggan? Bakit sa iba ka nakinig? Hindi ba dapat sakin ka makinig? Zeke hindi kita ginago. Binaboy ako Zeke. Binaboy ako ni Kevin."

Pero paano pa? Wala na siya. Wala nang saysay pa. Ni walang nakakaalam kung nasaan siya ngayon. Kahit ang barkada wala. Naawa na ako kina Mommy at daddy. Sobrang nahihirapan na sila sakin. Pero kahit anong gawin ko, hindi ko sila mayakap. Hindi ako magpahawak. Dahil natatakot ako. Takot na takot ako. Dahil bumabalik lahat. Lahat ng alaala.

A Masochist's (Masokista) PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon