7.

345 14 1
                                    

ANIKA YESHA CORDOVA

Isang buwan na rin ang nakalipas noong dinala ulit ako ni Jessie kay Doc. Amy. So far so good, hindi na ulit ako inatake ng takot at panginginig. As well as ng sakit ko. And I am very thankful of that.

That day, sinabi ko kay Jessie na mag momove on na ako. Kaagad namang inereport ng lukang iyon ang desisyon ko sa buong barkada (exept him syempre) na ikinatuwa naman nila. Sa wakas daw ay nauntog na ako. Haha.

Pero hindi iyon ganoong kadali.

Zeke is my first love. They say that first love never dies. Natural. Sa sitwasyon ko si Zeke ang una ko sa lahat. Name it. First love, first boyfriend, first kiss, hug, at kung ano ano pang kacheesyhan. Though I am not his first he promised me that I'll be his last which I know won't happen anymore.

Moving on is like killing yourself to death.

Hindi man literal.

Pero papatayin ka nito sa lungkot. Sa sakit. Sa hirap at sa pangungulila.

Kung dati rati may kasabay kang kumaen pag lunch, may nag tetext sayo every morning, may nag aalala sayo, may mag aaya sayo ng date, aabangan nyo ang every monthsary nyo, ganito ganyan. etc blah blah blah.

Ngayon. Wala na.

Bakit nga ba kasi hindi ko pa dati sinimulan ang bagay na ito? Bakit ngayon ko lang narealize na kailangan ko na palang umusad kung kailan mas nasaktan pa ako.

Kung kailan harap harapan na yung sakit.

Patty. Patricia De La Vega is one heck of a lucky girl. Dahil mahal siya ng lalaking mahal ko.

I know Zeke. When he loves, he does. Si Zeke ang gugustuhin ng maraming babae dahil bukod sa gwapo at mayaman siya ay maalaga siya. Boyfriend material ika nga.

Kung hindi lang sana nagkada leche leche ang lahat.

Baka ako padin.

I tried to free my self with those thoughts for the past weeks. Pinagbutihan ko ang trabaho ko at isinubsob ang sarili ko sa mga paper works na kailngan kong tapusin. And I am proud of my self because I closed 3 deals in 2 weeks.

At dahil nga busy ako sa trabaho, ay hindi ako nakasama sa isang night out ng barkada. Sabi nila ay huwag na daw akong pumunta at baka magkasakit lang daw ako, which I obliged dahil naka apat na pump ako noong araw na iyon. Masyado ko naman daw atang pinagbutihan ang trabaho ko biro pa nila. Tho, alam ko naman na kaya nila ako hindi pinapunta ay dahil nandoodn si Zeke at si Patty. Ayos na rin yun bawas stress na rin.

Nakaramdam ako ng biglang pagkamiss sa mga magulang ko kaya naman kinuha ko ang phone ko at tinawagan sila.

"Hello Iha? May problema ba? Bakit ka napatawag?" Bungad agad ni Mom sakin

"Nothing Ma, namimiss ko lang kayo ni Daddy. Kamusta na kayo jan? Si Nico nag aaral bang mabuti?"

"Oo anak. Okay lang kami dito. Okay rin si Nico. Napagalitan lang ng daddy mo dahil may dinalang babae dito sa bahay ng madaling araw. Ayun grounded."

Ang lupit talaga ng kapatid ko. Aba't akalain mong nagdala ng babae sa bahay? I can't imagine dad's face noong malaman niya iyon. Sigurado akong sobrang hesterical ni Dad.

"Kainaman talaga yang si Nico ma. Nako! Mabatukan nga yan ng isa. " Sabi ko naman.

"Oo nga. Nako kung nandito ka lang sana. Ay. Kamusta nga pala ang company anak? Balita ko nakapag close ka ng 3 deals ah? Nako alam mo bang nakalimutan ng daddy mo na galit siya kay Nico noong na basa niya ang email ng mga investors? Hahaha."

Napatawa naman ako kay Mommy. Daddy talaga workaholic din.

"Talaga Mom? Thankyou. Sobrang miss ko na kayo ma."

"Sobrang miss narin kita anak. "

Napabuntong hininga na lang ako.

"Sige na anak, ibababa ko na tong tawag ha? May meeting kasi ako ngayon. Ingat ka jan ha? Ang gamot mo. Wag kang mag papasaway. Loveyou anak. Miss ka na rin naming tatlo."

"Bye Mommy. Loveyoutoo. "

Ibinababa ko na ang phone ko at nagtuloy na lang nang pag tratrabaho. Kahit na pa miss ko na sila ay hindi ko maiwan ang kompanya.

*TOK TOK TOK*

"Yes? Come in."

"Mam may bisita po kayo. "

"Sige papasukin mo siya dito sa office ko " Naramdaman kong pumasok ang "bisita" kuno ko daw sa office ko. Nakatungo kasi ako at may inaayos na mga papeles.

"Iha. " Tumunghay ako ngumiti sa nakita ko.

"Tito Drake!" I stood up and hugged him.

"Kamusta kana iha? Looking good ha. At eto nga pala pasalubong ko sa iyo. " Sabay bigay niya sa akin ng paper bag na alam ko na ang laman.

"Nako Tito, ano kaba. Nambola kapa tsaka nag abala kapa sa favorite cake ko. By the way. Bakit nga pala po kayo nandito?" He's Mr. Drake Montanilla. Yes. Zeke's father.

"Alam mo na bang Zeke is here?" Tanong ni Tito sakin.

"Yes Tito. Nagkita na kami kasama ang barkada."

"Hindi mo parin ba sasabihin sa kanya ang totoo iha?" Tanong ni Tito ng may pag aalala.

Yes. Close kami ni Tito Drake at alam niya lahat ng tungkol samin. Noong umalis ng bansa si Zeke ay kahit si Tito Drake ay hindi alam kung saan siya hahanapin. Halos 4 months ding naghanap si Tito sa anak niya at napagalaman na nasa Canada ito.

Tito Drake knows all. He tried to tell Zeke my condition, but he refused to listen. Dahil nung mga panahong un ay kinamumuhian niya ako. Nag away pa nga sila noon ni Tito. I understand him. Isa pa, isa si Tito sa mga tumulong sakin noong inoperahan ako.

"Hindi na Tito. Ngayong masaya na siya? Bakit pa? Nakakita na siya ng magpapasaya sa kanya. At ako naman po ay unti unting uusad na." I smiled weakly.

"Pasensya kana iha sa anak ko. Nagulat rin ako nang sabihin niyang kasintahan na niya si Patricia."

"Ayos lang iyon Tito. Siguro nga ay hindi kami para sa isa't isa."

Tito Drake patted my head. Namiss ko tuloy si Dad. Kelan kaya sila uuwi?

"And one more thing iha, may isa pa ulit akong ihihingi ng tawad sa iyo in advance. But this is about business matters. I hope you'll understand."

"Ano po iyon?" Tito just smiled at me. Bakit parang masama ang kutob ko sa ngiting iyon ni Tito Drake?

**************************************************

Close naman pala sila ni Tito Drakeyy. Hahaha. Votes, comments and reads. :) Thankyouu. <3

A Masochist's (Masokista) PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon