ZEKE JOSEF MONTANILLA
Nasa ibang resto kami ngayon at nasa harapan ko naman silang dalawa. Nagkasukatan na lamang kami ng tingin ng Vien na ito. Huh. Siya pala ang pinag mamalaki ni Luke samin. Tss. Yabang."So as I was saying, okay na itong last draft. Great job Vien. Pwede na tayong mamili or mag order ng mga things for the hotel." Sabi naman ni Ayen.
Tss. I can't stand them. Kanina narinig kong "Crush" ang tawag netong Vien na to kay Ayen at itong si Ayen, nagblush naman. Grabe. Ganoon ba siya kabilis bumigay sa arki nato? FYI, di sila bagay. Ang bagay kay Ayen ung maputi. Kasi maputi din siya. Mukha silang Nido at Milo. Tch. Ang bagay kay Ayen yung mga katulad ko.
"Zeke?" Tawag sakin ni Ayen.
"Yeah?"
"You are spacing out. Sabi ko, tara na sa site. Naayos ko na rin ang mga business permits. Pagpahingahin na din muna natin si Vien. Pagod to sa biyahe e. " Ako? Nag spaspace out? Huh. Eh kasi naman, hindi talaga sila bagay! At mukhang concern na concern pa tong Kikay nato. Psh.
Pagkalabas namin ng resto ay nakita kong may dala rin palang kotse tong si yabang. Sasakay na sana si Ayen ng higitin ko ang kamay niya.
"Sakin ka sasabay Ayen." Sabi ko.
"Bakit naman? Kay Vien na. " Eh kasi baka iskoran ka niyang lalaking yan! Hindi mapagkakatiwalaan ung mukha e!
"Ah, ano. Yang. May ibibigay ako sayo. Oo yun nga. Tara na." Buti na lang naalala ko ung ibibigay ko sana sa kanya kanina. Di ko na siya hinayaang magsalita at hinatak ko na siya sa kotse ko.
"Teka, Zeke. Ano ba yung ibibigay mo? Nakakahiya naman kay Vien e."
"Mamaya na. Nagdririve ako e. " Sabi ko naman sa kanya.
BINABASA MO ANG
A Masochist's (Masokista) Pain
Romance"Alam mo nyo ba ung mahirap? Ung siya nakausad na pero ako, ako nandito parin. Naiwan. Kahit gaano man kasakit sakin ang nakikita siyang may kasamang iba. May kahawak kamay na iba. Ngumingiti sa iba, basta ba masaya siya okay na sakin e. Hindi ko ka...