#PATAYINSASELOSSIZEKEPART1. Dedicated kay Mhariella Buan. :) Request mo. Sana mapasaya kita. Hihi. Mwa. Thankyouu.
ANIKA YESHA COROVA
Balik trabaho na ulit kaming tatlo nina Zeke at Vien. Kasalukuyan akong nasa isang furniture depot dahil napagusapan naming ngayon kami mamimili ng mga gagamitin na gamit sa hotel. Okay na ang structure ng hotel as well as the plan for the rooms, hallways, lobby and etc. All in all. Okay na siya. Construction and materials for the hotel na lang ang inaasikaso namin.
I texted them two na dito na lang dinmagpunta since makikipag usap pa naman kami sa may ari ng depot na ito. Naglilibot ako at nagtitingin sa mga furnitures nang may nagtakip ng mata ko.
"Si-sino to?" Tumalikod ako sa kanya at nakakita ako ng isang morenong rebulto na may hawak na pink roses. Well sino pa bang moreno sa storyang ito?
"Goodmorning crush. "
"GoodMorningdin sayo."
"Para sakin ba yan?" Tanong ko sa kanya.
"Asa ka naman noh, matapos ng nangyare kagabi? Aasahan mong bibigyan kita ng flowers? Wow naman Miss Cordova. " Sarcastikong sabi ni Vien sa akin.
Nalungkot naman ako sa sinabi niya. Well, yeah. Nagtanong nga siya kung pwede akong ligawan kagabi, pero tumanggi ako. I don't know why. Hindi pa ako talaga siguro handa.
"Sorry Vien. " Napayuko ako at nahiya.
"Hey," He lifted my head and looked straight into my eyes. I can't look at him straight kaya naman hinuli niya ang mga mata ko.
"I am just joking okay? Remember what I told you last night? Sabi ko sayo okay lang diba? I can wait until you're okay. Until ready kana. Okay lang sakin yun. I can't blame you. And I can't be mad at you. Don't be sad. Hindi bagay sayo. Here. This is really for you and only you. " Nakakapanginit ng mukha ang mga sinabi niya. Nakakatunaw din ang mga titig niya. Sheez. Kinikilig ata ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko.
Alam kong kinikilig ako pero bakit parang mali? Bakit parang may kulang? Bakit walang spark?
"E-ehem. Tumatakbo ang oras oh. Mamaya na yan. Nasan na ba yung may ari ng tindahan na to? Agang aga nag dgbfrnbgkosknrhfgrbfaskfjsjn" Napabitaw naman ako at napaiwas ng tingin kay Vien ng marinig kong magsalita si Zeke. Bakit parang badtrip ata siya? Umagang umaga nakakunot na kaagad ang noo niya. Hind ko na nga narinig ang huling sinabi niya dahil agad na siyang naglakad palayo sa amin.
"Anong problema nun?" Tanong ni Vien. Napa angat na lang ang balikat ko na para bang sinasabing hindi ko alam.
BINABASA MO ANG
A Masochist's (Masokista) Pain
Romance"Alam mo nyo ba ung mahirap? Ung siya nakausad na pero ako, ako nandito parin. Naiwan. Kahit gaano man kasakit sakin ang nakikita siyang may kasamang iba. May kahawak kamay na iba. Ngumingiti sa iba, basta ba masaya siya okay na sakin e. Hindi ko ka...