23.

313 17 1
  • Dedicated kay Viele Kaila Dimayuga
                                    

#AMPINTENSE Dedicated kay Kelay Dimayuga. Nakakahiya naman sa pagiging artista niya. HAHAHA. Iloveyouuu Kelay. :) <3

ANIKA YESHA CORDOVA

Nagmamadali akong lumabas ng condo. Sobrang labo na ng mga mata ko dahil walang tigil ang pag agos ng luha mula doon. Mabigat na rin ang paghinga ko at nanghihina na ang tuhod ko. Shit.

Ewan ko. Masisisi nyo ba akong mahal ko pa si Zeke? Hindi naman siguro diba? Pero bakit kasi hindi nila ako maintindihan. Hindi pa ako handang magmahal ulit. Mag simula ulit. Ang sama namang tingnan kung gagawin ko lamang panakip butas si Vien.

Mabuti siyang tao at may mabuting puso rin. Hindi niya deserve maging isang panakip butas.

Nakasakay pa naman ako ng elevator pero sobrang nanghihina na talaga ako. Pagkabukas ng elevator ay may isang bulto ng lalaki akong nakita sa harapan ko.

"Ayen?!" Tiningnan ko siya ng diretso at nilabanan ang pang hihina ko.

"Please, take me with you. "

VIEN ISMAEL LAZARDE

Papunta sana akong condo ni Ayen kanina nang makasalubong ko siyang hinang hina sa may elevator. Basa ang pisngi niya at namumula ang ilong niya. Sign na umiyak siya. Bakit naman kaya siya iiyak? Anong dahilan? Nang sinabi niya sa akin na kuhanin ko muna daw siya ay hindi na ako nagdalawang isip. Mamaya ko na lamang siya tatanungin sa bagay na iyon.

Nakarating kami sa bahay ko. Nakatulog na siya sa byahe kaya naman binuhat kona siya paakyat ng kwarto. Mabigat ang paghinga niya kaya naman iniayos ko ang tayo niya at binuksan ang aircon. Hahayaan ko na muna siyang makatulog. Mukhang malaki ang dinadamdam niya.

Napatitig na lamang ako sa mukha niyang may bakas ng mga natuyong luha. Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok at pinagmasadan siya. Napakaamo at napakaganda niya talaga. Kahit kagagaling lang niya sa iyak, hindi nabawasan ang ganda niya.

Hindi ko naman maiwasang alalahanin ang nangyare kagabi. Hindi ko naman sinasabi na totally na nasaktan ako. Okay lang naman talaga sakin. Malay mo hindi pa talaga siya handa. Okay lang sa akin yon.

"Hmmm" Gumalaw siya ng kaunti at unti unting iminulat ang mga mata niya.

A Masochist's (Masokista) PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon