CHAPTER TWO
MONTHS HAS PASSED
Di ko na matandaan kung kelan yung una pagtetext namin ni lovely hehe. Sa dinami-dami ba namang tao na katext ko, malay ko ba na magiging close kami sa isa't isa. Siya lang talaga ang naging super close ko sa clan, yung tipong halos araw-araw ko na syang ka text. Yung iba kasi nangungumusta lang, nagtetext lang sila kapag bored sila. Active pa naman yung clan naman di ko lang alam kung magtatagal pa 'to.
Recess namin non. FEBRUARY 29, 2012 that was wednesday :) UNLI CALL ako noong araw na iyon dahil binigyan ako ni mama ng load para nga matawagan ko siya araw-araw. Nasa cebu kasi siya ngayon para mag-aral at mag-training ng trabaho nya para sa japan, everyday kaming mag kausap ni mama sa cellphone para nga daw malaman niya kung anong pinag-gagawa namin na wala siya. Apat kaming magkakapatid. Ako ang panganay at ang kasunod ko ay si Stiffany, 14 years old. Si Brent 4 years old at si lance naman ay 2 years old.
At dahil nga recess namin tinawagan ko siya. Si lovely :) Ito yung araw na unang beses kong maririnig ang boses nya. At dahil nga di matawagan ang cellphone nya, naki insert muna sya sa cellphone ng classmate nya.
CALLING LOVELY...
"Hello?" sagot niya.
"Ahh, hello :)" At dahil nahihiya ako sa kanya. Pinasa ko yung cellphone ko sa classmate ko na si Jojean. Hahaha!
"Hello?" -Jojean
Nakikinig lang ako sa usapan nila. Hinanap ako ni lovely, kinuha ko cellphone ko kay jojean at kinausap siya sandali. Pasa-pasahan lang kami ng cellphone ni jojean dahil nga nahihiya ako. Sa totoo lang gusto ko talaga siyang kausapin kaya nga lang itong pagkamahiyain ko, panira ng pagkakataon hahaha. Maya-maya nagpa-alam na ako kasi nandyan ng si ma'am. Yung favorite student teacher ko hehe!
"Ahm, sige ha? nandyan na kasi si ma'am." Sabi ko kay lovely.
"Ok, sige. Makinig kayo ng mabuti ha? hehe."
"Hahaha! Syempre naman" kung ibang teacher pa lang 'to, di ako makikinig hahaha! Sabi ko sa isip ko.
"Sige ha, uuwi na rin ako."
"Ok, ingat ha"
Call ended...
Ayun, nakinig ako kay ma'am at maya-maya nag quiz kami :)
"Oy, makinig ka kay ma'am hahaha" Sabi ko kay jojean.
"Bahala sya" Oy, haha! Napano na naman to? Tsk tsk.
"Bakit naman? Sabi ni lovely makinig daw tayo hahaha" Nagtatampo na naman siguro to kay ma'am. Feeling din eh, hahaha. Di ko na narinig sagot nya dahil nakinig na ako kay ma'am.
Answer dito. Answer doon ! At dahil nakinig ako, madali lang 'to para sa akin hahaha. Pagkatapos kong mag answer, pinasa ko na kay ma'am ang papel ko.
"So, kumusta yung spelling bee niyo nung monday?" Tanong ni ma'am honeylen sa akin. Sa section namin ako ang napili. Everyday kaming nag e spelling lahat ng classmate ko. At dahil nga ako yung nakakuha ng highest score kaya ayun hahaha. Kaso natalo ako, mali yung pagdinig ko. Syet kasi mag pronounce yung nagpa spelling sa amin, studyante rin 3rd year yata yun xD kaya ayun tsss. Apat na event panalo ang section namin ako lang yung nakapatalo sa isang event, kasalanan yun ng nag pronounce eh hahaha! Sarap sakalin eh no xD Naiyak pa ako non, kinomfort naman ako ng classmate ko. Ok lang daw yun at least napanalo namin yung tatlo. Tsss, kahit na -.- Balik na tayo sa story hehe.
"Sayang, natalo ako ma'am eh :( Yung pag pronounce kasi nila yung problema. Yung nanalo ng spelling bee di sumipot nung final hahaha" May kapareha kasing pag pronounce yun. Nakalimutan ko na kung ano.