Chapter seven: Fourth meet. Second day xD

111 1 0
                                    

CHAPTER SEVEN

MAY 26, 2012- Sat.

This day magkikita uli kami. Nagready na ako. Naligo, nagbihis, naligo ng pabango. Hahah! Baka kasi may umamoy sakin :p sa totoo lang. Di ako umaalis ng di nagpapabango. Kahit na may allergy ako sa perfume, gumagamit pa rin ako. Kapag kasi nagpe-perfume ako, umaatake ang allergy rhinitis ko sinisipon ako nagbabara ilong ko. Tsss.

Nagpa-alam na ako kay mama non. Nakauwi na pala si mama dito sa davao nong MAY 13. Hintayin nalang daw namin yung tawag ng embassy para inteview-hin si mama. After 3 months kung walang problema ang papeles namin darating na yung visa namin ni mama. Ilang agency na yung na applyan ni mama, sana ito na yung pagkakataon na makapunta na kami sa japan. Pinaaral nga ako ng japanese language, di pa ako nag-aral. Natatakot kasi ako don sa magtuturo sa amin. Hahah! Ang hirap pa naman ng nihongo, di pa nga ako nag-aaral sumasakit na ulo ko eh. Hehe. Si mama MWF na ang class nya, naka graduate na kasi sya sa daily class. Ako, di pa nagsisimula. Nganga talaga ako nito.

"Ma, alis muna ako ha." Sana pumayag. haha!

"San ka nanaman ba pupunta? Kahapon umalis ka. Ngayon aalis ka nanaman."

"Ngayon lang to ma. Ngayon nga lang talaga ako umaalis ng bahay eh. Lagi na nga lang akong nandito sa bahay." Pa cute kong sabi. Alam ko namang papayag to si mama eh. Ako pa! Sa totoo lang ngayon lang talaga ako umaalis ng bahay. Simula lang nong nagkakilala kami ni lovely.

"Ok sige. Basta't wag kang magpapagabi." Oh, kitams. Hahah!

"Ok ma. Alis na ako!" Alas kwatro na ngayon ng hapon. Don pa rin kami sa P'PARK magkikita. Nagtext na sila sa'kin na nandon na daw sila. Pagpasok ko pa lang sa entrance nakita ko na agad sila, lumapit naman ako. Ayun, parehas pa rin kahapon. Tahimik lang ako, nakikinig sa kanilang tatlo na nag-uusap. Sa tuwing titanong lang nila ako nagsasalita. Eh kasi naman, nahihiya pa rin ako eh. Nasa may waterfalls kami ng park ngayon, pinatugtog nya yung kantang GOD GAVE ME YOU. One of my favorite song. Na~ Sa tuwing di sya nakatingin sa akin pa lihim ko syang tiningnan. Yay! Whut happened to me? xD Sila hannah at aj nandon lang sa unahan namin. May kinuha siya sa wallet niya at binigay niya yun sa akin. Picture pala niya :) Nilagay ko agad sa likod ng bulsa ko, di kasi ako nagdala ng wallet eh.

Medyo dumidilim na ang kalangitan chaaar hahah! Nakaupo kami sa damuhan habang nag-uusap. Maya-maya mag e start na yung dancing fountain xD Lumapit naman kami. Nung nagstart na, nasa likod ko si lovely, ako naman naka tingin na don sa fountain pati yung dalawa. Maya-maya niyakap niya ako. O~oooh. That hug. Can we just stay here forever? Hahaha.

Pa lakadlakad na naman kami nang biglang umulan. Sumilong kaming tatlo sa gilid at maya-maya naupo na. Katabi ko si lovely, katapat ko naman si hannah. Humiga si lovely sa shoulder ko! I'll be your crying shoulder~ Ay. Hahaha. Napapakanta tuloy ako sa isip ko xD Tahimik lang kami, hinihintay na tumigil ang ulan. Naramdaman ko naman na hinawakan niya ang cheeks ko. Nako po! Hinaplos-halos pa niya yun. Hinayaan ko nalang, gusto ko rin naman eh. HAHAHAH! Sheeeyt. Ene be ete!

Naka tsansing sya sa akin ah. Madilim naman don kaya walang nakakakita. Hay nako, wag nalang sanang tumigil ang ulan para di sila makauwi. HAHAHAH!

Nang tumila na ang ulan...

"Taraaa, uwi na tayo. Anong oras na oh."-Lovely. Ay :( Haha! Ayoko pang umuwi sa totoo lang. Ayun naglakad na kami palabas. Habang palabas na kami sinipa-sipa ko yung paa ko, kaya napisikan siya.

"Oh, sorry hahah." Nagpisikan kami ng tubig. Pero saglit lang. Nong nasa labas na kami, nagpa-alam na sila sa akin. Mag-aalas dyes na ng gabi. Patay ako kay mama nito.

"Best, uwi na kami. Ingat sa pag-uwi ha."

"Kayo rin ingat."

"Sige erves." - Hannah. Yan tawagan namin. And they hug me.

"Sige bye." Medyo ok tong araw nato unlike yesterday. Katagalan nito, di na ako mahihiya. Hehe. Ganun naman talaga ako at first eh, pero mahiyain talaga akong tao at tahimik. Parang papa ko, tahimik din yun. i miss him :(

Pagdating ko sa bahay, tulog na si mama at mga kapatid ko. Di ko napansing nagising si mama.

"Ngayon ka lang? Anong oras na. Kumain kana ba?"

"Oo Ahm, di pa ma."

"Kumain kana dyan." Tumango lang ako at natulog na ulit siya. Pagkatapos kong kumain, maya-maya ay natulog na din ako. Magkikita kaya kami bukas? Sana...

THE NEXT DAY... We're texting, hindi kami magkikita this day. Maybe tomorrow. Bukas na sila uuwi eh :( Maghapon lang kaming magkatext. Worried sya sa pinsan nya na si aj, kasi di yata nagpaalam sa parents niya na aalis. Ayan tuloy tsk tsk :/

The Girl of MY LIFE (GirlXGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon