Chapter fourteen: Tsss.......

116 1 0
                                    

                 CHAPTER FOURTEEN

  Lumipas ang mga araw di kami nagkikibuan ni stiff. Naiinis ako sa kanya. Oo kasalanan ko naman yun eh. Pero sana naman di siya nagsumbong. Sana hinayaan niya na ako ang magsabi kay lovely. Mas ok kasi yung ako mismo talaga ang umamin kesa sa iba niya malaman. Hays. Ayoko ng maulit pa ito. Text ako ng text sa kanya. Pero ni isang reply wala natanggap. Naisipan kong magpaload kaya pumunta ako ng tindihan. Nung dumating na yung load, ni register ko agad sa unli call. Kung tatawagan ko kaya siya sasagutin kaya niya? Gustong-gusto ko siya makausap. Kung magkalapit lang sana kami ng bahay kanina pa ako nasa kanila. Gusto kong kausapin siya sa personal at magsorry at sasabihing hindi na ito mauulit pa. Sinubukan ko siyang tawagan pero di niya sinasagot :( arghhh! Kaya si hannah nalang ang tinawagan ko.

“Hello erves?”

“Oy erves! Napatawag ka?”

“Wala lang.”  Medyo maingay sa kabilang linya. Magkasama siguro silang magbarkada ngayon.

“Nandito si lovely, kausapin mo?” As if naman kakausapin ako niyan. Nire-reject nga tawag ko, kakausapin pa kaya :(

“Di yan makikipag-usap sakin :(”  Sabi ko with matching pa iyak2 tone xD

“Love oh? Best mo kakausapin ka daw.” Sabi ni hannah kay lovely habang inaabot siguro niya ang cp niya. Wala akong narinig na boses galing sa kanya. So, ayaw niya talaga akong makausap.

“Ayaw niya erves e. Umiiyak ka noh?”

“Ok lang. Hayaan mo nalang siya. Ge erves. Bye. Tawagan nalang kita maya.”  In-off ko na. Napasuntok pa ako sa pader. Useless ang ni load ko, ayaw niya akong makausap. Hays, ito na naman ang mga luha ko di ko mapigilan. Kasalanan ko to eh :( Kaya ito ang dapat sa akin. Nahiga nalang ako at naiyak. Sana maging ok na kami. Di ko kaya na ganito kami ngayon. Miss na miss na miss ko na ang bestfriend ko. Ang mahal ko. Sana mapatawad na niya ako para ok na ang lahat.

  NOVEMBER 14, 2012- WED.

   Nagstart na akong pumasok ngayon sa japanese class ko. Halo-halo lahat ng estudyante ma mama man o ma anak. Classmate ko si mama at dahil baguhan ako nahihiya pa ako. Mahiyain naman talaga akong tao eh hahah. Kaya sila yung unang namamansin sakin. Monday-friday ang class namin 1:00-5:00 ng hapon. Buti nalang babae yung nagtuturo sa amin. Hindi yung lalaki na si sensei hirao, natatakot kasi ako dun eh hahah. (Sensei means teacher) Hindi naman yun nangangagat, mas mataas pa nga ako sa kanya eh hehe. Natatakot lang ako dahil baka ako yung laging niyang pag tripan dahil baguhan ako. Di pa ko nakakaintindi ng nihon-go, pati pagsulat nga eh. Pero nag e-study ako minsan sa bahay. Kailangan ko na daw talagang pumasok dahil dumating na ang visa namin ni mama. Alanganin daw pumuntang japan sabi ng employer ni mama dahil november na. Kaya pag katapos nalang siguro ng new year. Ang bait naman nila, dito pa kami pinagpasko at pinag new year. Buti na yun. Malungkot sigurong magpasko don kasi kami nalang ni mama :( Hays :/

   Dapat nga excited na excited ako dahil sa wakas makakapunta na talaga ako sa japan. Matagal na naming hinihintay ang pagkakataon na ito. Sa wakas ito na. Thankful talaga ako kay God. Lalo na kay mama na di nawawalan ng pag asa. Sa dinami dami ba naman niyang ena apply-yan na agency e ito lang pala ang makakatupad sa dream niya xD Siguro ito talaga yung right time. dba? Hehe. Kailangan lang talagang maghintay. Dahil hindi naman lahat ng gusto mo, agad2 niyang maibibigay. God does not give us everything we want sometimes. Maybe because may plano siya na mas great pa kesa sa mga hinihiling natin sa kanya dba? Just trust God :) Hinding-hindi ka niya pababayaan. Sabi nga sa quotes “The best things in life comes to those who wait patiently.” 

   Noon gustong-gusto kong makapunta ng japan pero simula nang nakilala ko si lovely nagbago ang lahat. Gusto ko dito nalang, dahil nandito siya. Ayokong malayo sa kanya. Ok na ang layo ng pagitan namin ngayon ayokong mas lumayo pa. Ang hirap kaya non. Ngayon pa? Na mahal na mahal ko na siya :( Pero hindi na talaga pwedeng umatras, nandito nato eh. Blessing nato, aayawan ko pa ba? Tsaka ang hirap ng buhay dito sa pinas kung maayos pa naman kasi ang gobyerno natin wala sigurong mag-aabroad. Hays -.-

   Na badtrip ako sa first day of class ko. Tengene! Kayo ba naman walang maintindihan? Syete. Salita ng salita yung titser ko na nasa harapan, di ko naman maintindihan hahah. Di ko alam kong galit ba siya or ewan. Kainis!

“Mukha mo nakasimangot na naman. Umayos ka nga dyan.” Sabi ni mama. Tsss. Hindi nalang ako sumagot.

  Nang magpa 5pm na dinismiss na kami. Buti naman, ng makauwi na ako. Badtrip talaga!

“Wag ka ngang sumimangot dyan. Hindi sa di mo maintindihan gaganyan-ganyan kana. Hindi lang naman ikaw yung pinagsabihan. Para sa lahat yun.” Sabi ni mama. Di parin ako sumagot. Nakasakay na kami sa jeep ngayon pauwi.

  “Pag dating mo sa bahay mag practice kang magsulat ng hiragana at katakana. Para kapag na memorize mo na yan, matutoto ka na ring magbasa. Tuturuan kita sa mga stroke kung pano isulat yan.”-Mama.

“Okay :)”  Dumaan muna ako sa bahay ng pinsan ko na si jade. Then nagpunta sa tindahan. Nakita kong nandon mga friends ko kaya tatambay muna ako dito saglit.

“Oyy nik! Kumusta first day mo?”

“Badtrip -.-”  Sagot ko kay kenneth.

“HAHAHA! Bat naman? Mahirap ba?” Tatawa-tawa pa ang kumag.

“NAKAKANOSEBLEED... GRABE!”

“HAHAHAHAHA! Sa una lang yan nik. Pag magaling kana sisiw nalang yan.” -Adriane. Isa patong ulol nato hahaha! Kelan pa ko gagaling? Siguro ilang years pa. Nagsmile nalang ako sa sinabi niya.

“Alam mo na kung pano isulat yung hiragana at katakana?” -Adriane

“Hmm, nagpra-practice pakong magsulat. Ge uwi muna ko ha. Balik lang siguro ako mamaya.”  Paalam ko sa kanila.

  Nagkabati na nga pala kami ni stiff. Napatawad na kasi ako ni lovely, pero di pa rin ganun ka ok. Sana maging ok na talaga.

------------------------------------------

The Girl of MY LIFE (GirlXGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon