CHAPTER SIXTEEN
DECEMBER 7, 2012- FRI.
Namimis ko na siya. Ilang araw na kasi kaming di magkatext eh. Nasa ilalim ako ng puno sa labas ng bahay namin ngayon nang biglang nag vibrate cellphone ko. Dali-dali ko naman itong tiningnan baka siya pala yung nagtext. Oh~Siya nga! At last nagtext na din siya, buti nga may load ako ngayon. Miss na miss ko na talaga siya eh :( i miss her every second of my life. Ewan ko ba kung anong meron sa kanya na nagkakaganito ako. Minsan kapag miss na miss ko na siya at wala akong magawa, naiiyak nalang ako bigla. Ang Oa ko no? Hahah. Sa kanya lang ako nagkaganito. Sa kanya lang. Sa tuwing badtrip nga or wala ako sa mood. Alam na ni mama kung ano or sino ang dahilan Simula nang nakilala ko siya at nagkaroon na ko ng feelings sa kanya napaka iyakin ko na talaga. Hindi naman ako ganto noon eh. Anyare sakin?
Nagkumustahan kaming dalawa. Ngayon ko pa lang nasabi sa kanya about nong pagdating ng visa namin. Nalungkot siya. Ganun din ako :( Ayokong malayo sa kanya, ganun naman din sya. Kaso kailangan talaga eh. Para 'to sa akin, sa pamilya ko, sa amin :) Kasama na si lovely sa mga pangarap ko sa buhay. Sana before ng pag alis namin ni mama, makasama ko siya...na kami lang dalawa.
Almost 2 hours kaming magkatext ni lovely ko :) heheh. Nakakabitin saglit lang kasi, pero ok na kesa wala dba? Lintik kasi tong cp ko napaka daling malowbat -.- kainis! I need a cellphone with 100000000000000% battery. Hahah!
DECEMBER 14, 2012- FRI.
Christmas party namin ngayon don sa pinapasukan kong japanese class. Nauna na si mama pumunta don, susunod nalang kami ng kapatid ko na si lance.
Mag-aalas dose na ako nakarating. Kumakain na sila. Celebrity nga naman, nahuhuli :p hahah.
“Oh, ngayon ka lang?” - Maru
“Oo eh. Iniwan ako ni mama -.-” Obvious naman, nagtatanong pa xD
“Ahh, lika dito. Nandon mama oh.”
“Ge.” Yun nalang ang naisagot ko at sumunod na sa kanya. Ito namang gwapo kong kapatid na nagmana sakin chaarot hahah nahihiya pang pumasok.
“Oyy nik. Pasok na kayo don.” -Friend ni mama na classmate ko rin na kapit-bahay din namin hahahaha!
“Nahihiya pa tong mokong. Maya-maya nalang.”
“Pasok kana lance. Nandon mama mo.” Maya-maya lumabas si mama.
“Oh nandyan na pala kayo.” Wala ma. Wala -.- pumasok uli si mama don sa room kukunin nya ata yung pagkain nya.
Naupo nalang muna ako kalong2 ko kapatid ko. Lumabas uli si mama.
“Akin na si lance kumain kana don sa loob. Kasi maya-maya aalis tayo punta tayo sa dfa para kunin passport ko.” - Mama. Ayy, tama ngayon pala yun ere release.
“Busog pa ko ma. Kakakain ko lang kasi eh.”
“Nahihiya ka lang dyan eh. Sige na. Nandon sila maru sa loob.”
“Di kaya. Busog talaga ako.” Nahihiya daw, busog nga ako -.-
Buti na nga lang din na di ako sumali sa sayaw2 nila kundi useless lang yung pagpa practice ko. Dahil nauna yung event.
“A~ nikkachan, konnichiwa.” -sensie. Yung teacher namin na hapon. Tsss
“Konnichiwa.” -ako
“tabeta?” kumain na ba daw ako.
“iie, mada desu. Onaka ga ippai kara.” sinagot ko naman na di pa dahil busog pako. Ayun tumango-tango nalang at umalis. Buti na nga yun, nakaka nosebleed na eh.
Nagpa-alam muna si mama na aalis kami at babalik din pagkatapos. Naramdaman kong nagvibrate ang cp ko, kaya kinuha ko kagad ito sa bulsa ko. Si lovely ko nagtext! :D
“Hi best.”
“Hello :) kumain kana?”
“Tapos na. Ikaw dyan?”
“Oo kanina lang. Papunta kami ngayon sa sm best. Ngayon ere release ang passport ni mama.”
“Ahh, ok. ingat kayo ha.”
“Sure thanks :*” Text2 lang kami habang nakasakay ako sa jeep. Ang sarap na nung topic namin, nang pag send ko. SENDING FAILED -.- Syete. Senend ko ng senend, wala pa rin :/ putik! Nang-aasar to ah. Kainis! Bat ngayon pa? Urghhh.
Text ng text si lovely sakin di parin ako maka send :( Nakarating na rin kami dito sa sm, dumiretso kagad kami sa DFA. Maya2 nakuha na namin passport ni mama. Dumaan muna kami don sa palaruan dahil nag aya tong kapatid ko. After 20 minutes yata yun, bumalik na kami sa SNN. Name nung agency na inapplyan ni mama at ng pinag-aaralan ko churvaaaaa~
“Hey, best. Sorry ha :( di ako makasend kanina eh. Sorry T.T nandito na ko sa house” Text ko kay lovely ko :)
Di nagtagal nagreply din naman sya. Text lang kami ng text hanggang sa nagkayayaan na kaming matulog.
Hays, gabi na naman. Pa lapit ng pa lapit na yung araw na ayaw ko :( dahil ayokong malayo sa kanya. Ok natong layo na meron kami ngayon. Ayoko ng mas lumayo pa huhu! Pero wala akong magagawa :(
Gusto ko syang makasama ngayon...na kami lang dalawa para naman makapag-usap kami ng maayos, masabi ko sa kanya ang mga gusto kong sabihin. Marami akong gustong sabihin sa kanya. Gusto ko ma enjoy naming dalawa ang natitira kong oras dito sa davao. Chaaar parang mamamatay e noh? Hahahah. Gusto kong may mabaon akong happy memories pag alis ko. Para naman di ako masyadong malungkot pag nandon na ko. Gusto ko syang makatabi matulog. Isa yan sa mga gusto kong mangyari. Marami akong gustong gawin :( pero di ko pa nagagawa.
Schedule na pala namin magpa CFO sa cebu this dec. 17. Bali 2 days kami don, kasama ko si mama and yung dalawang classmate namin and yung anak nung isa. Lima kami lahat. Medyo excited na ko, because i love travelling at first time ko kasi makapunta ng cebu na malaki na ako :p hahah. Baby pa kasi ako nung pumunta kami don dati sabi ni mama and nakita ko din sa picture namin, kasama ko pa father ko non :(
----------------------------------------------------------