CHAPTER FIFTEEN
NOVEMBER 19, 2012- MON.
Birthday nga pala ni lovely ngayon. Wala akong load dahil wala akong pera. But i'll find a way, ma greet ko lang siya :)
Nasa room na ako ngayon. Medyo close ko na rin yung ibang mga classmate ko. Tinutulungan nila ako every time na di ko alam ang isasagot ko. Actually, lahat kami nagtutulungan. Recess namin ngayon. Kanino kaya ako pwede makitext? Hays. Nakitext si mama sa cp ng classmate namin na friend niya. Wala din kasi siyang load hehe. Naubusan ng load yung friend ni mama hahaha. Di siya nakatext. Makikitext din sana ako. Mamaya nalang pag uwi ko.
Mag-aala singko na kaya dinismiss na kami ni sensei. Nag-aya si mama na maglakad nalang daw kami pauwi dahil puno lahat ng jeep. Basta ganitong oras talaga mahihirapan kang makasakay dahil uwian kasi ng mga estudyante. Ano pa magagawa ko, sumang-ayon nalang ako. Exercise rin daw to eh hehe. After mga 40 minutes yata yun, nakarating na rin kami sa bahay.
Tapos na kaming maghapunan kaya nagpa-alam muna ako kay mama na pupunta muna ako sa friend ko, pumayag din naman si siya.
Nagbabantay pa pala siya ng tindahan nila. Bahala na. Pakapalan nato ng mukha matext ko lang si lovely ko :)
"Ahh. Ahmmm, fhrea?"
"Oh, ano?"
"Ahm, pwede makitext?"
"Oo ba. Wait lang."
"Ok sige. Thank you ha :)" Whew! Sa wakas matetext ko na din siya! Sabi ko sa isip ko.
"Eto na nik oh" Sabi niya habang inaabot sakin ang cp niya. Kinuha ko naman kagad at dali-daling tinext si lovely.
To: 0948*******
"Happy birthday best ko :) :* Sorry if ngayon lang ako naka greet sayo ha? La kasi akong pera pang load eh :( Kanina pa kita gusto e greet. Naghanap talaga ako ng paraan ma greet ka lang hehe. Sana happy ka ngayong araw nato. Iloveyou, best :* "
*SENT*
"Thanks fhrea ha." Pasalamat ko sa kanya at sinauli na cp niya.
"Welcome."
Naupo lang ako dito banda sa tindahan habang hinihintay ang reply niya.
"Oyy nik nagreply siya." Lumapit si fhrea sakin at binigay niya cp niya. Ako na nga yung nakitext siya pa lalapit hahah. Mabait naman tong si fhrea. Nasa bahay lang lagi.
From: 0948*******
"Thank you best :) Iloveyoutoo :* Happy na ako ngayon dahil sa wakas nagtext kana rin. Kanina ko pa hinihintay text mo eh :( Ikaw lang yung hinihintay kong mag greet sakin. Kala ko nga di mo na ko itetext."
"Welcome :* Pwede ba yun? Basta pag dating sayo maghahanap at maghahanap talaga ako ng paraan :)"
"Nik, pasok muna ko sa bahay para kumain."
"Ge :)" Ayos! Iiwan muna niya cp niya sakin hahaha.
"Thank you talaga best ha. Kaninong cp gamit mo?"
"Basta ikaw :) Welcome ka always best. Love kita eh :* Kay fhrea. Frend ko."
"Ahh, hehe. Iloveyou, bestkoh :*"
"Iloveyoutoo,bestkoh :*" Yay. Kinumusta niya ako pati yung pagpasok sa nihongo class ko. After 30 minutes yata yun lumabas na si fhrea pati mother niya kaya nagpaalam na ko kay lovely.
"Ge best ha. Nandito na si fhrea :( GoodNight na ha. Iloveyou, best :* Ingat ka parati ha." Gustong-gusto ko pa siyang makatext kaso baka kelangan na kasi ni fhrea ang cp niya kaya isusuli ko na sa kanya.
"Sige :( GoodNight din best. Iloveyoutoo :* ikaw rin dyan ingat ka lagi ha." Pagkatapos kong mabasa text niya sinuli ko na kay fhrea ang cp niya.
"Thanks ha."
"No problem." Sabi niya habang nakangiti.
"San punta nyo?"
"Sa baba mag-i internet. Sama ka?"
"Ahmmm... Taraaa, sige." Sumama nalang ako. Di pa naman ako inaantok.
Nang makarating na kami dito sa internet cafe.
"Oh, makikitext ka pa?" Oh, hahah. Nagsmile lang ako at kinuha na cp niya. Ang bait niya talaga.
"Hey best. Hehe! Nandito ko sa internet cafe :)"
"Oh, nakatext ka ulit. Kala ko ba sasauli mo na? Bat ka nandyan?"
"Pinahiram niya ako eh. Di pa kasi ako inaantok kaya sumama nalang ako sa kanila hehe."
"Ahh, gabi na ah nandyan ka pa."
"Ok lang di naman delekado dito eh hehe."
"Kahit na." Text-text lang kami hanggang sa maya-maya nagpaalam na siyang matutulog na daw siya.
"Ge best ha antok na ko. GoodNight. Iloveyou :* Uwi kana sa bahay niyo, gabi na. Ingat ha."
"Ok sige. GoodNight! Iloveyoutoo, best :* Maya-maya na., sasabay lang ako kila fhrea." After kong mabasa ang last text niya sinuli ko na kay fhrea cp niya.
"Thanks ulit :)"
"Oh, tapos kana?"
"Yup :) Thank you." Alam niya about samin ni lovely. Ay? haha. Parang may KAMI? Wala naman. haha. M.U? XD Parang understood na yun saming dalawa. haha. Ewan.
"No problem." Sabi niya habang nakangiti.
"Nikka dito ka." Sabi sakin ni kuya paul. Pinsan ko. Siya nagbabantay dito tuwing gabi. (Oy libre na naman to hahah. Sabi ko sa isip ko.) Pumunta na ko kagad sa tabi niya. Wala masyadong tao ngayon dito kaya pinalaro niya ko. Tuwing unti lang kasi ang costumer nanlilibre si kuya. Pero samin lang, sa mga kapatid niya or pinsan niya. Minsan din sa mga kaibigan din niya.
Inopen ko kagad facebook account ko. Dahil boring ang fb naglaro nalang ako ng icy tower hehe. After mga 30 minutes nag aya ng umuwi sila fhrea, kaya nagpalaam na ko sa pinsan ko.
Pagdating ko sa bahay maya-maya ay natulog na rin ako. May pasok pa ko bukas.
--------------------------------------