CHAPTER NINE
Days passed...
Ganon parin ikot ng ano namin, ng ano, yun na yun hahaha. Minsan nagtataka nalang ako, kasi bigla-bigla nalang nagagalit si lovely sa akin ng di ko alam ang dahilan. Tsss -.- Wala naman akong ginagawa sa kanya. Napapaisip nalang ako minsan kung bakit. Hays, then i realize na baka nagseselos siya kay hannah. Whoa! Ang ganda ko naman hahah -.-
←←←FLASHBACK...
Nong bago ko pa lang nakakatext si hannah. Akala ko kasi non siya pa yung may hawak ng cellphone niya, yun pala pinahiram niya na si lovely para daw maka text2 kaming dalawa. Wala kasing load si lovely that time at gustong-gusto ko siyang makatext kaya pinahiram niya over night. Ang bait niya hahah!
"Hi frend." Text ko kay hannah, yan pa tawagan namin. Gabi na at wala kasi akong ibang magawa eh kaya i texted her xD. Hindi lang siya yung tenext ko, pati yung iba ko pang mga friends.
"Ano gawa mo?" Text ko sa kanya. Di ko namalayan nag reply na pala siya.
"Sige kayo nalang mag text2 ng frend mo!" Reply niya.
"Malay ko ba na nasa sayo pala cp niya :(" Ayun di na sya nag reply huhu T_T
Hinahayaan ko nalang siya. Minsan di siya nagpaparamdam ng one week kapag nagseselos siya :/ tenetext ko pa rin siya kahit na wala akong na re-receive na messages galing sa kanya, binabasa niya lang siguro. Namimiss ko na siyang katext. Ang selosa naman ng bestfriend ko hahaha kaya love ko yan eh. Nakakainis lang siya minsan. Sa totoo lang, di ko na alam ang nararamdaman ko para sa kanya. Tsss.
END OF FLASHBACK→→→
Naging close na kami ni hannah. Sa tuwing di kami ok ni lovely, sa kanya ako nag e emote minsan. Syempre, sa text lang. Wala kasi akong ibang mapagsasabihan ng feelings ko or problems. Whatever is that lols. Sister ko naman, kwento ako ng kwento about kay lovely minsan nakikinig siya, minsan naman hindi tapos sasabihin niyang nakikinig daw siya hindi naman pala. Binabalusan ko din siya minsan, sa tuwing nagkwekwento din siya about sa boyfriend niya di ko siya pinapakinggan. Hahaha!
AUGUST 31, 2012- FRI.
Magkikita kami ngayon sa san pedro church pero saglit lang. Nagdadalawang isip nga ako, kung makikipagkita ba ako sa kanila or hindi. Kasi nga, di ko alam kung saan baba papunta don and kung ano at kung saan sasakay pauwi. Tsaka saglit lang sila don. A-attend ng mass and dederetso na sila sa holy cross. Bali mag o-overnight sila don. Marami sila. Hays. Nagchacharge ako ng cp ko ngayon, di ko alam kung pupunta ba ako.
"San na ba kayo erves?" Text ko kay hannah.
"Paalis na kami. Pupunta ka?"
"Ahh, di ko alam eh. Nagdadalawang-isip ako."
"Bakit?"
"Di ko alam pano pumunta dyan eh hahah."
First time ko kasing pumunta sa san pedro mag isa eh kaya di ko alam.
Naligo na ako at nagbihis. Bahala na si batman kung san ako mapapadpad, basta makita ko lang si lovely :) Yes, gusto ko siyang makita.
"Erves, malapit na kami. Pupunta ka?"
"I dunno. Baka kasi maligaw ako eh hahaha."
"Ma, alis muna ako. Uuwi rin ako agad."
Naghihintay na ako ng jeep. Maya-maya ay nakasakay na rin ako. Huhu! God please guide me. Sabi ko sa isip ko, di ko alam kung san kasi ako bababa eh. Naghihiya akong magtanong. Shit na kahiyaan na yan! Maliligaw talaga ako dahil sayo! Hahaha </3
"Nandito na kami erves."
"Wait lang. Malapit na ako. Di ko alam kung saan bababa eh hahaha. MYGOD!"
"Mag-tanong ka dyan. Mahirap na hahaha." Shit hahaha! Lord give me a sign, kung san ako bababa. Huhu!
Bumaba na ako ng jeep. Di ko alam kung anong meron dito, basta mukhang ito na eh. Marami kasing tao hahaha! Juice colored.
LAKAD... LAKAD... LAKAD...
AYUN NA YUNG CHURCH! Thanks god. Di mo talaga ako pinabayaan hehe. Nandito na ako ngayon sa labas ng church. Tenext ko na sila na nandito na ako sa labas. Pa tago-tago pa ako sa likod ng sasakyan baka kasi makita nila ako. Ayun na si hannah, pa lingon lingon sa paligid at nakita ko na rin si lovely na lumabas. Whoa! Lumapit ako sa kanya pero di niya ako napansin na nasa tabi niya na pala ako, kunwari pa lingon lingon rin ako. Hahaha!
"Oy, best."
"Hi ^___^"
"Pasok na tayo, nagstart na ang mass." Pumasok na kami, katabi ko si lovely. Si hannah naman nasa likod nahihiya daw sa akin. Ang cute ko kasi daw eh. HAHAHAHAH! Djklang. Medyo nahihiya ako kasi ang dami kaya nila, tapos tinititigan pa ko nila. Mukha tuloy akong artista hahaha. Nandon mga friends ni lovely. Kilala ko na yung iba kasi nakakatext ko sila minsan. Naks, sana di na matapos tong mass para katabi ko siya lagi. Hehe! Naramdaman ko yung kamay niya na nasa tuhod ko banda, nananantsing na naman siya sa akin :p hahaha!
After an hour, natapos na rin ang mass.
"Pano yan best? Pagkatapos nito pupunta na kami sa holycross. Alam mo ba kung san yun?"
"Hmm, san ba na holycross?"
"Di ko alam. Baka sa sta. ana."
"Ahh, uwi nalang ako."
"Ayy, sige." Palabas na kami ng church nang nag-aya silang picture taking daw. Ayun picture2 kami. Pagkatapos non, sabay kaming pumunta sa sasakyan nila.
"Pano yan best, sakay na ako. Ingat ka sa pag uwi mo ah."
"Okay." Sagot ko nalang. Ayoko pa talagang umuwi gusto ko pa siya makasama pero di na pwede :(
"Sige na ha, iloveyou." Aysheyt! HAHAHAHAH. Ano daw?! Na speechless ako :P Tinitigan ko lang siya. Di ko siya nasagot :( Sumakay nalang siya. Kasi naman ehー Kainis! I'm sure magtatampo na naman yun sakin mamaya. Lumakad na ako papuntang park malapit lang naman kasi, umupo muna ako saglit. Pa kunwari akong may tinetext hahaha. Ayun umalis na yung sasakyan kung saan sila nakasakay. Naglakad na ako papuntang sakayan ng jeep. Mukhang dito kami sumasakay pauwi tuwing pumupunta kami dito ni mama, kaya walang problema di ako maliligaw hahaha.
----------------------------------
It's already midnight, pero nagtetext pa rin kami ni lovely. Ang sarap niyang puntahan sa holycross hoho! Kahit ano nalang topic naming dalawa sa text.
"Wala akong iloveyoutoo kanina :("
"Sorry :( Paalis na kasi kayo eh T_T Sorry na."
"Ok lang :( Dapat sa susunod na magkita tayo ikaw na yung unang magha-hug at kikiss sa'kin ha."
"Hmmm, oo ba :)" Siya kasi yung duma-damoves, hahaha. Ako kasi naghihintay lang naman ako, nakakahiya kayang mauna tapos baka di niya pala magustuhan.
"O nikka, di ka pa natutulog? Anong oras na. Matulog kana"
"Di pa. Matutulog na'ko ngayon ma." Nagpipigil ako sa ngiti ko.
"Matulog kana dyan best, iidlip din ako dito."
"Okay, sige. GoodNight best :) iloveyou *"
"GoodNight din best. iloveyoutoo :*"
MORNING CAME...
"GoodMorning, bestkoh :) :*" Text ko kay lovely.
"GoodMorning din best :* uuwi na kami ngayon."
"Ahh,ingat kayo ha :)"
------------------------------------------------------