CHAPTER ELEVEN
Ok na kami ni lovely. Napaka selosa talaga nitong bestfriend ko. Naiintindihan ko naman kung bakit siya ganyan eh. I feel the same way too kapag nalaman kong may ka close siyang iba. Pero minsan nakakainis na. Pero kahit napaka selosa niyan mahal na mahal ko yan. Di ko alam kung kelan ko unang naramdaman na mahal ko na pala siya. Basta, nagising nalang ako ng isang araw na mahal ko na pala siya at ayaw na ayaw ko siyang mawala sa buhay ko. Dahil di ko kakayanin :( I can't imagine my life without her. Simula nung dumating siya sa buhay ko iba na. Sa kanya ko lang naramdaman to. Siya lang ang minamahal ko ng ganito. Siya lang. I'm really thankful that she came into my life.
Nakauwi na rin si hannah sa kanila. Fiesta sa lugar nila ngayon.
Gabi na. Nanood ako ngayon ng tv sa bahay ng pinsan ko habang nagchacharge ng cp ko. San na kaya yung babaeng yun bat di na nakapagreply :| nabusy siguro. Katext ko si hannah kaya tinanong ko siya kung magkasama ba sila ni lovely.
"Erves magkasama kayo ni lovely ngayon?"
"Hindi. Why?"
"Di na kasi siya nakapagreply e. Katext mo siya ngayon?"
"Hindi rin."
"Ahh ganun ba. San na kaya yun :/"
"Siya pala tanungin mo! Bakit ako." Ay, galit? Kayo ang magkapitbahay natural ikaw ang tatanungin ko. Tsaka kung nagrereply lang siya sa bawat text ko di na kita tatanungin! Sabi ko sa sarili ko. Kainis. Di ko nalang siya nireplyan at umuwi na ko ng bahay.
"Slr best. May ginagawa kasi ako kanina." -Text ni lovely. Sa wakas nagreply rin xD
"Ahh ok lang :)" Whole night kaming magkatext. Di ako sumu-surrender sa tuwing katext ko siya. Siya yung laging nag-aaya saming dalawa matulog minsan nga natutulugan niya na ako.
"Sleep na tayo best. Antok na ko e."
"Ok sige :)"
"GoodNight. Iloveyou best :*"
"Ge goodnight! Iloveyoutoo, bestkoh :*"
---------------------------------------------
Days passed...
OCTOBER 2, 2012- WED.
2 days na akong nilalagnat. Gabi na, nasa kwarto ako ngayon at nakahiga. Natural may lagnat ako e hahaha. Katext ko si lovely ngayon kahit medyo mahapdi ang mata ko, katext ko pa rin siya.
"Kumain kana best?"-Lovely
"Yup kakatapos ko lang. ikaw?"
"Di pa. Nagluluto pa si mama eh."
"Ahh, pagkatapos magluto ni mama. Kain kana best ha :*"
"Ok :* Ah best, pa expire na load ko ngayon, baka magtaka ka na, di na ko nakapagreply sayo."
"Papa load-dan nalang kita ngayon :)"
"Wag na best :)"
"Basta papaload-dan na kita :)" Para naman gumaling ako kagad. Hehe.
"O eto na gamot mo." Sabi ni mama habang inaabot sakin ang gamot at ininom ko naman yun kaagad.
"Wag na nga sabi best :)"
"Ahh, basta. Gusto kita katext eh. Uutusan ko si brent na magpaload."
"Mas mabuting magpahinga ka nalang dyan para gumaling ka. Pano ka nyan gagaling e text ka ng text dyan. Tapos dba mahapdi mata mo? Matulog ka nalang dyan. Ok?"
"Eh basta. Ok lang ako. Mamaya na ko magpapahinga." Ang kulit ko :p hahah. Kung alam mo lang. Ikaw lang naman gamot ko eh. Hehe.
Kumuha na ako ng pera sa wallet ko at ng papel at sinulat don ang cp number ni lovely. Pagkatapos ay tinawag ko na ang kapatid ko na si brent at binigay ko ang pera at yung papel sa kanya.
"Bumalik ka kagad ha." Sabi ko kay brent.
"Magpahinga ka nalang kasi dyan."
"Maya-maya na :( Text2 muna tayo saglit."
"Ok sige na nga. Saglit lang ha."
"Tagal naman ni brent ma. San na ba yun?"
"Hintayin mo lang."-Mama
"Tinakbo na niya pera mo tol hahaha" Sabi ni stiffany.
"Tumahimik ka nga dyan."
After 123456789 years nakabalik na ang kapatid ko xD Djk lang. After 10 mins. nakabalik na si brent.
"Natanggap mo na yung load best? :)"
"Oo, thank you best :*"
"No problem basta ikaw :)" Text2 lang kami. Kahit ano na nga lang ang nata-topic naming dalawa tungkol sa amin ^_^ Minsan kinikilig ako :p hahaha! Para ng kami no xD
"Ang hapdi na ng mata ko :("
"itulog mo na yan best. Sabi ko kasi sayo eh ang tigas ng ulo mo."
"Ok sige. Matulog ka na rin mayamaya ha. iloveyou, bestkoh :* Goodnight! :)"
"Ok, iloveyoutoo, bestkoh :* GoodNight din." Pagkatapos kong basahin ang reply niya, natulog na ako. Ang hapdi hapdi na kasi ng mata ko. Gusto ko pa sana siyang katext.
-----------------------------------
MORNING CAME...
"Goodmorning, bestkoh :*"
"Goodmorning din best. Kumain kana?"
"Di pa. Kakain pa lang :) ikaw dyan?"
"Di pa din :) Ok kana?"
"Kain kana :* Medyo ok2 na."
"Ok. Ikaw din dyan ha :) Pagkatapos mong kumain, magtake ka ng gamot."
"Okay :) :*" Maghapon lang kaming magkatext ni lovely. Di talaga ako nagsasawang katext siya ^_^