CHAPTER SEVENTEEN
Nandito na kami sa cebu. Nasa hotel na kami ngayon. Isang room lang ang kinuha namin para di masyadong gastos. Pinaghati-hatian nalang nila mama ang bayad. Bukas pa ang schedule ng seminar namin. Nakahiga ako ngayon sa kama. Hayyy nako~ kapagod naman. Haha! Kala mo kung ilang oras nagbyahe ah xD
Lumabas kami upang mag hapunan at bumalik naman kagad sa hotel. Lintik talaga tong allergy rhinitis ko, umaatake na naman. Hindi nakikisama eh :/ perfume pa! -.-
“Ayan tuloy, ang tigas kasi ng ulo mo. Sabing wag ng gumamit ng pabango. Gamit ka pa rin ng gamit. Uminom ka ng gamot don!” -Mama. Tumango nalang ako, at tumayo sa pagka higa at uminom ng gamot.
Katext ko nga pala ngayon si lovely. Nakaramdam ako ng antok dahil don sa gamot na ininom ko kanina. Kaya ayaw kong uminom ng gamot na yun eh :| Nakakaantok kasi. Katext ko pa naman siya >.< ayoko pang matulog. Tulog na silang lahat except ako at yung si sayaka na naglalaro ng psp yata yun. Anak nung kasama namin. May pinasa nga pala si lovely na ano sakin, yun ano. Ahmm ano bang tawag don? Yung parang form na sasagutan mo. Basta yun na yun. Bukas ko nalang yun a answer-ran di ko na kaya. Pipikit na mata ko~.
“Bestkoh, inaantok na ko :( tulog na tayo? Iloveyou :*”
“Oh sge. Goodnight na :) iloveyoutoo bestkoh. Mwahhh :*”
“Goodnight. Sleepwell :* ” Ayun at nakatulog na ko... zZzzz
MORNING CAME
Maaga akong ginising ni mama. Kailangan kasi daw na maaga kami para kami mauna. Pagkatapos nilang maligo, naligo na rin ako at nagbihis.
“GoodMorning, bestkoh :*” Text ko kay lovely.
“GoodMorning din best. Kumain kana?” Reply niya.
“Kakatapos ko lang. Ikaw dyan? Kain kana. May seminar kami ngayon. Pag di ako nakapag reply busy ako nyan ha :( iloveyou :*”
“Okay sige :( iloveyoutoo :*”
Nasa isang room na kami ngayon. Nagsimula na ang seminar nakikinig lang kami. Ang boring naman, inaantok tuloy ako. Malapit lang dito yung ini stay-han naming hotel. Bali walking distance lang.
Lumipas ang isang oras natapos na rin ang seminar namin. At dahil maaga pa para gumala ngayon, naisipan nalang namin na bumalik nalang muna sa hotel upang magpahinga.
Hapon na ng maisipan naming gumala. Bukas na ang uwi namin sa davao. Nakakabitin naman ang 2 days -.- Naglibot-libot lang kami ni mama ngayon dito sa colon.
Katext ko nga pala si lovely :) Nasagutan ko na yung pinasa niya sakin kahapon.
“Baby ano gawa mo?” Text ni Lovely. O.o whoooa~! hanooo daw?! Hahaha. Ito yung sinagot ko sa pinasa niya sakin. Baby talaga ang gusto kong itawag sa kanya noon pa
Di ako nakapagreply kagad. Kese nemen, kenekeleg eke ey! HAHAHAHA
“Eto naglalakad. Ikaw dyan BABY?” Reply ko.
“Nakahiga lang. Sino kasama mo?”
“Si mama lang :) papunta kami sa sm. Makikipagkita kasi sa kanya friend niya.” Text2 lang kami.
Pagkatapos naming nag dinner sa isang japanese restaurant nag decide na kaming bumalik sa hotel dahil maaga pa ang flight namin pa davao bukas.
Nang makauwi na kami sa hotel. Maya-maya ay naligo ako. Pinatuyo ko lang ang aking buhok at natulog na. Zzz -.-
Dumaan ang christmas. Grineet lang namin ang isa't isa non. Nagtatampo na naman kasi siya sakin. Nagseselos na naman siguro. Hays, napaka selosa talaga niya. Pero kahit ganyan siya iniintindi ko nalang :) mahal na mahal ko eh. Pati din nong new year, nag greet lang ako sa kanya. Nakitext na nga lang ako non e kasi di ako makapasok ng unli.
“Hi, babyko! Advance happy new year. Imissyou :( and Iloveyou :*” Text ko.
“Hello baby. Advance happy new year din. Imissyoutoo. Sana magkasama tayong dalawa ngayon :( iloveyoutoo :*” Reply niya.
“ Kung malapit ka lang sana :(”
Maya-maya nagpaalam na ko sa kanya dahil isusuli ko na sa may ari tong cellphone niya baka di ko mapigilan :p maubos ko pa ang load.
“Sige na baby isusuli ko nato sa may ari baka maubos pa load nito. Ingat ka lage dyan ha dahil love na love kita. Iloveyou, baby :*”
“Ok sige :( ikaw din dyan kase love na love din kita :* iloveyoutoo baby.”
Pagkatapos kong mabasa ang reply niya sinauli ko na sa pinsan ng friend ko ang cellphone. Gusto ko pa siyang makatext. Sana naman kasama ko siya ngayon.
Nakatambay kami ngayon ng mga kaibigan ko sa jeep habang nakikinig ng sounds. Tito na kaibigan ko ang may ari nito. Nahiga ako at iniisip siya. Haysss. Ano kaya ginagawa niya ngayon? Kainis kasi eh, di ako makapasok ng unli di ko tuloy sya matext. Sa gitna ng pag-iisip ko, nagtaka ako dahil natahimik ang mga kasama ko. AYY, ALAM NA THIS! Hahahahaha. Ang mga gago nanonood siguro ng P*RN.
“HOY! Ano yan?!”
“WAG KA NGANG MAINGAY DYAN.” Sabi nong isa.
“Sumbong ko kayo dyan eh.”
“Sige nga. Samahan ka pa namin.”
“Manood ka na nga lang kaya dito.”
May dumaan sa likod nila kaya dali2 nilang tinago yung cp. Hahaha
“Dito ka nik, palit tayo ng pwesto.” Di ko sila pinansin.
“Sige na nik.” Sabi naman nong isang baliw.
“Ayoko nga. Wag nyo kong disturbohin.” Kala nyo ha. Ako lang naman ang inosente sa kanilang walo. Ay, pito pala. Dalawa pala kaming inosente :p mas nga lang ako Hahahah! Pero wala akong nagawa kundi ang lumipat don sa pwesto nila para naman mapanood nila yun ng maayos hahahha. Djk lng. Para di na ko ma disturbo. Di ko namalayan na nakatulog na pala ako dito sa jeep. Pagkagising ko agad kong tiningnan cp ko, alas dos na pala ng hating-gabi. Itong mga kasama ko nakatulog din pala. Iniwan ko sila at umuwi na ng bahay.
-------------------------------------------
AN: Pasensya na kung pangit pagkasulat. Di ako writer kaya wag kayong umasa na... na maganda 'tong story ko :p :) SALAMAT !