CHAPTER ONE
Once in my life I found someone. Someone who taught me what love is. Di ko akalaing magiging ganito siya ka importante sa buhay ko, na mamahalin ko pala siya ng ganito ka grabeee! I really love her so much! Akala ko noon na parehas lang sya sa mga nagiging kaibigan ko, na ordinary lang. Yun pala hindi. Akala ko lang pala yun :) Sa cellphone lang kasi kami nagkakilala eh. Sa isang CLAN. Nang dahil sa pinsan kong bakla, nagkilala kami ng babykoh :) hehe!
NOVEMBER 18, 2011
Habang abala ako sa panonood ng tv. may nagtext sa akin. Agad ko naman tong binasa.
[1 MESSAGE RECEIVE]
From: Couz_Mark
"Hi te :) sali ka ng clan. Papasa ko sa'yo yung form ha. Fill-up-pan mo ka agad." Clan daw? Ano ba yun. haha! Nireplyan ko din naman sya kaagad.
TO: Couz_Mark
"Ano to, te?" Reply ko naman sa kanya.
[1 MESSAGE RECEIVE]
FROM: Couz_Mark
"Basta yun na yun. Fill-up pan mo na kagad!" Naku, naman tong baklang toh. haha! Ma fill-up-pan na nga. Tutal uso naman tong clan2 nato ngayon eh. Makasali na nga :D
Ayun natapos ko ng fill-up-pan yung form. Maya-maya maraming ng nagtetext sa'kin. Ano ba to?! Ang gulo naman, ganito ba to? Tsss, maya't maya may na re-receive akong text. Ang dami nilang mga tanong.
CLANMATE 1 :
"Welcome po sa clan! CSAL NYO PO :)" CSAL? ANO BA YUN?! HAHAHA! Kasi nga FIRST TIME kong sumali ng mga ganito, kaya di ko alam kung anong meaning nun. Nireplyan ko naman sya.
"Oh, hey! Thank you. CSAL? Ano ba yun? hehe. Pasensya na po first time ko kasing sumali ng mga ganito eh."
"Ahh, hehe. Ok lang :) CSAL means, Codename, Sex, Age, And Location" Ahh, yun pala yun. hehe!
"Ahh, ito pala meaning nun. hehe! Thank you." Reply ko sa kanyan.
"Welcome. CSAL mo po"
Tinext ko pinsan ko, tatanungin ko siya kung anong magandang ico-codename ko. Nagreply din naman sa kaagad.
"Ahm, Eurika. Yan na icodename mo." Ha? Eurika daw. San kaya nya yun nakuha. haha :p
"Eh, Bakit Eurika?"
"Ay, basta. Bakit ayaw mo ba?" Suplada nitong baklang to. Para nagtatanong lang naman ako eh.
"Nagtatanong nga lang ako :p Sige yan na gagamitin kong codename."
"Haha. ok, ipasa mo na codename mo sa kanila"
"Alam ko gagawin ko :p" Ayun sinend ko na sa mga member ng clan yung CSAL ko.
CODENAME: EURIKA ANGEL
AGE: 15
GENDER: FEMALE
FACEBOOK NAME: NIKKA KOMORI
LOCATION: LANANG, DAVAO CITY.
** Sent
Sunod-sunod na text ang natanggap ko. Pinasa din naman nila yung CSAL nila sa'kin. Nagte text2 na kami nung mga ibang member. Yung mga members na mayroong facebook, pag naka net ako ise-search ko fb nila. Kung mga gwapo/maganda ba itong mga katext ko :p haha! At dahil malapit ng mag alas dose ng hating-gabi, nag decide na akong matulog. At bukas ko nalang isi-save ang mga number nila :)
Buwan na ang lumipas active pa rin ako sa clan. Na meet ko na rin ang mga ibang members, and yung founder namin. Nag usap-usap kami. Isa-isa kaming nag introduce sa aming sarili. Nong una pa nga nahihiya kami ng pinsan ko eh hehe. Pero katagalan ok na, hindi ka talaga ma o-OP sa kanila. Sa malapit sa amin na beach kami nag EB (EYEBALL) ok sila kasama, ang babait nga nilang lahat. Maya-maya pa ay nagpa alam na kaming dalawa ng pinsan ko sa kanilang lahat dahil gabi na baka mapagalitan ako ng mama ko. Mahirap na. Ayun ok pala sila kasama, sana magtagal itong clan namin. Bago pa kasi ito nabuo. Nung nov. 8 pa lang. Classmate noon ng pinsan ko ang founder namin. Naglakad lang kami pauwi total malapit lang naman ang bahay namin galing dito.
"Hoy ate, hahaha! Bat parati kang tumitingin dyan sa salamin mo? Maganda kana oy! " Sabi ko sa pinsan kong bakla. Ganyan yan eh. Maya't maya tumitingin sa salamin. Ewan ko ba. Laging may dalang salamin sa bulsa nya hahah! Lalaki ang pangangatawan nya, pero kung kumilos medyo bading, pati boses hahaha! Sayang sya, mahitsura pa naman xD
"Wala lang hahaha! Hayaan mo na nga ako. Oy nagtext na mama mo, lagot tayo nito."
"Sus, kasama naman kita. Tsaka malapit na tayo oh. Next EB punta na naman tayo ha?"
"Titingnan ko lang, nagwowork kaya ako."
"Ayy, oo nga pala."
"Sige na, sabihin mo nalang sa mama mo na di na kita nahatid sa inyo kasi anong oras na oh, next time nalang ako pupunta sa bahay nyo." Tsss, mauubos na lang ang next time.
"As if naman pupunta ka don. Nahihiya ka nga eh. Bakit ba?"
"Ah, basta. Sige na ha. Bye!"
"Ok, ingaaat sa pag uwi baka ma-rape ka HAHAHAHAHA"
"Baliw! Ako pa ang mang-rape" Ayun sumakay na ng jeep ang bakla. hahaha!
Pagkarating ko ng bahay buti di ako napagalitan ni mama hahaha!
"Oh, kumain kana? San na pinsan mo?"
"Busog pa ako ma. Pinauwi ko na! haha"
"Sige na matutulog na ako." Maya-maya ay natulog na rin ako...