CHAPTER EIGHTEEN
JANUARY 4, 2013- FRI.
"Nandito na ako sa overpass." Text ko sa kanila. Magkikita kasi kami ni lovely ngayon kasama ang mga barkada niya. Dito nalang namin naisipang magkita sa overpass na dati naming pinagkikitaan don sana sa sm dahil don din ang punta namin pero dito nalang daw at sabay nalang kaming lahat pupunta don.
"Ok malapit na kami dyan." Reply nila.
Ang tagal naman nila gusto ko na syang makita eh. Mga 5 minutes yata yun or sobra. Nakita ko na mga kasama niya.
"Oy, nandito na siya." Sabi ni aj.
"Hi nik." Bati niya sakin.
"Hi." Sabi ko at nagbigay ng matipid na ngiti. Nasa likod nila si lovely. Di naman nila mahahalata na tinitingnan ko sya dahil naka sunglasses ako. That's why i love wearing sunglasses because no one knows kung san ka nakatingin. Bahala siya ayaw niyang lumapit sakin di ko din sya lalapitan. Tinanggal ko saglit ang suot kong shade at yun. Nagtama ang mga mata namin.
"Taraaaa na." Sabi nila at nauna na akong lumakad sa kanila. Sumunod naman sila. Nag-aantay na kami ng jeep na may nagsalita.
"Dito ka love oh, tabi kayo." Yay! Lumapit kana sakin dito. Dali! Parang wala syang narinig. Ok -.- Tinitingnan ko sya nakatingin din sya sakin. Pumara na ako ng jeep, at sinabing sakay na tayo. Sumunod naman din sila. Hanggang sa nakarating na kami sa SM. Kumuha ako ng pera sa bulsa ko.
"Eto nalang oh." Sabi ko sabay abot ng pera at bumaba na. Ang tagal kasi makabayad eh -.-
Nang makababa na sila. Di pa sila agad lumapit sakin dahil kwenkwenta pa nila yung pera hahahahah! Nako naman -.-
"Erves oh." Tawag ni hannah sakin sabay bigay nong pera. Di ko naman tinanggap.
"Wag na. Dyan na yan :)"
"Hindi. Oh sge na." Di ko parin tinatanggap.
"Dyan na sabi yan."
"Bahala ka." Sabi niya sabay lagay nong pera sa likod ko. Ang kulit naman! Wala na akong ginawa kundi hayaan nalang. Sumunod na sila sakin pumasok na kami sa loob ng mall. Habang paakyat kami sa hagdanan nag aya silang picture daw.
"Sige na best." -Lovely. Duh :/ Ngayon mo pa ko papansinin? Haha. Pasalamat ka mahal kita. Pumwesto nalang ako. Pagkatapos nilang mag picture taking pumasok na kami sa loob.
"Mag Lakad2 muna tayo?" Aya ni lovely sakin. Tumango nalang ako. Yung mga friends niya ayun sumama kay aj pinsan ni lovely. Bibili daw sya ng t-shirt.
LAKAD... LAKAD... LAKAD...
Hinawakan niya ang kamay ko! Yay <3
While walking, nag-uusap din kami. Hanggang sa.
"HOY NIKKA!" Tumingin ako don sa tumawag sakin. Si KC. Classmate ko nong grade 6. Mas matanda sya sakin ng 2 years. Siguro naka stop sya ng pag aaral noon.
"Hi." Sabi ko.
"Oy, sino yang kasama mo? GF mo?"
Oo GF ko. Ayy, di naman pala kami :( Pero mukhang kami. Same kami ng nararamdaman. Ganun din naman kasi ang napapansin ko eh. Pero ewan naguguluhan ako. Siguro dahil bestfriend niya ako kaya ganun sya sakin. Hayyy... Sabi ko sa isip ko.
"Ahmmm, bestfriend ko." Sagot ko na nakangiti.
"Weh?" Ayaw pa maniwala. Kung gf ko lang to, aamin naman ako. Kaso di eh :( haha.