PROLOGUE

11.8K 136 1
                                    

Precious Heart Romances

    BAD GIRL, EASY LAY. Ito ang reputasyong ikinulapol ni Arnold sa pagkatao ni Noelle.
     Bagama't may atraksyon nang nadarama si Noelle para sa binata, nadaig iyon ng inis na bumalot sa kanyang puso dahil sa ipinakikita nitong kagaspangan.
    Ginantihan niya si Arnold sa pag--aakalang hindi na muling magsasanga ang kanilang nga landas. Isang malaking pagkakamali! Dahil nang sumunod nilang pagkikita, ito ang direktor at siya'y artista lamang nito.
   Wala siyang choice kundi sundin ang lahat ng ipag--utos nito. . . On stage. Ngunit bakit hanggang sa labas ng entablado'y wala pa rin siyang choice kundi sundin ang dikta ng pusong unti--unting umiibig kay Arnold?

Huwag Mong Husgahan Ang PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon