Precious Heart Romances
HUMINTO ang kanilang sasakyan sa marangyang tahanan. Magkasabay silang bumaba ng kotse, nakatuon ang atensyon sa bahay.
"Are you sure we have the right address?" paniniyak ni Teddy sa katabing si Arnold.
"I'm sure," tugon ng binata, bagaman kulang iyon sa kombiksiyon.
"I just can't believe na dito nakatira si Noelle. Wala sa hitsura ng babaeng iyon ang titira sa ganitong kalaking bahay, somehow I can't picture her here," komento ni Teddy.
Hindi siya umimik. Tulad nito, ngayon lang niya natuklasan ang bagay na iyon tungkol sa dalaga. Kahit sa pananamit at kilos ng Noelle ay hindi niya akalaing mayaman ang pamilyang pinagmulan nito.
Isang katulong ang nagbukas sa kanila. Pagkatapos nilang hanapin ang Mama ni Noelle na salamat na lang at naroroon ay pinatuloy na sila nito.
Dinala sila ng katulong sa library, kung saan nakaharap ang isang may- katandaang babae sa lamesang puno ng maraming papeles. Isang tingin pa lamang sa mukha nito, nahinuha na nilang ito ang ina ni Noelle."Good Morning. Mrs. Saavedra." pagbibigay galang ni Arnold.
"Attorney. Saavedra." pagtatama nito ss titulong ibinigay ng hindi kilalang bisita.
Nagpalitan sila ng makahulugang tingin.
Mula sa suot nitong salamin ay sinipat sila ng matandang babae. Huminto ang mapanuri nitong mata kay Teddy.
Nakasuot ng T-shirt at pantalong puro sulat-kamay ang lalaki. Nakalugay ang kulot na buhok na hanggang balikat, may bahid na lipstick ang labi at may guhit na itim ang kilay.
Hindi itinago ng matandang Saavedraang pagdisgusto sa bisita.
Nakaramdam naman ng paghihimagsik sa sarili si Teddy sa mapanuring tingin na iyon ng kaharap. Ngayon nito nalaman ang motibo ng kaibigan kung bakit hindi siya nito ipinakikilala sa magulang.
At gusto nitong pasalamatan si Noelle."What do you want with my daughter?"
"We need to see her, Attorney." nilakipan ni Arnold ang coldness ang tinig na tumugon.
"At bakit?"
"Marami po kaming dapat pag- usapan." maagap na tugon ni Tedfy
"From the look of you. Kasamahan ka ni Noelle sa teatro, hindi ba?" tanong nito na hindi na naghintay ng sagot. "I wouldn't be suprised kung bakit ako nagawang suwayin ng batang iyon."
"We would appreciate it, Attorney---"
Hindi pinansin ni Arnold ang sarkasmo ng babae. "Kung maituturo ninyo sa amin kung saan maaring matagpuan si Noelle.""I don't know where that woman is, hindi ko kayo matutulungan." iyon lamang at muli na nitong hinarap ang papeles.
Nanatiling nakatayo lamang doon ang dalawang lalaki, hindi makapaniwala sa nakikitang pag-uugali nito.
Nagsimula silang tumalikod, pero saglit pang himuminto si Teddy upang muling harapin ang matanda."Noong una ay nagtatampo ako kay Noelle kung bakit parang ayaw niya akong ipakilala sa inyo. Nagtataka din ako kung bakit ni hindi niya ibinibigay sa skin ang kompleto niyang address. Pero hindi na ngayon, dahil tiyak ko na kung bakit niya iyon ginawa. Somehow, nagpapasalamat ako at hindi kumuha sa ugali ninyo ang kaibigan kong iyon
"Noelle is a special girl, sana ay alam ninyo iyan." dagdag ni Arnold.
Iyon lang at iniwan nilang hindi makakibo si Atty. Saavedra.
"I'm sorry, Arnold. Walang nangyari sa lakad natin."
"Hindi mo kasalanan, Teddy... Kailangan na nating pumunta sa rehearsal. Baka sakaling magpakita siya doon. Baka nagpa-panic ako'y wala naman palang dahilan..." ngunit kahit na sariling pandinig ay kulang ang kombiksiyon sa tinig ni Arnold.
"HI," BATI ni Noelle sa taong nagbukas sa kanya ng pinto.
"Noelle! Saan ka ba nagsuot na babae ka?" gulat na tanong ni Tedfy.
"Puwede bang tumuloy?"
"Gagah ka talaga, alam.mo namang welcome ka dito sa akin anytime."
"Salamat." naupo siya sa nag-iisang sofa na naroon.
Inabutan siya ni Teddy ng malamig na baso ng juice.
"Salamat."Naupo sa kanyang tabi ang kaibigan. Samantalang tangan naman niya ang basong wala nang laman. Muli iyong kinuha ni Teddy.
"Salamat." sabi niya ulit.
"Hay, naku, Noelle, baguhin mo naman ang linya mo! Napapagod na akong makinig sa iyo, bah!" tumabi sa kanya ang kaibigan. "Saan ka ba nanggaling? Kaninang umaga ka pa namin hinahanap."
"Namin?"
"Kasama ko si Arnold sa paghahanap sa iyo. We were so worried, Noelle."
"I'm sorry, Teddy, hindi ko gustong bigyan ka ng alalahanin."
"You can always tell me your problems, alam mo iyan. Narito ako para makinig."
Saan nga ba niya dapat umpisahan ang gustong sabihin? Muli niyang pinagluwag ang pagsisikip na dibdib.
"Nagkausap kami ni Vixie." sinundan n'ya iyon ng pagak na tawa. "Actually it was more of a quarrel than a simple talk. Ipinakita niya sa akin ang mga kiss marks sa kanyang dibdib, ayon kay Vixie si Arnold ang..." ipinagpatuloy niya ang pagsasalaysay hanggang sa gabing ipinagkaloob niya ang sarili sa binata.
Nanatiling nakikinig lamang si Teddy, patangu-tango.
Kahit na paano ay nakaramdam siya ng paggaan ng dibdib sa ginawang pagbabahagi ng problema sa kaibigan."May gusto ka pa ba'ng sabihin sa akin, Noelle?"
Saglit na kumunot ang kanyang noo, pagkuwa'y umiling.
"Nakaharap namin ang iyong Mama."
"Nakausap ninyo ang Mama?"
"Oo, at hindi ko ikakaila sa iyong nainsulto ako sa ginawa niya sa amin ni Arnold. Partikular na sa akin."
"I'm sorry, Teddy."
Mapait itong ngumiti. "Want to tell me about it?"
Tumango siya, pagkatapos ay sinimulan sa umpisa ang dahilan ng ilang taon nang hindi nila pagkikibuan na mag-ina.
"Hindi ko sasabihin sa iyon kung tama o nali ang iyong desisyon. Pero hunahanga ako sa tibay ng loob mo, pero isa lang ang gusto kong isipin mo, sapat na siguro ang mga taong iyon para magtiklop nang tuhod at lumapit sa iyong mama. After all, malaki pa rin ang utang-na-loob mo sa kanya."
Hindi siya kumibo sa sinabi ng kaibigan.
"Ano ang balak mong gawin ngayo?"
"Hindi ko pa alam."
"Bukas na ang play at ipinapayo ko sa iyong pag-isipan mong mabuti ang dapat mong gawin. What ever you do. Wala ka sanang pagsisisihan sa bandang huli."
Yumapos siya sa katawan ng kaibigan.
"Salamat, Teddy."
"Ang mabuti pa'y, matulog na tayo. Kailangan natin maging maganda bukas."
Nagpatianod siya sa paanyaya ng kaibigan. Magkatabi silang nahiga sa kama nito. Ngunit malalim na ang pagkaka-tulog nito ay hindi pa rin siya dinadalaw nang antok.
BINABASA MO ANG
Huwag Mong Husgahan Ang Puso
Romance"Kiss Mark lang ba ang kayang ibigay sa iyo ni Arnold?"