Precious Heart Romances
NAKAUPO si Noelle sa gitna ng mga nag--iinumang kalalakihan na pawang mga kaibigan at kasamahan niya sa teatro. Hindi na bago sa kanya ang ganitong tagpo. Kung noong una'y gusto niyang mag--alanganin sa klase ng buhay na piniling tahakin, ngayon ay tanggap na niya kung ano ang tunay na buhay ng mga tao sa teatro.
Napangiti siya sa sarili. Kung makikita lamang siya ngayon ng kanyang Mama, tiyak na mag-- hihisterya iyon sa galit.
Baka nga mawalan pa ito ng malay sa tindi ng shock.
Inilibot niya ang tingin sa mga kasamahan. Kanya--kanyang usapan ang bawat isa kahit kabilang sa malaking umpukan.
Pero kahit na kabilang siya sa grupo, pakiwari niya ay hindi pa rin siya bahagi ng samahang iyon. Lalo na sa mga ganitong pagkakataon.
Narinig niyang nagtawanan ang mga kaharap. Kumurap ang kanyang mga mata., itinuon ang naglalakbay na isip sa usapan ng ilang kasamahan."Eh, gago ka nga palang talaga, Tirso. Sukat ba namang palay na ang lumalapot sa iyo, tinanggihan mo pa. Kung ako ang manok na nilapitan ng bebot na iyon, walang lugar sa katawan niyang hindi ko tutukain.”
Sinabayan iyon ng lalaki ng isang malutong na tawa.Nakitawa na rin si Noelle kahit na ang totoo, iyong huling sinabi lamang nito ang narinig niya.
Itinaas niya ang isang baso ng juice na nasa harapan, Funny, ilang taon na siyang bahagi ng grupong iyon pero hindi niya nakasanayan ang uminom ng alak.
Ayaw niyang magsuka but worse of all, hindi niya pinangarap na magkaroon ng hangover.
Sa mga ganitong pagtitipon na hindi niya maiwasan, bahagi na ng pakikisama ang makisalamuha sa inuman. Hindi naman magandang tingnan kung basta na lamang siyang aalis pagkatapos ng kainan.
Bagama't hindi naman siya pinipilit, choice niyang makasama ang nga kaibigan kahit pa nga hindi siya umiinom. Tubig na may ilang tipak na yelo ang laman ng baso niya.
Kung minsan ay nakakantiyawan siyang tumikhim ngunit kailanma'y hindi siya nagbigay. Gayunma'y hindi iyon naging balakid sa pakikipagkaibigan nila.
Itinaas niya ang baso sa bibig upang simsimin ang huling patak ng tubig.
Nasa isang bahagi ng garahe ang grupo niya, na noon ay bakante upang bigyan daan ang birthday ng anak ng isa nilang kasamahan.
Napalingon siya ng umingit ang gate at pumasok si Andrew, kaagapay ang isang lalaking noon lamang niya nasilayan.
Itinaas lamang ni Andrew ang isang kamay bilang pagbati sa ilang mukhang nakakita sa pagdating nito. Pagkatapos ay tila walang anumang nagpatuloy sa paghakbang sa direksiyon ng bahay.
Awtomatiko ang naging reaksyon ni Noelle. Walang kurap na ibinaba ang baso sa mesa habang ang bibig ay bahagya pang nakaawang.
Ni hindi niya nagawang tugunin ang simpleng pagbati ni Andrew. Paano'y napako ang tingin niya sa lalaking kasama nito.
Nang mahimasmasan ay siniko niya ang katabing si Teddy."Sino iyong kasama ni Andrew?"
Sinundan nito ng tingin ang direksyong tinutumbok ng kanyang mga mata.
"Ma at Pa," tugon nitong sinabayan pa ng kibit ng balikat bago muling ibinalik ang atensyon sa katabi.
"Tingnan mo, cute ang kasama ni Andrew," muli niyang siniko ang kaibigan.
"Hindi ko nga nakita," pigil ang iritasyong tugon nito. Nakatalikod na kasi ang lalaki nang muling magtaas ito nang mukha.
Kahit kailan, hindi nila nakasundo ang ugali ni Andrew. Kaya lamang ito nakakasama sa mga kasayahan ay dahil stage manager nila ang lalaki.
Kaya hindi niya masisisi si Teddy kung wala man interes na marinig ang sinasabi niya.
Inihatid niya ng tingin ang lalaki hanggang sa tuluyan na itong makapasok sa loob ng bahay.
Well, he's got a nice butt, sabi ng pilya niyang isip.
Nakasuot ito ng original na Levi’s na humahakab sa binti at puwitan nito. Magandang tingnan ang lalaki mula sa likuran ngunit di-hamak na mas maganda itong pagmasdan kapag nakaharap...lalo't nakatuon ang mga mata ng titingin sa pundilyo ng hapit na pantalon.
Tiyak na maraming babae at bakla ang magkakainteres sa lalaki!
Wala na sa kanyang paningin ang nasabing nilalang ngunit nanatiling kinikiliti ang isip niya sa naisip na kapilyahan.
Tuloy ay naging daan iyon para kumawalaang isang malakas na halakhak aa lalamunan niya nang may isang kasamahang mag-deliver ng joke na sa totoo lang ay korni naman.
Dinig ang matinis na halakhak niyang nangingibaw sa gulo at ingay ng medyo lasing nang mga grupo.
BINABASA MO ANG
Huwag Mong Husgahan Ang Puso
Romance"Kiss Mark lang ba ang kayang ibigay sa iyo ni Arnold?"