CHAPTER THREE

4.3K 100 0
                                    

Precious Heart Romances

  NASA labas na si Arnold ngunit nagi-- guilt pa rin siya sa lahat nang masasakit na salitang binitiwan sa mga taong iniwan sa loob ng rehearsal room.
   Alam niyang masyado siyang naging unfair sa mga kasama, lalo na kay Noelle.
   Dama rin niyang labis niyang nasaktan si Noelle sa kanyang mga akusasyon. Contrary to his belief, talagang magaling umarte ang dalaga. Lamang ay napangunahan siya nang iritasyon sa naging reaksiyon nito sa kanya.
    Very unprofessional, Arnold. . . Kastigo niya sa sarili.
    Puno nang pawis si Noelle, taas-- baba ang kanyang dibdib sa paghabol ng hininga. And yet, he found her sexy ang appealing. At iyon ang hindi niya kayang tanggapin. Ang paghangang nararamdaman para dito.
   Guato niyang purihin ito sa magaling na pagganap. Pero hindi iyon ang kanyang ginawa. Sa halip ay mahahayap na salita ang ibinigay niya rito. Kailangan niyang gawin iyon for his own sake, para mapagtakpan niya ang damdaming nagsimulang umalipin sa kanya the first time he laid eyes on her.
   Easy to get. Iyon ang isa sa mga impresyong agad na rumehistro sa kanyang isip nang makilala niya si Noelle. Pero sa kabila niyon, hindi niya mapigilan ang sariling muling alalahanin ang maganda nitong mukha. Ang kakaibang charm nang dalaga at ang mapang--akit nitong pagtawa.
   At kahit na anong supil ang gawin niya sa damdamin, dinaih siya ng kagustuhang makita itong muli, masilayan, makasama. Kailangan niyan napalapit dito, kilalanin ito.
    Maybe then, he could let go of this illogical emotions na umaalipin sa kanya.
   Kaya nang ialok sa kanya ni Andrew ang pagdi--direct sa play, hindi na siya nagdalawang isip. Tinanggap niya ang offer kahit batid niyang nagsa-- suffer siya sa mabigat sa schedule, lalo't mapupunta sa rehearsal ang panahong inilalaan niya sa pag--aaral.
   Pero kabaligtaran sa inaasahan niya ang nangyari.
   Hindi niya matanggap na after all his efforts, hindi rin pala niya magagawang mapalapit sa dalaga. Dahil marami na itong nalalaman sa mundo ng pag--arte, halos wala na itong kakailanganin pang matutuhan sa kanya.
   Kaya unfair man, labag man sa loob niya, kailangan niyang pulaan ang pag--arte nito. Kung sa gayoong paraan man lang ay magkaroin siya ng tsansang mapalapit kay Noelle.

    BUMABA si Noelle sa taksi. Yumuko siya upang mag--abot nang bayad sa driver kung kaya't hindi na niya napansin ang isang aninong nagkukubli sa kurtina ng silid sa itaas ng bahay, nakamasid sa kanya.
   Nang ganap na siyang nakapasok sa gate, tuluyan nang naglaho ang anino sa dilim.
   Tahimik na ang buong kabahayan nang makapasok siya sa sala. Karaniwan na kapag umuuwi aiyasa ganitong oras, tulog na ang katulong nilang si Meding.
   Nakadama siya ng lungkot sa kanyang pagdating, ngunit kahit papaano, nasanay na rin siya.
   Tumingala siya sa hagdan, nasa dibdib ang dating pag--asam na makitang bumababa ang ina. Ngunit nangalay lamang siya sa paglakatingala't ni animo nito'yhindi niya nakita.
    Ibinalibag niya ang dalang bag sa tabi ng sofa at pagbagsak na umupo sa malambot na kutson ng sofa.
   Isinandig niya ang ulo sa headrest at nagbuntong hininga. Kailan nga ba huli silang nag--usa ng ina? Hindi na niya matandaan. Mistulan silang estranghero na napipilitang magsama sa ilalim ng isang bubong. In fact, mas masahol pa sila sa strangers. At least, hindi nag--iiwasan ang mga strangers kapag nagkakasalubong.
    But deep inside her, gusto niyang kausapin ang kanyang mama sa tuwing nakikita niya ito. Gysto niya itong balitaan tungkol sa lahat ng nangyari sa kanyang maghapon.
   Danga't pinipigilan siya ng pride. O marahil, natatakot lamang siya na muli nitong i-- reject ang mga efforts niyang ipaunawa ang sarili.
   Ipinikit niya ang mga kanyang mata at Kasabay ng muli niyang pagbubuntong hininga, mabilis na nagbalik ang mga alaala...

     "WHAT?" NABITAWAN ni Atty. Saavedra ang hawak na tinidor at kutsilyo na ginagamit sa pagkain. Hindi ito makapaniwala sa narinig mula kay Noelle.
    Bagama't inaasahan na niya ang pagtutol nito sa kanyang desisyon, nagulat pa rin siya sa halos bayolenteng reaksiyon ng ina.

   "Linawin mo nga ang sinasabi mo, Noelle." nakatuon ang mga mata nito sa mukha niya.

   "Sa UP ako mag--aaral, Ma." mahinang paliwanag niya, bahagyang nakatungo ang ulo.

Huwag Mong Husgahan Ang PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon