CHAPTER SIX

3.8K 96 0
                                    

Precious Heart Romances

   "LALABAS ba kayo para magmeryenda?" tanong ni Arnold na ang pansin ay partikular na nakatuon kay Noelle. Rehearsal break na nila.
    Dahil nakatungo ang dalaga sa dalang bag at may kung anong hinahanap sa loob niyon, hindi niya napansing patungkol pala sa kanya ang tanong nito.

   "Oo, Direk," maagap na tugon ni Teddy na nasa tabi niya.

   "May I join you?"

   "But of course," sagot ni Teddy. "Basta ba hindi ka magpapalibre sa amin eh."

   "Don't worry, ako pa ang magti-treat sa inyo."

    Saglit siyang natilihan mula sa paghahanap ng gamit. Ito na ba ang simula ng sinabing "next time" ni Arnold?

   "Okay ka palang kasama kung gano'n. Next time na kakain kami uli sa labas, join ka, ha, Direk?" nagbibiro pang kumapit si Teddy sa braso ng binata.

   "Bakit hindi? Basta ba---" Sadyang ibinitin nito ang sinasabi at makahulugang tinapunan ng tingin ang dalaga.
    Isang pinong kurot ang dumapo sa tagiliran niya.

  "Aray!" bulalas niya. "Teddy naman, ano ba? Bakit ka ba nangungurot?"

   "Ang sabi ni Direk, iti-treat niya raw tayo." makahulugan ang ngiting naglalaro sa mga labi nito.
   Bumuka ang bibig niya, akmang sasagot pero naging nas maagap si Vixie na noo'y nakabuntot kay Teddy.

   "You are very welcome to join us, Arnold," buong lambing na tugon ng babae. Ikinawit pa nito ang isang kamay sa braso ng binata.
   Nagkatinginan sila ni Teddy. Ipinagkibit na lamang niya ng balikat ang inis na nararamdaman sa tuwing makikita ang babaeng nagpi-flirt sa direktor.
   Pumila sila sa counter. Sinadya niyang magpahuli dahil nanggigigil siya kay Vixie. Baka kapag napalapit siya rito'y hindi na siya makapagpigil at tuluyang niya nang hilahin ang buhok nito sa anit.
   Si Teddy ang unang nakakita ng mapupuwestuhan. Agad nitong inokupa ang pang-apatang mesa. Inilapag naman ni Arnold ang tray na hawak nito sa tapat ni Teddy.
   Malayo pa lang ay nakatuon na ang mga mata ni Vixie sa bakanteng silya sa tabi ng direktor. Maluwang ang ngiti nitong akmang uupo sa tabi ng binata nang magsalita si Teddy.

   "Vixie, dito ka na, o. Tabi tayo." tinapik pa nito ang katabing upuan.

   "Pumayag ka na. Baka magtampo pa sa iyo iyan." ayuda ni Arnold nang mapansing nagpoprotesta pa ang babae.
   Walang nagawa si Vixie kundi nagpatianod na lang. Nakasimangot itong naupo sa tabi ni Teddy.
   Kinuha naman ni Arnold ang tray na hawak ni Noelle at pinauna siyang pumasok upang siya ang makapuwesto sa loob. Nakapagitan siya sa lalaki at sa dingding.
    Ninenerbiyos siyang tumalima sa giya ng binata. At mas lalong nadagdagan ang kaba niya sa ngiting naglalaro sa mga labi ni Teddy. Ngiting tila may binabalak.
   At bago niya mahulaan ang binabalak na iyon ng kaibigan, napatid na siya sa isang binti nitong sadyang iniharang sa daraanan niya.
   Ang resulta, nawalan siya ng balanse.

  NAIPIKIT na lamang ni Noelle ang mga mata at naisalag ang dalawang braso sa mukha na para bang napipigil niyon ang nakatakdang pagsubasob.
   Tumigil sa pag-ikot ang kamay ng orasan.
   Hanggang sa naramdaman niya ang dalawang matitipunong mga bisig na sumaklit sa magkabila niyang bewang. Nagtagumpay itong mahila siya ngunit hindi nito naibalik ang balanse niya. Para siyang hinipan ng hangin patungo sa direksiyon nito.
   The next thing she knew, nakalapat na ang likod niya sa malapad na dibdib ni Arnold habang ang mga kamay nito'y nakayapos na ngayon sa bewang niya.

  "Are you all right?" tanong ng binata.

   Agad ang lagkalat ng init sa kanyang pisnge. Namumula ang mukhang tumango siya.
   But despite her assurance, nanatili pa ring nakayapos ang mga bisig nito sa kanyang bewang.
   At nagsisimula na siyang mailang sa nangangatiyaw na tinging ipinupukol sa kanila ng mga kasamahang artista na nasa loob din ng kantinang iyon.

Huwag Mong Husgahan Ang PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon