Precious Heart Romances
NAGMULAT ng mga mata si Noelle, nananakit ang kanyang batok. Masakit ang bawat bahagi ng kanyang katawan. Nilingon niya ang tulog oa ring si Arnold. Buong-ingat niyang inalis ang braso nito sa kanyang katawan. Pagkatapos ay marahang bumangon. Isa-isa niyang pinulot ang mga saplot sa lapag. Muli iyong isinuot.
Muli niyang nilingon si Arnold. Napakaamo ng anyo nito sa pagkakapikit. Pinagsawa niya ang mga mata sa tulog na anyo nito
Bahagya itong umungol. Napaatras siya, pigil ang hininga. Subalit hindi naman ito nagdilat ng mga mata na tulad ng inaasahan niya.
Buong ingat niyang nilapatan ito ng halik sa mga labi bilang pamamaalam."Noelle..."
Narinig niyang tinawag nito ang kanyang pangalan sa panaginip nito. Ngumiti siya. Tulad nito, nananatiling nakaukit sa kanyang alaala ang nangyari sa kanila ng nagdaang gabi.
"Goodbye, Arnold, I love you."
Iyon lamang at walang lingon-likod niyang iniwan ang binata.
Tulad nga ng sabi sa isang kanya, she had to say goodbye for the two of them. Habang natutulog pa si Arnold, habang nakakapanaig pa ang katinuan ng kanyang isip.
Dahil oras na hawakan siya nito, sa sandaling pigilan siya ng mainit nitong halik, alam niyang matutunaw ang lahat ng desisyong ginawa niya kagabi.
At mananatili siya sa piling nito, sa mga bisig nito. Sa sandaling kahibangan, dahil batid niyang walang pagmamahal na nakalaan kagabi sa kanya ang binata.
Na ang lahat ng nangyari kagabi ay bugso lamang ng pagnanasa nito, at hindi involved ang puso nito sa pinakamaligayang sandali ng buhay niya.
Tanging siya lang ang bulag na umiibig. Ang hangal nag-alay ng kanyang sarili..."Maraming salamat sa alaala, Arnold. Iingatan ko iyon, tulad ng pag-iingat ko sa pagmamahal ko sa iyo,"
Bulong niya bago tuluyang lumabas ng bahay.TANGHALING tapat na nang magmulat ng mga mata si Arnold. Agad niyang hinahanap si Noelle. Natiyak niyang umalis ito nang walang paalam nang hindi niya matagpuan ang mga gamit nito sa sahig.
Ano ba ang kalokohang nagawa niya? Gusto niyang pagsisihan ang ginawang kapangahasan sa dalaga. Malalim ang atraksyon niya para dito, pero hindi iyon sapat upang samantalahin ang pagkakataon.
Tumayo siya, lumapit sa pinto. Kagabi, dito niya unang hinagkan ang mga labi ni Noelle...
Noong unang beses niya itong makita, masama na ang impresyong iniwan nito sa kanya. Tatak na pilit niyang ikinabit sa pangalan nito. Pero ang lahat ng iyon ay dagling naglaho dahil sa naganap.
Ngayon ay tiyak na niyang matinong babae si Noelle, na nagkamali siya sa paghusga rito.
Nang walang tutol nitong ipinagkaloob ang sarili sa kanya, noon niya natiyak na hindi ito bastang babae. Hindi basta ipagkakaloob ng sinumang babae ang sarili sa lalaki kung walang sapat na dahilan.
Nahiling niya sana ay pareho sila ng dahilan.
Kagabi, habang nasa mga bisig niya ang dalaga, dama niya ang kaibahan nito sa Noelle na una niyang nakilala. Iyong Noelle na palabarkada, maingay tumawa at puro lengguwaheng bakla ang alam.
Bagay na hindi niya maintindihan. Paanoong nagkaroon ng dalawang katauhan sa iisang katawan?
Ano ang dahilan ni Noelle upang magkubli sa mapanlinlang nitong maskara?
Ngayon niya naalala ang sakit na nabanaag sa mga mata ng dalaga habang nakakulong ito sa kanyang mga bisig. Batid niyang malalim ang augat na iyon, kung anuman ang naging sanhi niyon ay gusto niyang malaman.
Isang pasya ang nabuo niya. Hahanapin niya si Noelle. Kailangan niyang ipagtapat ang nararamdaman dito. God, he was fool para ngayon lang ma-realize ang damdamin.
He was deeply and helplessly in love with Noelle.AGAD niyang pinuntahan ang teatro.
"Alfred, nariyan ba si Noelle?" mabilis na tanong niya sa lalaking bantay sa pinto.
"Wala pa, mamaya pa siguro iyon."
"Si Teddy, narito na ba?"
"Wala pa rin,mamaya pa ang call time n'yo, a. Maaga pa."
BINABASA MO ANG
Huwag Mong Husgahan Ang Puso
Romance"Kiss Mark lang ba ang kayang ibigay sa iyo ni Arnold?"