Precious Heart Romances
MARAHAN niyang idinilat ang mga mata. Natagpuan niya ang sariling nakahiga sa sofa'ng hindi niya kilala. Pinagmasdan niya ang paligid. Estranghero sa kanya ang lahat na dapuan ng tingin.
Napabalikwas siya ng bangon sa realisasyong iyon dahilan upang sumigid ang sakit na tila bumibiyak sa kanyang ulo.
Doon dumating ai Arnold, may dalang tasa ng umuusok na kape."Don't worry, narito ka sa apartment ko."
Lalo siyang naguluhan sa sinabi nito. Sinapo niya ang makirot na ulo ng isang kamay.
"Dito na kita iniuwi dahil hindi ko naman alam kung saan ka ihahatid."
Inilapit nito sa kamay niya ang isang tasa ng umuusok na kape. Pagkatapos ay naupo sa kabilang sofa, katapat ng sa kanya.
Alanganin niyang nilagok ang mainit na kape."Thank you."
"How's your head?"
"Parang binabarena..."
"Hangover. Ubusin mo ang kape and i'll give you some painkillers for the headache."
Muli siyang sumimsim sa tasa, hindi makatingin ng deretso sa kaharap. Ngayon niya na-realize ang katangahang nagawa kagabi.
Maliban sa ingay na nagmumula sa bukas na bintana, tahimik na ang kabahayan. Tanda na silang dalawa lamang ang maroroon.
Gusto niyang kabahan sa naisip na iyon. Gaano na siya katagal na naroon? Ano ang ginawa sa kanya ni Arnold habang wala siyang malay?
Disimulado niyang pinakiramdaman ang sarili maliban sa masakit na ulo, wala na siyang kakaibang nararamdaman sa katawan. Iyon pa rin naman ang suot niya sa katawan.
Somehow, gusto niyang manghinayang sa natuklasan, and yet, somehow, guato niyang magpasalamat."Maaari mo na ba akong ihatid?" salubong ang kilay na tanong niya.
"Sigurado ka bang okay ka na?"
Bahagya siyang tumango. Hindi siya kailanman magiging okay hanggang abot-tanaw niya ito, habang nakapedestal ito sa kanyang puso...
Inalalayan siya nitong tumayo. Kahit nanghihina pa ay sinikap niyang mahakbang sa sariling effort. Nasa pinto na siya nang muling tumiklop ang kanyang mga tuhod.
At tulad ng dati, naging maagap si Arnold sa pagsalo sa kanya."Are you okay?"
"Oo." lalo siyang kinabahan sa pagkakalapit ng kanilang mga katawan.
Nanatili ang mainit na kamay ni Arnold sa kanyang bewang. At wala siyang sapat na lakas para alisin iyon. Natagpuan niya ang sariling nakasindig aa dibdib nito, nakatitig sa mga mata nito.
The tip of his finger slowly trailed the length of her fragile shoulder. Pinigilan niya ang sariling mapapikit sa sensasyong hatid niyon."Noelle..." paanas na bigkas ng binata.
Nakatunghay siya sa mata nito at nakikita niya roon ang pagnanasang hindi nito nagawang ikubli sa kanya.
Kung susundin niya ang isip, dapat ay mag-insist na siyang umalis upang hindi na lumawig ang komunikasyon ng kanilang nga katawan.
Ngunit hindi, sa halip na magprotesta, nanatili siyang nakatitig sa mukha ni Arnold. Umaasa ng himala, himalang makapagpapabalik sa kaligayahang minsan niyang naranasan sa mga bisig nito.
Huminto ang kamay nito sa kanyang batok, kinabig siya palapit sa katawan nito. Hindi siya tumutol sa ginawa nito, bagkus ay kusa niyang ipinatangay ang kanyang katawan sa giya nito.
Pinangko siya nito at marahang inilapag sa sofa. Nakapagtatakang hindi nagliyab ang suot nilang damit sa labis na init na nagmumula sa kanilang mga katawan. Saplot na lamang ang tanging nakapagitan sa nag-aalimpuyo nilang pagnanasa.
Dumampi ang mga labi ni Arnold sa kanya. Gentle and sweet.... Just like the fismrst time. At gusto niyang malunod sa tamis na hatid niyon.
Wala sa loob na marahan niyang iniangat ang sariling kamay upang humaplos sa batok ng binata. Lalong humigpit ang pagkakayapos nito sa kanyang katawan.
Punong-puno ng damdamin ang halik na iyon, mainit, matamis and, at the same time, mapusok. Ginantihan niya ang bawat init na ipinadadama nito. Naglaro ang kanilang mga dila sa bibig ng isa't isa, mistulang dalawang batang naghahabulan.
He trailed the crevices of her mouth. Slowly nibbling at her lower lip.
Bumaba ang mainit na hininga nito sa kanyang leeg, naglandas sa kanyang kuwelyo ng kanyang suot na blouse. Aware siya nang simulang kalagin ni Arnold ang pagkakabutones ng kanyang pang-itaas.
Nahigit niya ang hininga nang maramdaman ang mainit nitong mga labi sa puno ng kanyang nahantad na dibdib. Naihagod niya ang kamay sa ulo nito.
Batid niyang ito na ang katuparan ng mga pangarap. Matagal na niyang ipinagkait ang katotohanang iyon sa sarili. Hindi na niya makakaya pang talikuran ang bulong ng puso.
Nang kalasin nito ang strap ng suot niyang bra, hindi siya tumutol. Tuluyang kumawala ang kanyang dibdib sa pagkakakulong. Upang ibilanggo lamang ng binata sa isa nitong palad.
Napapikit siya sa ginawang iyon ng binata. She sighed when his mouth claimed one erect nipple and slowly kissed her breast.
Pagnanasa. Iyon lamang ba ang kayang ibigay sa kanya ni Arnold? Iyon ang tanong na pilit sumisiksik sa kanyang naglalahong kamalayan.
BINABASA MO ANG
Huwag Mong Husgahan Ang Puso
Romansa"Kiss Mark lang ba ang kayang ibigay sa iyo ni Arnold?"