Precious Heart Romances
“CUT!" PUMUNO sa apat na sulok ng silis ang malakas na sigaw ni Arnold. Sigaw na animo'y dagundong ng kulog na nagpapayanig sa kompiyansa ng bawat artista.
Sa improvised stage, magkayakap ai Johnny at Noelle, magkalapat ang kanilang mga labi sa isang romantikong eksena.
May pagtataka sa mga mata ng isang assistant director nang lingunin ang binata. Wala itong nakitang mali sa acting ng dalawang artistang nakasalang para sumigaw ito ng "cut". Gayon pa man ay wala itong lakas ng loob para sansalain ang desisyon ng direktor.
Nang marinig ni Noelle ang malakas na tinig na bumasag sa kanyang konsentrasyon, inis na bumaling siya sa direktor ngunit hindi niya inalis ang katawan mula sa pagkakayapos ni Johnny.
Kapwa nila nilingon ang pinagmulan ng galit na tinig."Stop the scene!" biglang tumayo si Arnold at inihamas ang tangang folser sa katabing mesa.
Sapat na iyon upang maghiwalay ang kanilang katawan. Tumayo sila mula sa pagkakaupo sa props na sofa.
Noon lamang niya napansing bumaba na pala ang isang kamay ni johnny sa kanyang balakang habang ang isa pang kamay ay nakasapo sa kanyang batok.
Peor batid ni Noelle na ang lahat ng iyon ay bahagi lamang ng karakter na ginagampanan nila. Siya man ay wala sa loob na pinaglaro ang daliri sa buhok nito sa batok."Let's run another scene." may bahid pa ng galit ang tinig nito nang muling magsalita. Inililipat noto ang pahina na hawak na script, tila ba doon ibinuhos ang lahat ng kinikimkim na galit.
Makahulugan silang nagpalitan ng tingin ni Johnny."Scene five, act one."
Kabisado iya ang eksenang iyon at gusto niyang mainis sa direktor dahil biglang pagpapalit ng emosyon. Hinihiling ng partikular na eksena ang malutong niyang pagtawa."I need a break," naiiling niyang pahayag. Hindi na niya hinintay ang pagsang-ayon ng lalaki. Bumaba na siya ng improvised atage.
Alam ni Noelle na unethical ang ginawa niya nguniy hindi na niya napigilan ang sarili. Mapapahiya lamang siya kapag pinilit niyang gampanan ang scene na pinapasalang nito dahil tiyak na mapupulaan ang pagkawala niya sa mood."Hindi ko natatandaang sinabi kong break." mahinahon ngunit may awtoridad sa tinig na sabi ni Arnold.
Natigilan siya sa paghakbang at muling nilingon ang direktor. Funny, gusto niyang mainis dito ngunit hindi niya makapa sa damdamin. At iyon ang malaki niyang ipinagtataka.
Humugot siya ng buntong hininga. Maybe somehow, napapagod na siya sa pakikipagtalo sa binata sa mga walang-kawawaang dahilan."I'm sorry, Direk. Kailangan ko lang talagang magpahinga para sa next scene."
May kung ilang sandali siyang tinitigan bi Arnold. Tulad ng dati, hindi niya mapigilan ang maasiwa sa simpleng tingin lamang nito."Okay, let's all take a break, five minutes. Nothing more."
Tuluyan na siyang lumabas ng building. Tinungo niya ang likod ng gusali na kinatatamnan ng mga halaman. Baka sakaling makatulong ang tanawin para ma-refresh ang napapagod na niyang isip at katawan.
Naupo siya. Kailangan niyang kalamahin ang sarili upang magampanan ang hinihinging eksena.
Ngunit higit sa lahat, kailangan niyang iwaksi ang tensyon sa dibdib sa tuwing tititigan siya ni Arnold.
Ipinikit niya ang mga mata at dinama ang halumigmig ng hanging dumadampi sa kanyang pisnge. Isinandal niya ang ulo sa katawan ng isang mayabong puno.
Nagising ang senses niya sa kakaibang halimuyak na dinala ng hangin sa kanyang direksiyon, ngunit hindi niya idinilat ang nahahapong mga mata. Sa halip, pinagbuti pa niya ang pagkakapikit."Noelle?" malambing na tawag ng tinig-lalaki.
"Hmmm?"
Naupo sa tabi niya ang lalaki. Natukoy niya iyon dahil naramdaman niya ang init na nagmumula sa katawan nito. Isa pa'y lumapit sa kanyang pang-amoy ang pabangong gamit nito.
Kontento siyang napabuntong hininga nang maramdaman ang masuyong pagpalis nito sa ilang hibla ng buhok na tumatabing sa kanyang mukha. Ngunit nang matapos sa ginagawa'y nanatili pa ring nakadaiti ang palad nito sa ibabang bahagi ng kanyang pisnge.
Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata upang tiyakin na hindi siya nananaginip lang gaya ng unang akala niya. Gayon na lamang ang pagkagulat niya nang mapagsino ang katabi.
BINABASA MO ANG
Huwag Mong Husgahan Ang Puso
Roman d'amour"Kiss Mark lang ba ang kayang ibigay sa iyo ni Arnold?"