CHAPTER SEVEN

3.5K 79 0
                                    

Precious Heart Romances

    BIRTHDAY Celebration ng isang kapwa artista. Isa na namang okasyon na kailangan niyang puntahan. Kung hindi lang siya malapit sa may kaarawan, pipiliin na lamang niyang matulog kaysa pumunta sa pagtitipon na iyon.
   She was dreading the thought na muli silang magkakaharap-harap nina Vixie at Arnold.
   Ilang linggo na niyang iniiwasan na makausap ang binata. Pagkatapos ng tagpong iyon sa comfort room, hindi na niya ninais pang magkaroon ng anumang kaugnayan sa direktor.
   The last thing she wanted was to interfere with someone else's relationship.
   At ngayon, kailangan niyang harapin si Arnold na parang walang anumang nangyari.
    Pinuno niya ng malamig na hangin ang dibdib, kailangan niyang pagtibayin ang sarili bago pa man humakbang sa loob ng bakuran.

   "Oh, Hi. Bakit ngayon ka lang?" bungat na bati ni Teddy nang makita siya nitong paparating.

   "Traffic, eh."

   "Kanina pa nagtatanong si Arnold kung darating ka,"

   "Ano'ng isinagot mo?"

   "Of course. Yes. Si. Qui."

   Ngumiti si Noelle. "Right."

   "Naroon siya sa kabilang table... And guess kung sino ang kasama?"

   "Kailangan pa bang itanong iyon?" sinundan niya ng pagak na tawa ang sinabi.

   "Noelle, kahit hindi mo sabihin sa akin, alam kong you feel something this guy. And obviously, may pagtingin din siya sa iyo."

   Hindi siya umimik. Sa katotohang sinabi ng kaibigan. Masaaalamin sa kanyang mga mata ang mga salitang hindi magawang bigkasin ng bibig.

    "alam kong something went wrong somewhere. Bakit hindi mo siya kausapin? Napapsin ko na kung ilang linggo mo nang iniiwasan si direk. Noelle, gusto ko lang ipaalala sa iyo na hindi mo siya palaging maiiwasan. You have to face him sooner or later."

   "Bakit kailangan ko pa siyang kausapin? Para itanong sa kanya kung tama ang natuklasan ko? God, ni hindi natin dapat pinag-uusapan ito. We don't ever have a relationship to start with."

   "At iyon nga ang masakit, hindi ba? Wala kayong relasyon, and yet, nasasaktan ka na." nakakaunawang hinawakan siya nito sa kamay.
   Naging mahirap na para sa kanya ang magsalita, masakit na ang kanyang lalamunan sa pagpigil sa emosyong nararamdaman. Guato niyang umiyak, ilabas ang lahat ng sakit.
   Pero hindi niya magawa.
    Awtomaktiko niyang inabot ang basong nakapatong sa kalapit na mesa. Walang tanong na nilagok niya ang laman niyon. Huli nang matuklasan niyang alak ang laman ng baso.
   Gumuhit ang mainit na likido sa kanyang lalamunan, dama niya hanggang sa sikmura ang init. Hindi siya umiinom, not even socially, ngunit kahit hindi niya nagustuhan ang lasa ng alak na nilagok, iyon lang ang nakita niyang outlet upang mailabas ang nadaramang paghihimagsik sa dibdib.

   "Bigyan mo pa ako ng isang shot," sabi niya nang makita si Allan.

   Akma siyang pipigilan ni Teddy ngunit agad itong nagpaawat nang tapunan niya ng nagbabantang tingin. Ikaapat na shot na ang hawak niya nang maglakas-loob itong magsalit.

   "Tama na iyan, Noelle. Alam mo namang hindi ka umiinom."

   "Now ia the right time to learn, the best time. Don't you think so?" isang napakatamis na nguti ang ipinagkit niya sa mga labi, ngiting pahat sa sinseridad.

   "No, i don't think so. Nagpapakatanga ka, Noelle... Nawawalan ka ng respeto sa sarili mo."

   Gustuhin man niyang magalit sa narinig, hindi niya magawa. Nanlalabo na sa kanyang paningin ang mukha ng kaibigan. Nahihirapan na rin siyang magsalita ng deretso.

   "We both know you're hurting pero hindi ito ang tamang paraan to get over the pain." patuloy ni Teddy.

   "Son't worry about me, Lola. I am a big girl."

   "But, Noelle."

   Walang nagawa si Tedfy nang muli niyang ilapit ang baso sa bibig.
   Nagulat siya nang isang kamay ang mabilis na pumigil sa kamay niyang may hawak na alak.
   Mapait siyang ngumiti nang malingunan si Arnold.

   "Oh, hi, Direk. Would you like to join us?" pinigil niya ang isang sinok na kumawala, pero nakaalpas na iyon bago pa man niya naitakip ang isang palad sa tapat ng bibig.

   "Stop it, Noelle." malamig na utos ng lalaki.

   "Why would I? Nagkakasiyahan pa kami, hindi ba Teddy? Isa pa, nakakalimutan mo yatang wala na tayo sa teatro. Dito, hindi na batas ang anumang sabihin mo."
    Pilit niyang kumawala mula sa kamay nitong nakahawak sa kanya ngunit sadyang mahigpit ang lagkakayapos ng mga daliri nito sa kanyang pulsuhan.
   Halos kalahati sa laman ng baso ang natapon sa kanilang pagpipilitan.

   "Look what you've done!"  bulalas niya nang masabuyan ng alak ang blusang suot.
   Marahas siyang tumayo upang tuyuin ang sarili ngunit sa biglang mosyon ay umikot ang kanyang paningin.
   Naging maagap naman ang mga kamay ni Arnold. Inalalayan siya nito sa mabuway niyang pagkakatayo.

   "Easy."

   "Let go of me." pilit niyang inaalis ang kamay nito pero sadyang malakas ang binata.

   "I won't, until you get hold of youself. This is foolish, Noelle." turan nito.

   "You're right, this is foolish. So why don't you stop acting like you care, and go back to Vixie where you belong?"

    Hindi na niya ngayon malaman kung ang kanyang lalamunan ang masakit o ang kanyang mga mata.
   Nakita niya ang pagkilos ng mga panga nito sa pagpigil ng galit. Nakaramdam siya ng kaunting takot.

   "Let's go, Noelle. Ihahatid na kita."

   Hiniklat niya ang braso mula sa kamay nito, sa wakas ay napagtagumpayan niya iyon.

   "Please excuse us," narinig niyang pasintabi nito sa nakamatang si Teddy. Iyon lamang at halos pakaladkad na siya nitong inilayo sa mga kasamahan.

   "How dare you lay your hands on me!" singhal niya sa binata, sa pagitan ng tikom ngunit nagngangalit na ngipin. Nawala ang epekto ng kalasingan.

   "Noelle, please."

   "Hoy, Mister, kung inaakala mong hanggang dito sa labas ay magagawa mo akong utusan, magkakamali ka. Dahil wala na tayo sa teatro.  Hindi ka na direktor at hindi na ako artista. You can't order me around anymore."

   "You're right. Wala na tayo sa teatro, pero bakit kailangan mo pang patuloy na magkunwari?"

   "I don't know what you're talking about."

   "Why, Noelle? Bakit kailangan mong gawin ang mga bagay na ito?"

   Guato niyang sabihin na ito mismo ang dahilan. Guato niyang isumbat dito na ang kanyang puso. Pero may karapatan ba siya para gawin iyon?

   "Just leave me alone, Arnold."

   "I can't, Noelle. Humiling ka na lang ng iba, huwag lang iyan. Hindi ko na magagawa."
   Nagbuntong hininga siya, hindi niya naiintindihan ang isinagot ng binata. Masyaso nang umiikot ang kanyang paningin, mahihirapan na rin aiyang mag-isip nang tuwid. Tinangka niyang ihakbang ang mabuway na mga tuhod ngunit tila aiya kandilang nauupos na muling napasandig lamang sa malapad na dibdib nito.

   "I'll take you home."

     Wala na siyang lakas para tumutol sa anumang gusto nito. Iginiya siya nitong palapit sa kotse. Walang imik siyang lumulan.
    Nang makaupo ay inihilig niya ang ulo sa sandalan upang mabawasan ang pagkahilo kahit kaunti.
    Ngunit namigat ang talukap ng kanyang mga mata at tuluyan na siyang nakatulog.
  

Huwag Mong Husgahan Ang PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon