CHAPTER TWO

5.3K 96 0
                                    

  Precious Heart Romances

"TAMA ba ang narinig kong balita, Teddy, may bago na tayong director?"
   Bahagya pang sumihingal si Noelle sa labis na pagmamadali. As usual, sampung minuto na siyang late na naman sa call time.
   Siguro, kung magkakaroon ng award para sa titulong Best in Tardness, tiyak na siya ang mananalo.
   Maraming beses na siyang nahuli sa call time. Kahit siya mismo'y hindi na makaalala sa dami ng bilang.

   "Correct ka riyan, sister." sinalubong siya ng halik sa mga labi ni Teddy.

   "Sino raw?"

  "Hindi ko pa knows. Wala pa kasing nakakakita sa kanya."

   "Paano ka naman nakasiguro sa balita?"

   "Direk’ kasi ang narinig ni Agnes na bati ni Prof sa kasama ni Boss Andrew."

   "Hindi ba kilala ni Anges ang taong iyon?"

   "Hindi, eh. Ngayon lang daw niya nakita dito."

   Kung sa bagay, marami pa naman talagang hindi kakilala si Agnes sa mundo ng teatro. Kailan lamang naman kasi ito nagsimulang sumali-- sali sa grupo nila.

   "Eh, nasaan na ang ating bago nating director?"

  "Malamang na kinakausap pa ni prof. Kanina pa nga daw sila sa loob ng private office."

  Labing limang minuto pa silang naghintay bago nila narinig ang anunsiyo ni Agnes.
  Isa--isang pumasok ang lahat ng may kaugnayab sa production sa isang malaking conference room.
   Nasa gawing likuran si Noelle ng dalawang kasamahang lalaki na may kalakihan ang katawan. Hindi naman niya gustong pumuwesto sa harapan ng nga ito dahil hindi siya ganoon kainteresado sa pagkatao ng bagong direktor.
   Hindi niya mapaniwalaang napilitan siyang gumising nang maaga para lang i--welcome ang bago nilang director. Late riser pa naman siya, hirati nang bumangon kung kailan mataas na ang araw.
   Ang bilin daw bg producer ay kailangang naroon silang lahat. Pero hindi naman nito sinabing bawal mamasyal ang isip. Na siya niya ngayong ginagawa.

   "Thank you for coming here today, guy's," ang tinig ng kanyang producer ay may--ari ng theater.  "Today is the official starting today of our new stage director."

   Hindi napigilan ni Noelle ang pagtakas ng isang hikab, mabilis niya tuloy na naitakip ang isang kamay sa bibig. Subalit napalakas yata ang hikab niya dahil lumingon ang dalawang lalaking nasa unahan niya.
   Kibit ng balikat ang isinagot niya sa mga ito. Eh, ano ba ang magagawa niya kung inaantok pa siya? Hindi naman yata tamang pigilan niya ang paghihikab pagkatpos ng isinakripisyong paghinga.
   Nakaramdam siya ng pagrerebelde, nananadyang itinaas niya pa ang dalawang kamay at umaktong mag--iinat. Nanlalaki ang nga matang siniko siya ni Teddy para sawayin.
   Sinimangutan niya ang kaibigan at ipinatong lamang ang dalawang braso sa ibabaw ng dibdib.
  Umalingawngaw ang bulungan ng lahat sa sinabi ng producer.

   "Please welcome to our new director. . . Your new director, Arnold Karantang."
   Kasabay ng palakpakan ang isang makahulugang ngiti sa kanyang mga labi nang marinig ang sinambit na pangalan ng producer. Karantang?, tuya niya sa isip. How weird!
   Sumilip siya sa pagitan ng dalawang lalaking nasa harapan niya upang sipatin ang bagong director. Kasing-- weird kaya ng pangalan nito ang hitsura? Hindi na siya magtataka kung sakali.
  Pumasok mula sa isang bahagi ng silid ang lalaki, humarap sa kanila. Biglang nanlaki ang mga mata niya nang mapagsino ang bagong direktor.
   Si Arnold na kaibigan ni Andrew, ang lalaking ipinahiya niya sa harap ng madla.
  Right here and then, gusto niyang maglaho sa kinatatayuan. Sinasabi na nga niyang hindi magandang gumising nang maaga. Naramdaman niyang pinanawan ng kulay ang kanyang mukha.
   At hindi pa man, kinakabahan na siya sa napipintong paghihiganti ng lalaki!

Huwag Mong Husgahan Ang PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon