Chapter Three

2 6 0
                                    

A/N:Sorry for those grammatical errors.Peaceyow!
Enjoy reading:)AHEHE.

"Erson's POV"

Unti unti ko na ngang inaayos ang sarili ko gaya ng sinabi ni Mama.Nag-aaral na ako ng mabuti.May limit narin yung pagtatambay ko sa com shop.At lahat ng ito ginagawa ko para kay Eya.Gusto ko na maging proud siya saakin.Swerte ko nga sa kaniya eh kasi matalino na siya mabait pa tapos idagdag mo pa yung ganda niya.Saan ka pa,diba?TOTAL PACKAGE.Mahal na mahal ko siya at gagawin ko lahat para sa kaniya.Para to sa future namin.

Kahit na masyado siyang bitter, papatunayan ko sa kaniya na totoong may Forever.KAMI,Kami ang magpapatunay na may forever.

Alam ko na marami pa kaming mapagdadaanan,pero nananalig at nagtitiwala ako na malalagpasan rin namin yun dahil mahal namin ang isa't-isa.Sabi nga nila,Love can conquers everything.

3years.Sa relasyong ganiyan na ang itinagal,hindi na dapat pang bumitaw.

Halos naging maayos ang relasyon namin kahit na hindi kami laging magkasama.Sinunod ko yung payo ni Mama na laging maglaan ng oras sa kaniya at sa pag-aaral ko.

Minsan,ang nagiging dahilan lang naman ng away namin ay ang oras namin sa isa't-isa.Minsan kasi madaling araw lang siya free tapos shempre ako naman ay busy kaya hindi nagtutugma ang mga free time namin.Pero dahil nga love namin ang isa't-isa.Lagi parin kaming gumagawa ng paraan para magkaroon ng connection and communication. Communication ang pinaka-importante sa isang relasyon.

Naging maayos na muli yung grades ko hanggang sa dumating na yung bakasyon.May isang subject akong kailangang habulin at kailangan kong mag summer class.

Nga pala,April na rin pala ngayon.Ang bilis nga naman ng panahon.

Uuwi na si Eya at Meg dito sa Bulacan bukas para sa 2 months vacation. Maaga yung bakasyon nila kasi natapos nila ng maaga yung mga dapat nilang tapusin.I'm so excited to see her again.

Ilang buwan rin kaming hindi nagkita.Masyado na kasi siyang naging busy noon kaya sa video chat nalang kami lagi nakakapag-usap.Ayaw rin naman niyang magpabisita kasi sayang lang din daw yung biyahe ko.Pero bukas na bukas,finally uuwi na siya dito at magi-stay ng 2months.

"Nak,may pasok kaba bukas?"curious na tanong ni Mama.Nasa harap kami ng hapag-kainan.Dinner time na eh.

"Opo Ma.May Summer class kasi ako at bukas yung start nun.Bale 2 months din yun tapos sa July bakasyon namin and then august pasukan na ulit for 4th year college.Grabe Ma,noh?Malapit na akong makagraduate!" aniya ko tsaka ako ngumiti sa kawalan.

"Anong oras ba pasok mo?" curious ulit na tanong nito.

"Bale 7am to 10am,Ma.Isang subject lang naman yung isa-summer class ko eh."mahinahong sagot ko.

"Anong oras uwi ni Eya sa kanila?Nak,diretso bahay kana after ng klase mo ha?Tulungan mo akong magluto para sa lunch bukas.Gusto ko na dito maglunch si Eya!" nakangiting sabi ni Mama."Tsaka pagbutihin mo yang pag-aaral mo Nak,ha?Para naman maging sulit yung paghihirap ng Papa mo sa ibang bansa.At tsaka alam mo yung Papa mo,gusto nga eh ikasal na kayo ni Eya.Parehas talaga kami ng Papa mo na sobrang bet si Eya sayo!"dagdag pa nito.

OFW si Papa sa ibang bansa. Nagtatrabaho siya sa Hong Kong as a driver ng isang kompanya doon.Bale isang taon na rin siya doon.

"Sige Ma,susunduin ko si Eya sa bahay nila bukas para dito na maglunch."tugon ko.

The Game Of LoveWhere stories live. Discover now