Chapter Seven

5 4 0
                                        

Sorry for those grammatical errors and typos.Enjoy reading:)

"Erson's POV"

Bigla nalang tumulo ang mga luha ko habang inaalala yung mga nangyari kahapon.

Nakakainis.Naiinis ako sa sarili ko. Sana hindi ko sinabi yun.

Natutuwa naman talaga ako na narito siya eh,siguro nagawa ko lang siyang sungitan dahil baka sa ginawa niya eh kung ano namang mga pang-aasar ang ibabato nila saakin.

At kailan pa ako natutong intindihin ang sasabihin ng iba?

Ang tanga ko.

Sobrang gago ko.

Napahawak ako ng mahigpit sa manibela ng kotse ko tsaka nagsimula ng magdrive pauwi sa bahay.

Buti nalang hindi pa nakikipag-break si Eya saakin.Alam ko na nasaktan ko siya.

Kasi diba nag-effort siya,tapos sinungitan ko lang siya.

Ni hindi nga niya agad ako sinermunan kahit na alam na niyang may nagawa akong kalokohan at kamalian.Ni hindi niya ako sinumbatan na BI ang mga barkada ko.Pero anong ginawa ko?Sinagad ko yung kabaitan niya.

Na imbes na ma-appreciate ko yung effort niya na pagbisita at pagbigay ng shirt,nagalit pa ako sa kaniya.Na minasama ko pa yung pagdalaw niya saakin sa com shop.

Nakakainis talaga.

Nasa biyahe na ako ngayon papunta sa kanila.Mga sampung minuto rin ang naging biyahe ko dahil narin matraffic din dito saamin.Ipinark ko na yung kotse ko sa may gilid tsaka binuksan yung gate nila.Pumunta ako doon sa may bakeshop nila tsaka ko nakita si Tita na nag-aayos doon.

"Tita,si Eya po?"seryoso kong tanong.Hindi ako sinagot ni Tita,sa halip lumapit ito at tinitigan ako ng seryoso.

"May problema ba kayo?" seryosong tanong ni Tita.Hindi ako sumagot at napayuko pa ako.

"Alam ko na umiiyak si Eya pagkauwi niya dito kahapon.Ano nga ba talagang nangyari?"seryoso paring tanong ni Tita.

Iniangat ko na ang ulo ko at malungkot na hinarap si Tita.

"I'm sorry,Tita.I hurt your daughter by my own words!"sinserong sabi ko.

It was my fault.Sana nagpakumbaba ako.Sana hindi ko iniisip yung ibang tao.Sana mas naisip ko yung pagmamahal na meron ako para kay Eya.

"At bakit mo naman ginawa yun?" napataas ang tono  ng pananalita ni Tita kaya alam kong nainis na din ito saakin.

"Sorry po talaga Tita.I didn't mean it.But I did.I hurt her.I'm a real jerk and I hate myself for hurting her." naiinis kong sabi.Naiinis ako sa sarili ko.

"Siguro nga tama ka.Isa kang jerk para saktan ang----" hindi na naituloy ni Tita yung sasabihin niya nang pigilan siya ni Eya.

"Ma,stop it.Don't hate him.It's just a misunderstanding!" pigil ni Eya sa Mama niya.

"I just want to tell him that he's a jerk for hurting a lovely woman like you!"seryosong sabi ni Tita.

Kapag talaga seryoso ang usapan, napapa-english nalang kami ng wala sa oras.

"But I really love this jerk in front of us." seryosong tugon ni Eya tsaka ko nakitang lumuluha na ito.Lumapit agad ako sa kaniya tsaka siya niyakap ng mahigpit.

The Game Of LoveWhere stories live. Discover now