Sorry for those grammatical errors and typos.
"Eya's POV"
Wow parang fiesta.Pagkauwi na pagkauwi ko sa bahay,mga foodams agad ang bumungad saakin.At tsaka ang daming tao dito sa bahay.Mga relatives,friends at mga kapitbahay namin.Ganiyan si Mama every new year,nagpapakain.Madami kasi siyang niluluto every new year.Pumunta muna ako sa kwarto ko tsaka nagbihis ng pambahay.Mamaya pupunta si Erson dito kasi tutulungan niya si Papa sa pagdeliver ng mga order na cakes sa mga suki namin.
Gawain niya yun every year eh.Lagi siyang sumasama kay Papa para magdeliver.
"Ate,kain kana!"aya ni Erielle na kasalukuyang nasa hapag-kainan at kumakain.
"Sige!" pagsang-ayon ko tsaka umupo sa may tapat niya.Kumuha ako ng plato tsaka ko nilagyan yun ng maraming foodams.Sarap talagang kumain.
Pagkatapos kong kumain,tumambay ako sa bakeshop namin tsaka tinulungan ko si Mama sa paglagay ng mga cake sa mga kahon para sa delivery mamaya.
After naming malagay sa kahon yung mga cakes,nilagyan namin yun ng mga ribbon.After naming matapos ni Mama yung pagbabalot...Saktong kararating lang ni Erson.
Niyaya muna siya ni Mama na kumain sa loob tapos after niyang kumain,umalis na sila ni Papa.Ni hindi manlang niya ako kinausap.
Akala ko ba okay na kami?Tumambay nalang ako ulit dito sa bakeshop tsaka medyo nag-ayos ayos na rin dito.
"May problema ba kayo?Bakit parang hindi kayo nagpapansinan?" takang tanong ni Mama.
"Okay lang kami,Ma." Yun nalang ang tanging naisagot ko para hindi na siya mag-alala pa.
Mga dalawang oras rin akong natambay dito sa bakeshop bago nakabalik sila Erson dito.
"Ang dami nating deliver ngayon noh Tito?Mas nakakapagod ata yung byahe natin ngayon.Pero sulit naman kasi hindi traffic." natatawang sabi ni Erson habang naglalakad sila ni Papa palapit saamin ni Mama dito sa may bakeshop.
Binigay ni Papa kay Mama yung mga binayad nung mga suki tsaka niya ako tiningnan.
"Eya,napagod si Erson sa pagtulong saakin.Masahiin mo naman!" seryosong sabi ni Papa.Seriously?
"Pa----" tutol ko sana sa sinabi niya kaso bigla nalang akong hinila ni Papa at pinalapit kay Erson tsaka sila natatawang umalis at iniwan kami rito.Mga baliw na ata magulang ko.Hays!
"Ano pang hinihintay mo?Masahiin mo raw ako!" seryosong sabi ni Erson.Nakakainis talaga. Pinagtitripan ba nila ako?
"Oo na."inis kong tugon.Nakita ko namang napangisi ito.
Naiilang kong inilagay ang mga kamay ko sa balikat niya tsaka nga siya minasahe.
"Maiba tayo,babe.Bakit hindi mo ako pinansin kanina?" seryosong tanong ko.
"Wala lang.Naiinis parin kasi ako doon sa lalaking sinamahan mo nun." aniya tsaka biglang napabeast mode.
Speaking of Kyle.... Dapat ko bang sabihin sa kaniya na may gusto saakin yung taong yun na akala ko kaibigan ko lang.
Pero boyfriend ko siya.May karapatan siyang malaman ang tungkol doon.
"Ah...Babe,tungkol nga pala sa lalaking yun.Siya si Kyle... At nung christmas party umamin yun saakin na may gusto daw siya saakin!" pag-amin ko.
"ANO?"madiin nitong wika."Oh?Eh anong ginawa mo?" naiinis nitong tanong.
"Akala ko friends kami kaya nung niyaya niya akong sumayaw umoo ako.Eh nung sumasayaw na kami doon siya umamin.Kaya iniwan ko siya sa dance floor tapos ayun nalungkot yung tao." pagkikwento ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/161735829-288-k584201.jpg)
YOU ARE READING
The Game Of Love
RomanceLove is like a GAME. Why? Because in love...Sometimes you can win or lose. Just like in a game it's either you win or lose.But always remember that Love and Game needs a genuine play.Always Take Note:Don't cheat!!! Ehem😂Ehem😂 Please support this s...