"Eya's POV"
Nakakainis.Sabi niya bibisitahin niya ako dito sa Manila pero gabi na eh wala parin siya.Tsss!Busy na naman siguro yun doon sa com shop at mas inuna pa ang laro kaysa sa makita ako.Nangako siya saakin na bibisita siya rito sa apartment namin ni Meg pero wala parin siya.Mukhang mas pinili na naman niya ang laro niya kaysa sa pagcelebrate namin ng Anniversary namin.3 years na kami pero hindi parin siya nagbabago. Siguro kung maganda lang ang boses ko baka matagal ko na siyang kinantahan ng Dota o Ako?Pero paano nga kaya kung papiliin ko yung mokong na yun kung ako ba o ang mga laro niya?Siguro mas pipiliin niya yung laro niya noh?O baka naman mas ako ang pipiliin niya?Hello laro lang yung mga yun,ako eto buhay na buhay.Alangan naman mas pipiliin niya yun kaysa sa 3years naming samahan.Pero naiintindihan ko naman siya eh.Bago ko siya piniling mahalin,tinanggap ko na yung pagiging gamer niya.Atleast hindi mga babae ang nilalaro niya diba?Atleast kahit na puro siya laro,ako lang ang mahal niya diba?Pero kahit ganoon parang nakakalungkot parin na parang sa relasyon na to,ako lang yung nag-eeffort.Ang lapit lapit lang ng Manila sa Bulacan.Sana manlang nag-effort siyang magcommute o magdrive ng kotse niya.Ang tamad talaga nun,kainis.
"Bes,may nakaparadang kotse sa labas.Kanina pa nagbubusina!"OA na sigaw ng bff kong si Meg.Natigil ako sa pagmomonologue ko nang marinig ko yung sigaw niya.Nakatayo si Meg sa tabi ng bintana at sinisilip yung kotseng yun sa tapat ng apartment namin.
"Bes,mukhang si Erson yan.Dali na labasin mo na para hindi sayang yung outfit mo."kilig kiligang sabi niya tsaka niya ako hinila sa labas tapos pinagsarhan ng pinto.
Kabastos ng batang yun.Hindi ba siya tinuruan ng good manners and right conduct?Ay oo nga pala classmate kami since elementary kaya sure akong naturuan siya nun kahit papano.
"Enjoy!"rinig kong sigaw nito mula sa loob.Napairap nalang ako sa kawalan.Pinagsaraduhan na ako ng magaling kong bestfriend.No choice ako.Talagang kailangan kong sumama kay Erson sa kung saan para naman hindi na din masayang tong outfit ko.Naka fitted dress ako na kulay pula.Nakasuot din ako ng red flat shoes.Naka lipstick lang ako tsaka powder.Actually,February 14 ngayon.Araw ng mga puso.Sinagot ko siya ng mismong date na yan kasi hindi talaga ako naniniwala sa araw ng mga puso na yan.I just thought na kapag Valentines naging kami eh baka makain ko yung thought ko sa Valentines Valentines na to.Si Meg kanina pa nakapag celebrate ng Valentines niya.Niyaya siya ni El sa
Resto kanina.Sabado kasi kaya walang klase.Free day ganern!Kung bakit kasi late tong date ko?Edi sana nakidouble date nalang kami kila Meg para naman maki-echoso na rin sa kanila."Babe,I'm sorry natraffic lang ako!" narito na pala siya sa harap oo ngayon.
"Hala sino yung nagsasalita?Omooooo may mumu ba dito?"kunwa kunwaring takot takutan na sabi ko.
"Babe,I'm sorry.Please pansinin mo naman ako!"sincere nitong wika.Bakit parang mas gumwapo pa siya lalo?Lakas ng dating ng porma niya.Ang astig.Ngingiti sana ako kaso naalala kong galit pala ako.Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa.
"Hay naku ke pogi poging nilalang naman neto"napahawak ako bigla sa bibig ko.Letcheng bunganga to pati ba naman yung nasa isip ko nabanggit niya.
Napangisi ito saakin."Ahaha ayieee sa wakas pinansin na rin ako ng Babe ko"nakangiting sambit nito habang tumatawa.Kakyut naman po neto. Ahehe!
"Hoy shunga dapat mainis ka sa kaniya hindi yung puro ka papuri sa kaniya."sa isip ko
"Happy Anniversary Babe!"nakaluhod na pala ito at may hawak na one dozen of roses.My favorite flowers. Naku Naku alam na alam talaga ng lalaking to kung paano ako lambingin noh?
Ane be yen...Wala na.Naakit ako ng one dozen of roses.
"Okay fine.Happy Anniversary Babe!"aniya ko kasama ng fake kong ngiti.Gusto kong maging masaya pero sa tuwing maaalala ko na late siya eh hindi ko magawang ngitian siya.Pero dahil sa sobrang pagmamahal ko,agad ring napawi ang galit at inis ko.Kinuha lo na yung roses tsaka ko siya inalalayang tumayo.Pagkatayo na pagkatayo niya,niyakap ko siya ng sobrang higpit.

YOU ARE READING
The Game Of Love
RomanceLove is like a GAME. Why? Because in love...Sometimes you can win or lose. Just like in a game it's either you win or lose.But always remember that Love and Game needs a genuine play.Always Take Note:Don't cheat!!! Ehem😂Ehem😂 Please support this s...