Again,Sorry for those grammatical errors and typos.Enjoy reading:)
"Erson's POV"
Ang paglalaro pala ay parang droga din,nakakaadik.
Akala ko tapos na ako dito.
Pasukan na ulit pero parang nakakulong na naman ako sa paglalaro.
Nakakalimutan ko na naman ang mga priorities ko.
Masyado na naman akong nagiging selfish... To the point na nakakalimutan ko ng kamustahin at kausapin si Eya.
Again and again,I chose my game over her.
Hindi na ako nakakapag-isip ng tama ngayon,kung kailan malapit na akong grumaduate tsaka naman ako bumalik sa pagiging adik ko sa laro.
May Halloween Party kami kahapon sa School pero hindi ako dumalo.Wala akong panahon para makipagkaisa sa mga bagay na walang kwenta.
Malapit na rin palang mag-christmas. Lagot!Uuwi si Eya dito sa Bulacan sa New Year.
Pero kahit anong pigil at control ko sa sarili ko,wala na.Talagang nakapako na ako sa paglalaro.
Dumating na nga yung kinatatakutan ko,bumisita ulit yung Prof ko sa bahay at binalita niya kay Mama na may tatlong subjects akong maibabagsak kapag hindi pa ako nagtino.
Nagpapasa ako ng mga projects pero laging late tapos rush pa,kaya minsan pangit ang nagiging kakalabasan.
Narito ako ngayon sa bahay,nakaupo sa may sofa habang pinapanood si Mama na nakatayo sa harap ko at nagpipigil ng galit.
"BAKIT?"madiin nitong tanong.
"Akala ko ba nagbago kana?Bakit Ka ulit nagpabaya?"nagpipigil sa galit na tanong ni Mama.
Hindi nalang ako nagsalita.Alam ko na deserve ko lahat ng mga sermon ni Mama.
"Binalaan na kita,diba?Ano nalang ang sasabihin ni Eya kapag nalaman niya to?Alam mo ba na sobrang nagtitiwala sayo yung tao.Please Anak,bumawi ka.Alam mo ba na sobrang nagsasakripisyo yung Papa sa ibang bansa para mapaaral ka.Anak,please tigil tigilan mo muna ang laro at pakikipag-barkada mo.Please Anak,magtino ka na ulit.Malapit ka ng grumaduate eh." panenermon ulit ni Mama.
"SAAN BA AKO NAGKULANG,NAK?" seryosong tanong niya.
"At tsaka bakit daw hindi ka sumali sa Halloween Party niyo?Yan tuloy imbis na madagdagan grades mo,wala.Hindi ka kasi gumagawa ng paraan para makabawi.Para makapasa.Ang tali talino mo naman eh.Katamad mo nga lang.Hay naku...Hindi ko na talaga alam kung paano ka papatinuin.Sana narito yung Papa mo para alam niya kung among gagawin sayo.Kawawa naman si Eya sayo.At tsaka maaga ata akong mamamatay sa sama ng loob." malungkot na wika ni Mama tsaka ako iniwan at nagpunta na siya sa kwarto niya.
Ano nga bang nangyayari saakin?
Bakit ko ba to patuloy na ginagawa?
Pero hindi ko na ata kayang tumigil sa paglalaro ko.
"Be matured enough to handle everything,Erson.Know your priorities." bulong ko sa sarili ko.
Nagawa ko na yan dati.Pero bakit ngayon,parang di ko na magawa?
Pakiramdam ko tuloy di ko na deserve si Eya.
YOU ARE READING
The Game Of Love
RomanceLove is like a GAME. Why? Because in love...Sometimes you can win or lose. Just like in a game it's either you win or lose.But always remember that Love and Game needs a genuine play.Always Take Note:Don't cheat!!! Ehem😂Ehem😂 Please support this s...