Sorry again for those grammatical errors and typos.Enjoy reading:)
"Eya's POV"
Narito na kami sa bahay nila Erson. Sinalubong agad kami ni Tita.Agad niya akong niyakap.
"Kaganda talaga ng dalagang to,oo.Tara na sa loob at nakahain na ang pagkain."bungad agad ni Tita saamin.
"Ang ganda din po ninyo,Tita.Sige po Tara na sa loob.I'm so excited to eat all your specialty food." nakangiting tugon ko.
Pumasok na nga kami sa loob ng bahay nila at dumiretso na sa dining area.Hinilaan ako ni Erson ng upuan tsaka niya ako pinaupo.Sa tabi ko umupo si Erson at sa may tapat naman namin si Tita.
Kadaming foodams dito.Tiyak na magdiriwang ang mga alaga ko sa tiyan ko nito.
"Ano pong okasyon,Tita?Kadaming pagkain ah.Parang Fiesta!" manghang sabi ko.
"Wala namang okasyon Hija bukod sa umuwi ka dito saatin para magbakasyon.Kailangan nating i-celebrate ang pagbabalik mo dahil tiyak na kapag bumalik ka sa Manila eh matagal na ulit bago ka makabisita dito." masayang tugon ni Tita.
"Babe,Mama...pwede bang tama na muna ang dada at magsikain na tayo."sabat naman ni Erson.
Natawa naman si Tita.
"Sensiya naman daw Anak.Sadyang naging sabik lang ako dito sa future daughter in-law ko."natutuwang sabi ni Tita.
Hindi nalang siya pinansin ni Erson at nagsimula na kaming kumain. Nilagyan ni Tita ng sugpu yung plato ko.
Naku,eto na naman si Tita.Binibaby na naman ako.
"Favorite mo yan,diba?Niluto ko talaga yan para sayo!" saad ni Tita.
"Ma,kung makaasta kayo parang si Eya ang anak niyo ha?" reklamo ni Erson.
Tinawanan siya ulit ni Tita.
"Sus ang anak kong to talaga napakaseloso." tawang tawa na sabi ni Tita.
Napailing-iling nalang si Erson tsaka nilagyan niya ng kanin yung plato ko.
Grabe naman tong mag-inang to. Napaka-maasikaso sa bisita.Yung tipong nasobrahan na sa pag-aasikaso.
Tahimik nalang akong kumain ng pagkain na binigay ng mag-ina. Nilagyan pa ni Tita ng adobong manok at shanghai yung plato ko.
Sobrang nabusog ako sa mga pinakain nila saakin.Sobrang namiss ko rin ang mga luto ni Tita.
After naming kumain,sinamahan ko si Tita sa paghuhugas ng pinggan. Tinanggihan niya ang alok ko noong una pero nagpumilit ako.
Lumabas muna si Erson dahil nakikipag-video chat siya sa Papa niya.Super super close kaya yung mag-amang yun.
"Alam mo,malaki ang pinagbago ni Erson nitong mga nagdaang buwan. Hindi na siya laging nakatambay sa com shop at nagfofocus narin sa studies niya."masayang sabi ni Tita habang sinasabunan ng dishwashing liquid yung mga pinggan,habang ako naman ang tagabanlaw.
"Buti naman po Tita at narealize niya yung mga priority niya." nakangiting tugon ko.
"Kaya nga eh.Thanks to you!" aniya tapos nginitian ako ni Tita ng sobrang lapad.
Natapos na kami sa paghuhugas ng pinggan.Umupo muna kami ni Tita sa may sofa.
"Ikaw ang kauna unahang babae sa buhay ng anak ko.At alam kong mahal na mahal ka niya."seryoso nang sambit ni Tita.Bigla niyang hinawakan ang dalawang kamay ko. Mahigpit yun.Ngumiti na ito saakin.
YOU ARE READING
The Game Of Love
RomanceLove is like a GAME. Why? Because in love...Sometimes you can win or lose. Just like in a game it's either you win or lose.But always remember that Love and Game needs a genuine play.Always Take Note:Don't cheat!!! Ehem😂Ehem😂 Please support this s...