Chapter Twelve

7 4 0
                                    

"Erson's POV"

4th anniversary na sana namin ngayon.Nakakalungkot lang na wala na akong karapatan na batiin siya at puntahan siya.

Ako ang may kasalanan eh kaya parusa ko narin siguro to.

Wala akong mapuntahan ngayon. Ayoko muna sa bahay kasi hindi pa alam ni Mama na wala na kami ni Eya.At tsaka magagalit at magtataka yun kung nasa bahay lang ako tapos anniversary pa namin ngayon.

Pumunta ako dito sa com shop.Oo bumalik parin ako dito.Ang gago ko diba?Binalikan ko parin ang lugar na to.Ang lugar na naging dahilan ng aming paghihiwalay.

Naglaro ako ng ML.Narito rin si Carlo at naglalaban kaming dalawa.Ilang beses rin akong natalo sa laro namin pero ilang beses pa kaming umulit ni Carlo.Biglang sumingit si Tim sa gitna ng paglalaro namin.

"Ang hina mo naman Erson.Porque wala na kayo nung jowa mong KJ puro talo kana!"mayabang nitong hirit.Tumayo ako at hinarap siya ng seryoso.

"Anong sinabi mo?" inis kong tanong.

"Alam mo natutuwa ako na hiwalay na kayo nung jowa mong KJ.Finally!" nakangising sabi nito.

Nakakainis talaga tong gagong to eh.Ang yabang.Ang tagal ko ng nagtitimpi.Sinuntok ko siya ng buong lakas.

"Ayan ang nababagay sayo...."inis kong sambit."Hindi KJ si Eya"sigaw ko tsaka nagtuloy sa gusto kong sabihin. "Tandaan mo tong araw na to.I'm quitting to this group.Simula ngayon hindi na kita kaibigan.Bad Influence ka lang saakin,saamin." galit kong wika.

Bigla siyang natawa ng malakas.

"Hindi ka kawalan." nakangising sabi niya kaya sa sobrang inis ko sinuntok ko ulit siya kaya napaupo na siya.

"Hindi ka tunay na kaibigan.Diyan kana.Mabulok ka sa com shop na to,kasama ng mga walang kwenta mong barkada." inis kong sambit tsaka iniwan na siya.Tumayo rin pala si Carlo at nagbitaw rin ng salita.

"Ako din kakalas na ako sa grupo."inis ring sambit niya tsaka siya sumabay saakin sa pag-alis sa com shop na yun.

"Thanks Bro."tugon ko nang naglalakad na kami papunta sa parking lot.

"Wala yun.Hindi ko kayo inawat kanina kasi alam kong kayang kaya mo siya.Ang yabang niya.Matagal na rin akong naiinis.Ang kumalas sa grupo niya ang pinaka magandang nangyari sa buhay natin.Finally, natauhan rin tayo!" seryosong sabi niya.

After ng pagkalas namin sa barkadang walang kwenta na yun...pumunta kami sa isang restobar ni Carlo.Hindi kami umiinom pero sa tingin ko kailangan din namin to kahit paminsan minsan.Um-order kami ni Carlo ng dalawang beer doon sa bartender tsaka napatingin sa may harapan.May stage doon at may mga band group na nagpe-perform.

Ito yung pangarap ni Eya na business eh.Pati ba naman dito,naaalala ko parin siya.

BOSS yung name ng group nila.Sabi nung leader nila,pwede daw maki-jam  yung mga may talento sa mga instruments at pati na rin sa pagkanta.Nagkatinginan kami ni Carlo at mukhang nagkasundo kaming dalawa.Gusto naming makisama sa group na yun.After naming maubos ni Carlo yung beer namin,lumapit kami sa band na yun at nag-request kung pwedeng mahiram yung gitara nila at pumayag naman sila.Si Carlo yung naggitara at ako naman yung kumanta.

"The title of this song is Perfect" sabi ni Carlo habang nagi-strum sa gitara.

"Yeah.This song is for our ladies in life.They're perfect,it's our fault.Sorry."seryosong sabi ko habang nakahawak ng seryoso sa mic.

Huminto na muna si Carlo sa pagi-strum at nagsalita..."Jessica,I still loved you." hirit niya.

"Eya,please come back to me!"aniya ko tsaka namin sinimulan ang pag-perform.Nag-strum na ulit si Carlo at kumanta na ako.

The Game Of LoveWhere stories live. Discover now