CHAPTER 29

6.5K 116 0
                                    

(Luke)

Nang naramdaman kong dumating na ang babe ko ay bigla akong humarap. Nakitang kong naluha siya. Luha na ako ang may dahilan. Kung sana hindi nalang ako naging gago ay masaya pa kaming pamliya ngayon. At dahil na rin sa excitement ko ay agad akong tumakbo ay yumakap sa kanya.

"Babe" sabi ko pero isang malakas na sampal ang natamo ko sa kanya. Tama nga si Vincent. Hinding hindi magiging madali ang gagawin kong pagsasa-ayos ng pamilya ko. pero gagawin ko ang lahat maging maayos lang kaming pamilya.

"Wag na wag mo akong tatawaging babe" sigaw niya sabay pukpok sa akin kaya pati ako ay naluha na "Wag mo akong tawaging babe dahil ang tanga mo!" dagdag niya kaya niyakap ko nalang siya nang mahigpit.

"Sorry babe!" wika ko nalang kahit puro iyakan lang ang nangyayari sa amin.

(Kara)

Nakakainis lang dahil akala ko ay nakalimutan ko na siya. Pero nang makita ko siyang muli ay bumalik ang pagmamahal ko sa kanya. Alam kong hindi ko dapat ito ma-feel. Kaya lang heto ako at nakaramdam ng pangungulila sa kanya nang niyakap niya ako.

Pero hindi dapat ito manyari kaya kumalas ako sa kanya at hinarap siya.

"Sorry?" sa pagkakataong ito ay dapat ko nang ilabas ang matagal ko nang kinikimkim na sama ng loob sa kanya "Yang sorry mo ba ay maibabalik lahat nang sinira mo? Hahahahah" sarkastiko kong tawa "Yang sorry mob a ay maibabalik ang pinangarap kong pamilya? Yang sorry mo ay mapapalitan ng magandang alaala lahat nang ginawa mong kagaguhan ha!" sigaw ko "Yang sorry mo ba maibabalik lahat ng mga oras na kailangan ka ng mga anak mo bilang ama nila?"

Kahit na nakaluhod na siya ngayon ay niyakap ako sa bewang ay wala akong paki-alam dahil sobra-sobra ang pasakit na ibinigay niya sa amin ng mga anak niya.

"Alam ko" aniya "Alam kong naging gago ako. Please give me another chance para maayos ko lahat" dagdag niya

"Chance?" sigaw ko ulit "No more chance Luke!" wika ko sabay talikod. Buti nalang at bukas na ang pinto. Naroon si Vincent pero hindi ko nalang siya pinansin at nagmadaling lumabas.

(Luke)

Ngayon ko napatunayan na nasa huli talaga ang pagsisisi. Siguro ito na ang kabayaran ng lahat ng mga pasakit na naibigay ko sa pamilya ko.

"Tol halikana" wika ni Vincent na pinatayo ako mula sa pagkakaluhod ko.

"Tol ang sakit!" wika ko "Pero hinding hindi ako titigil hanggang sa hindi ko naayos ang pamilya ko!"

POSSESSIVE JERK SERIES 2: KARA AND LUKE (COMPLETED)Where stories live. Discover now