CHAPTER 26

6.8K 117 0
                                    

(Kara)

"Ma'am ito po ang kailangan ninyong pirmahan today" sabi ng secretary ko kaya kinuha ko ito at mabilis na pinirmahan.

Pagkatapos kong pirmahan ang lahat ng dapat kong pirmahan ay muling pumasok ang secretarya ko.

"Ma'am pasensya na po pero may gustong kumausap sa inyo" nagtaka ako sa sinabi niya dahil wala naman akong inaasahang tao ngayon sa pupunta sa opisina ko.

"Sino?"

"Ah. Ma'am sinabi niya pong kakausapin lang niya kayo kapag bumaba po kayo!"

Dahil hindi ko alam kung sino ang dapat kong kausapin ay tumango nalang ako at mabilis na bumaba.

(Vincent)

"Tol ikaw na muna ang kumausap sa babe ko please at ikaw na rin ang gumawa ng paraan para maka-usap ko siya" paki-usap sa akin ng kaibigan ko kaya 'di na ako nagdalawang isip na pumayag.

"Sige tol" dahil doon ay niyakap niya ako.

"Bading ka ba tol?' mabilis naman niya akong binatukan dahil sa sinabi ko.

"Anong bading? Baka ikaw!" singhal niya.

"Bahala ka! mag-isip kang mag-isa mo para maka-usap mo ang babe mo" gusto ko lang siyang asarin dahil gagawa siya ng paraan para mapapayag niya ulit ako.

Mabilis siyang lumapit sa akin at hinalikan ako sa pisngi kaya siya naman ang binatukan ko.

"Tarantado ka! Bakit mo ako hinalikan sa pisngi?"

"Para patunayan kong bading ako!" aniya kaya nagkatinginan kaming dalawa at tumawwa nang malakas.

At dahil nga pumayag ako ay gumawa ako ng paraan para maka-usap si Kara ay narito ako ngayon sa opisina ni Kara para maka-usap siya.

Pagkarating ko ay kina-usap ko ang kanyang secretary at sinabing kakausapin ko lang siya kapag bumaba na siya.

(Kara)

Dahil sa curious ako kung sino ang gustong kumausap sa akin ay agad akong bumaba para makita kung sino siya.

Nakita kong nakatalikod siya kaya hindi ko agad siya nakilala. Pero nang humarap siya ay agad akong nagulat.

Bakit siya? At anong ginagawa niya dito?

POSSESSIVE JERK SERIES 2: KARA AND LUKE (COMPLETED)Where stories live. Discover now