CHAPTER 20

7.3K 138 1
                                    

(Kara)

"Mahal na mahal mo talaga ang babe mo no?" tanong sa akin ni May habang papalapit kami sa pinto ng opisina ng asawa ko.

Tumango naman ako at ngumiti.

"Let's go" sabi niya kaya agad kong binuksan ang pinto ngunit iba ang inaasahan ko sa dapat kong maramdaman.

"What is the meaning of this Luke?" rinig kong pasigaw na tanong ni May.

Agad nilapitan ni May ang babaeng nakakandong sa asawa ko at agad iyon sinabunutan. Pinigilan naman siya ni Luke kaya mas lalo lang akong naiyak. Siguro nang mapansin na ng asawa ako ang presensya ko kaya agad siyang lumapit sa akin at niyakap.

"Babe please let me explain please!"

Kumawala naman ako at mabilis siyang sinampal.

"Bakit mo nagawa sa akin 'to Luke? Minahal kita!" hinahampas ko siya sa balikat "Mainahal ka namin ng mga anak mo pero ito lang ang igaganti mo!"

Umiiling naman siya at nagmamakaawang lumalapit pero isa lang ang sagot na hihingiin ko sa kanya ngayon.

"Choose" sabi ko na agad ding ikinatigil ni May sa paghampas pa rin sa babae ni Luke

"What do you mean babe?"

"Choose. Me and our family or that girl"

Kita ko ang paglunok niya kaya alam ko na agad ang sagot sa tanong ko.

"Okay. You don't have to choose. Alam ko na ang sagot. Don't worry ipapadala ko na ang annulment papers natin"

Kita ko ang pag-iling niya at paghawak niya sa kamay ko pero hindi ko 'yun pinansin dahil sa panggagago niya sa akin.

Pagkalabas namin ng opisina ay agad kong tinawagan si Sarah Wilson. Ang matalik ko ding kaibigan dati na attorney na ngayon.

"Hello Kara kumusta?"

"I need your help friend please!"

"Anything friend!"

Nang sabihin ko sa kanya ang plano ko ay agad siyang nagulat dahil hindi daw niya inaasahan ang mangyayari sa amin ni Luke.

Well, siguro ito talaga ang pag-ibig pagdating sa akin. Lagi nalang kasi akong niloloko ng minamahal kong lalaki. Ang kaibahan lang ngayon ay asawa ko na ang nanloko sa akin.

POSSESSIVE JERK SERIES 2: KARA AND LUKE (COMPLETED)Where stories live. Discover now