CHAPTER 37

6.3K 111 0
                                    


(Kara)

Nang makarating kami dito sa lugar kung saan naroon ang pamilya ko ay agad kong hinanap kung saan ang mga anak at asawa ko.

Maingat kaming pumasok at nasaksihan ko ang lahat nang mga nangyari sa pamilya ko.

Ang mga anak ko na panay galos din. Pero ang hindi mo makayang nakikita ay ang buong katawan ni Luke na puro na latay dahil sa latigo na hawak ni Roger. Maging ako ay nagulat na kasama si Roger sa dahilan kung bakit kami nagkahiwalay ng asawa ko.

"Ang bababoy nila" wika ko kay William na hanggang ngayon ay kasama ko.

"Wag kang maingay para hindi tayo marinig at mahalata na narito tayo!" paalala niya pero hindi ko talagang makaya ang nakikita ko kaya natabig ko ang isang lata na sanhi nang pagkakahalata sa amin na narito kami sa loob.

"Boss napasok tayo!!!!" biglang sigaw nang nakakita sa amin kaya mabilis kaming tumakbo ni William para magtago dahil sunod-sunod na ang putok ng mga baril.

Nang mapansin naming lumabas na lahat ng tao sa lugar kung saan naroon ang mga anak at asawa ko ay humanap kami ng tiyempo para mapasok sila.

(Kenneth)

"Shit nahalata na tayo!" sigaw ko kaya nakipagpalitan kami agad ng putukan para maubos na lahat ng mga taong nasa loob.

Buti nalang mabilis naming naubos ang mga tagapagbantay. Dahil na rin sa galing ni Drew na umasenta.

"Yun oh!!!" sigaw ni Vincent sabay tawa nang malakas kaya binatukan agad niya ni Kent.

"Kung makabatok kayo wagas!!!" kunwaring tampo niya.

Nang tinignan ko si Drew ay nakangiti lang siya. Kanina ay unti-unti na niya kasing napapatumba ang mga kalaban. Kaya nang makahalata silang narito kami sa loob ay kaunti nalang ang dapat naming patumbahin.

"Sinong nahalata sa inyo?" biglang tanong sa amin ni Kent kaya umiling kaming lahat.

"Ibig lang sabihin nito ay narito na sila William kaya kailangan nating magmadali"

Gaya nga nang sinabi niya ay mabilis kaming pumasok para matulungan namin ang mga kaibigan sa iba pang nasa loob. Lalo na sa dalawang magkapatid na baliw na 'yun.

(Kara)

Nang makapasok na kami sa loob ay mabilis naming kinalagan ang mga anak ko at si Luke.

"Dude gising!" wika ni William dahil nakatulog ulit si Luke dahil siguro sa lahat ng sakit na nararamdaman niya.

Nang magising siya ay napangiti siya ang makita ako "Babe" aniya kaya mabilis akong yumakap sa kanya at hinalikan sa pisngi "Tatakas tayo dito okay?" wika ko kaya tumango lang siya.

Biningyan naman siya ng damit at short ni William na inalis niya sa ibang mga lalaking nakita namin kanina. Nang mapansin niya kasing walang suot si Luke ay inalisan niya ng damit at short ang lalaki kanina para daw may maipasuot siya kay Luke na kaibigan niya.

Nang makapagbihis siya ay yumakap kaming apat sa kanya.

"Daddy sorry for everything that we have said!" sabi ni Khoper

"Sorry daddy!" sabi ni Tyra

"Daddy sorry po" this time si Claxx naman ang nagsalita.

Siya naman ay hinalikan lang ang noo ng mga anak namin pati ako.

"Magsisimula tayo hah?" sabi niya kaya tumango ako.

Ngunit isang tao ang nagsalita sa likod namin.

"What a nice family reunion!" sa boses palang ay alam ko ng si Roger yun.

"Oh My God this will be a nice family bonding dahil sabay-sabay din silang mamamatay kasama ng kaibigan nila!" mabilis kong tinignan si William at nakita kong nawalan na ito ng malay kaya susugod sana ako pero tinutukan ako ng baril ni Roger.

''Wag kang magtatangkang gumalaw dahil kung hindi patay kayong lahat!" aniya sabay tapon ng isang bagay kaya nawalan kami ng malay lahat maliban sa kanila.

POSSESSIVE JERK SERIES 2: KARA AND LUKE (COMPLETED)Where stories live. Discover now