CHAPTER 27

6.8K 112 0
                                    

(Vincent)

Pagkakita niya sa akin ay agad siyang natigilan. Kahit sino naman siguro kapag nakita mo ang kaibigan ng dati mong asawa ay ganito din ang reaksyon.

At dahil natigilan siya ay nakita kong balak niyang tumalikod pero agad kong hinawakan ang braso niya.

"Kara mag-usap tayo!" wika ko

"Anong ginagawa mo dito?"

"My father sent me here to talk to you about your family's business!" dahil doon ay natigillan siya.

Ang tanging way ko lang ay ang gamitin ang power ng pamilya ko para maka-usap siya. Oo, gusto kong maging independent sa buhay kaya nga nagtatrabaho ako kasama ni Dash sa isang restaurant na pagmamay-ari ni Dexter.

Pero sa mga ganitong sitwasyon ay nagagamit ko ang power ko bilang anak ng isa sa pinakamayaman sa bansang Pilipinas.

Kaya nang nirequest kong kailangan kong kausapin si Kara ay pumayag ang daddy ko na i-meet ko siya. Tago nga ang kanilang kompanya dito sa Australia pero dahil magkumpari ang daddy ko at daddy ni Kara ay nakagawa ang daddy ko ng way para maka-usap ko si Kara. At 'yun ay ang kausapin siya tungkol sa business.

"What about my family's business?"

"Pinapunta ako ng daddy ko dito dahil kailangan mo daw ng tulong dito sa Australia. At dahil magkumpari ang both daddies natin ay ako ang pinayagan niyang mamahala kasama mo dito!"

Kita kong kumunot ang mukha niya pero hindi lang 'yan ang dapat niyang malaman. Baka mas magulat siya 'pag nakita niya ang isa pa naming kasama "Are you out of your mine Vincent? Ang tagal ko nang namamahala dito sa Australia at malago naman ang business namin dito. Tapos ngayon ay sasabihin mong pinadala ka ni dad dito ppara tulungan mo ako?"

"Kung gusto mo call your dad para makasigurado ka na totoo ang sinasabi ko!"

(Kara)

Talagang sa sobrang galit ko ay nasinghalan ko si Vincent na naging mabait sa akin no'ng nagsasama pa kami ni Luke.

Gaya nga nang sinabi niya ay tinawagan ko ang daddy ko.

"Hello daughter" bungad ni dad

"Hello dad. Is it true.....?"

"Yes. I sent Vincent there to help you with our company!"

"But dad!"

"No buts Kara." Saad ng daddy ko saka agad binaba ang tawag.

Humarap naman ako kay Vincent at saka nagbago ang mukha ko dahil sa totoo lang sobrang close kami nito ni Vincent before.

"See?" aniya kaya wala na akong nagawa kung hindi ang tumango.

"Pasensya na at nasinghalan kita. Anyway kailan ka mag-uumpisa?"

Ang aming both daddies ay magkumpare kaya siguro nang malaman ng daddy ko na nahihirapan na akong mamahala sa kompanya dahil napapabayaan ko na minsan ang mga anak ko. Minsan nga may mga events silang hindi ko napupuntahan kaya siguro naisip niyang ipadala nalang si Vincent dito dahil close din talaga kami.

"Bukas! At one more thing may isang investor tayong kakausapin bukas!" aniya kaya natigilan ako. Sana nga hindi siya! At sana hindi ito gimik para makausap ko lang siya.

POSSESSIVE JERK SERIES 2: KARA AND LUKE (COMPLETED)Where stories live. Discover now