CHAPTER 9

9.4K 163 2
                                    

(Luke)

Dinala ko siya sa maliit na apartment na pagmamay-ari ko. Dito ako nakatira. Pinagawa ko 'to dahil ayokong mag-stay sa bahay. Naiinis kasi ako sa tuwing naglalambingan ang parents ko. Kung sana hindi lang niya ako iniwan ay ganun din kami.

Hindi ko alam dahil alam ko sa sarili kong iba na ang nararamdaman ko 'pag kasama ko si Kara. Parehas nang naramdaman ko ng kami pa ng ex ko.

"Bakit mo ako dinala dito?" ang ganda niya oo, pero ang bunganga niya kung bumuga parang mangangain.

"Ano pa 'di paliligayahin natin ang isa't isa" matapos kong sabihin 'yon ay binato niya ako ng unan na nasa sofa.

Tawa naman ako nang tawa dahil ang sarap niyang pagtripan.

(Kara)

Alam kong pinagtitripan niya ako kaya gusto ko din siyang pagtripan.

"Anong akala mo sa akin baliw na uulitin ang pagkakamaling nagawa ko!" dahil sa sinabi ko ay dumilim ang makuha niya.

"Bawiin mo ang sinabi mo!" aniya.

"Ayoko nga!" gusto kong magmatigas eh.

"Sabi nang bawiin mo eh!"

"Basta ayoko!"

"Bawiin mo!"

"Ayoko!"

Bigla naman niya akong binuhat papunta sa kwarto niya saka ako hinalikan. Noong una ay umaayaw ako pero gumanti na rin ako dahil gusto ko ang nangyayari.

Ngunit ang sumunod na nangyari ay hindi ko inaasahan. Bigla kasi akong nasuka at sa damit pa niya mismo tumapon.

"What the fuck? Bakit mo ako sinukaan?" dahil sa hilo ko ay hindi ko siya pinansin hanggang sa nawalan ako ng malay.

POSSESSIVE JERK SERIES 2: KARA AND LUKE (COMPLETED)Where stories live. Discover now