CHAPTER 4

10.6K 185 2
                                    

(Kara)

"Bes dun tayo umupo" turo niya sa kumpugang mga lalaki na sa palagay ko ay nag-iinuman.

"Bakit doon eh alam mo namang nag-iinuman sila"

"Andun kasi 'yong tropa kong lalaki na si Kenneth!"

"Eh ano ngayon kung nandoon siya? Ibag sabihin dapat nandoon din tayo!" sa halip na sagutin niya ako ay binatukan niya ako.

"Baliw ka talaga eh! Puro ka reklamo! Paano natin mahahanap ang ka-forever mo 'pag lagi kang kontra sa mga sinasabi ko!" siya naman ang binatukan ko dahil sa sinabi niya.

"Baliw ka talaga! Forever ka diyan.... Walang forever!" giit ko.

"Sa taong bitter!" aniya tapos kinaladkad na niya ako malapit sa mga kalalakihang nag-iinuman.

(Luke)

"Tignan mo pre oh" turo ni Vincent sa babaeng maganda na nakita namin kanina "para silang tanga. Magkaibigan sila siguro"

"Wait si May 'yon ah" singit ni Kenneth "isa sa tropa ko!"

"Babae tropa mo? Bading ka ba?" isang malakas na batok ang natanggap ni Vincent kay Kenneth dahil sa kabaliwang pumapasok sa isip niya.

"Anong bading? Baka ikaw dahil hanggang ngayon ay wala ka pang ipinakikilalang babae!" sumimangot naman si Vincent. Bading nga siya!

"Eh sa wala pa akong nabibihag na babaeng kakaiba eh!" aniya

Ako naman ang nagsalita "Kakaiba? Eh kakaiba ka na nga tapos kakaiba pa ang hinahanap mo? Naku pre baka anak n'yo yan maging alien!" nagtawanan naman ang tropa matapos kong sabihin 'yon.

"Tignan ninyo pre papalapit sila" sabi ni Xander na isa rin sa tropa ko.

Nang tinignan namin sila ay nakita kong papalapit nga sila kaya 'di ko maiwasang kabahan dahil malakas talaga ang hatak ng ganda niya.

POSSESSIVE JERK SERIES 2: KARA AND LUKE (COMPLETED)Where stories live. Discover now