CHAPTER 44

7.2K 110 0
                                    

See you soon on Kenneth's story (Possessive Jerk Series 3)

Last Chapter

__

(Luke)

Isang taon mula nang maayos ko ang pamilya ko ay nagpasya kaming dito nalang muna manirahan sa Australia para sa mga anak ko. Mas gusto din daw kasi nila na malapit sila sa kanilang papa Roger.

"Miss ko na ang mga apo ko!" sigaw ng mga lolo at lola nila dahil binisita nila dito sa Australia ang kanilang mga apo.

"Talagang kamukha ko siya!" wika ng daddy ko

"Hindi balae kamukha ko siya" hirit naman ng daddy ng babe ko.

"Mga gurang na kayo kaya umalis kayo diyan. Kami ang kamukha ng mga apo natin di ba balae?' masungit na sabi ng mommy ko kaya tinawanan lang namin sila.

Birthday kasi ni Claxx ngayon. Kaya nandito din ang tropa pati na ang mga ibang relatives namin.

"Mommy.... Daddy... halina po kayo at kain na tayo" tawag sa amin ni Claxx kaya inalaayan ko ang babe ko.

"Alaga talaga si misis dre ah!" nakakalokong sabi ni Vincent kaya ngumisi lang ako sa kanya.

"Syempre naman. Kaya kung ako sa'yo maghanap kana nang mapapangasawa mo!" wika ko pero umiling lang siya.

"Ayoko pa ng sakit ng ulo. Alalayan mo na lang si misis dahil kabuwanan na niya!" pahabol niyang sabi.

Tama kayo. Buntis nag misis ko ngayon sa aming ikaapat na anak. Babae ito. Niloloko nga ako ng mga kaibigan ko dahil ang lakas daw ng kamndag ko at mabilis kong nabuntis ang babe ko. Pero ang sabi ko nalang ay inipon ko talaga para mabilis ko siyang mabuntis.

Minsan naalala ko ang pambababoy sa akin ng mga kalalakihan dati, pero mabilis kong inaalis 'yun sa isip ko dahil mababaliw lang ako. Wala namang nawala sa akin dahil parehas kaming mga lalaki.

Nang makarating kami sa mesa ay nagsali-salo kami. Maliit lang na celebration ang nangyayari pero ramdam naman namin ang kasiyahan kaya okay lang.

(Kara)

Naging mabilis ang panahon. Dati akala ko hindi na muli kami masisiyahan ng mga anak ko pati na ako pero sa nakikita ko ngayon ay perpekto na muli ang pamilya namin.

Dinalaw na rin ng asawa ko ang puntod ng magkapatid saka ito humingi ng tawad. Maging ang mga anak namin ay panay ang punta doon sa tuwing namimiss daw nila ang kanilang papa.

Hindi naman namin sila pinagbabawalan dahil minahal naman talaga sila ni Roger ng sobra.

Pagkatapos ng celebration namin ng birthday ni Claxx ay nararamdaman kong sumasakit ang likod ko.

Panay naman ang alalay sa kin ng babe ko pero nang hindi ko na kinaya ay sumigaw na ako.

"Babe manganganak na ako!!!!!!!"

Kita ko namang nagulat ang lahat. Samantalang ang babe ko naman ay nakita kong naka-boxers lang ulit gaya ng dati kaya sinabihan ko siyang magbihis muna.

Todo alalay ng lahat sa akin hanggang sa nakarating na kami sa ospital.

POSSESSIVE JERK SERIES 2: KARA AND LUKE (COMPLETED)Where stories live. Discover now