(???):
Andito ako ngayon sa school. As ussual nakatingin lang naman ako sa labas at hinihintay na matapos ang klase. Excited man sa break time pero kasabay nang excitement ay yung kabang nararamdaman ko ngayon. Kakausapin kasi ako ng tatlong mga babae na nabangga ko kanina.
(Flashback)
Papasok ako sa bago kong school, dito ako pinatransfere ni papa para malapit lang daw sa bahay. Naglalakad ako sa hallway nang may nabangga akong isang babae. Natumba ako at naitapon yung dalang coffee sa uniform nung babae.
"Nako sorry sorry di ko sinasadya. Sorry po talaga kasalanan ko po sorry po," tumayo ako at akmang pupunasan sana ng panyo ko yung uniform nya nang bigla nyang tinabig ang kamay ko sa sobrang lakas ng pagkatabig nya sakin napahampas ang balikat ko sa pader. Nakakahiya kasi maraming tao ang nakatingin samin.
"Tanga ka ba?! Oh sinadya mo talaga to!" Hindi ako makatingin sa mukha nung babae kasi natatakot ako sa kanya.
"Tsk. Freak transferee ata beh. Palibhasa walang alam," tutulo na talaga ang luha ko dahil sa mga pinagsasabi nila.
"I hate those people messing up with me," dagdag pa nung nakabangga ko.
"Im sorry. Di ko sinasadya," pagsosorry ko ulit.
"Kung gusto mo talagang magsorry sakin, pumunta ka sa storage room sa third floor. Puntahan mo ko dun at humingi ka ng sorry," sabi nya. Medyo na tuwa ako sa sinabi nya para narin makahingi ako ng patawad in a nice way.
Tumango lang ako kasabay nun ay ang pagring ng bell para sa first period class.
"....kailangan mo talagang pumunta or else di mo magugustuhan ang mangyayari sayo," nanindig ako nung sinabi nya yun sakin. Nagtawanan sila habang papalayo sakin, parang meron sa kanila na di ko malaman. Tumakbo na ko para pumunta sa klase ko.
(End of Flashback)
Mas lalo akong kinabahan nung may nagsabi sakin kanina na mag-iingat ako sa mga babaeng yun dahil marami na silang na-injured na mga students mapa-lalaki man o babae wala silang pili sa pagbully. Syempre natakot ako bigla sa sinabi nung kaklase ko kaya yung excited kanina naging kaba at takot na.
Mas biglang bumilis ang tibok ng puso ko nung nagring ang bell para sa break time. Hindi ako makatayo, at yung gutom kanina nawala na. Wala na dito na talaga ako magtatapos. Tumayo ako tinakbo ang third floor, nang malapit na ko sa storage room dun ako nag-inhale exhale bago naglakad papunta sa pintuan.
Kakatok na sana ako nung biglang bumukas ang pinto.
"Oh? You're here. Come pasok ka," siguro isa to sa kasama nung babae kanina na nabangga ko. Pumasok ako at puro sirang gamit ang nandito, merong space sa gitna na para bang pwede kang maglaro sa gitna nito.
"Oh? The freak is here," sabi nung isa sya din yung tumawag sakin na freak kanina.
"Iris you're too harsh. By the way my name is Elise," sabi nung babaeng natapunan nung coffee. Inabot nya yung kamay nya sakin para makipagshake hands. Natuwa ako sa naging attitude nya ngayon mabait pala sya.
"Ako si---ARGH!!!!!!!!!!!!" Ang sakit yung kamay ko! Inabot ko yung kamay ko sa kanya pero hindi ko akalaing babaliin nya yung kamay ko.
"Ang sakit! Ahhh!!!!!!!! Tama na please.! Please!" Pagmamakaawa ko pero parang wala lang sa kanya. Nagtatawanan pa yung dalawa nyang kasama na nakatingin sakin na ngayon ay nakaluhod padin habang hawak hawak nung Elise ang kamay ko.
"Masakit ba? Ooww, sad naman".
"Arh!!!!!!! Tama na please! Sorry na tama na please!," basa na yung pisngi ko sa kakaiyak ko. Di ko akalaing ganito pala ang first day ko.
"Tama na please, ta----urgh!" napatapon ako bigla sa pader nung sipain ako nung isa nyang kasama. Ang sakit nang tyan ko.
"Ops. Sorry that was harsh. Hahahahahah!!!," nagtawanan silang lahat habang ako ay namimilipit sa sakit.
"Yan ang mga napapala nang mga estudyante na walang galang samin," sabi nya habang may kinukuha sa bag nya.
"Oh please wag yan beh, eto nalang para maganda," nakita kung may inabot sa kanya ang babae, isang bagay na mahaba. Nanlaki ang mga mata ko nang malaman ko kung ano ang hawak niya. Latigo.
Nanlamig ako bigla nung hinahampas nya sa sahig yung latigo. Gusto kong sumigaw ulit pero di ko magawa.
Wala na kong lakas para sumigaw, di ko narin maigalaw ang right hand ko dahil bali na at hindi ko na rin magalaw.
"Dont worry hindi to masakit, parang kagat lang to ng langgam, hahahah!!!!" Sabi nya at biglang hinampas sakin ang latigo.
"Aaaahhhhhhh!!!!!!!!!," tinamaan ako sa balikat. Sakit, sobrang sakit!
"Hahahaha!" Tawa nila. Hanggang sa nandilim ang paningin ko, siguro nga dito na ko mamatay. Papa...i love you, love na love po kita. Mama..... makakasama na kita. Tuluyan na kong nilamon ng kadiliman.
(3rd person)
Tumatawa lang ang tatlo habang hinahampas nila si Arcy ng latigo pero nakayuko lang ang dalaga at hindi na sumisigaw sa sakit.
"Natahimik ata beh. Tingnan mo nga," utos nito sa kasama nyang babae.
Lumakad ang babae papunta dereksyon ni arcy na ngayon ay nakaupo at nakayuko.
"Hoy! Buhay ka pa?" sabi nung babae at biglang pinalo ang ulo ni arcy pero wala paring kibo.
"Hoy! Bingi ka ba! Ha!" papaluin na sana ulit nung babae si arcy pero isang kamay ang biglang pumigil sa kanya.
"Oh--- buhay pa pala----ARGH!!!!!!!!!" napatayo bigla ang dalawa nung sumigaw ang babaeng kasama nila.
"Chelsey!" Sabay na sabi nila. Hawak hawak parin ni Arcy ang kamay nya habang nakaupo at nakayuko si Arcy. Umiiyak na si Chelsey dahil sa sakit na nararamdaman nya dahil sa pagkakahawak sa kanya ni Arcy.
"Chelsey!" akmang lalapit na sana yung isang kasama nito pero napatitig bigla si Arcy sa kanya. Nanlamig ang babae sa pagtitig ni Arcy sa kanya na mismong paa nya hindi nya maigalaw.
"Bitawan mo ang kaibigan ko!" sabi nung babaeng nabunggo ni Arcy kanina. Tumakbo sya papunta sa dereksyon nina Arcy pero isang kakaibang force ang nagtulak sa babae at tumalsik sya sa mga bagay na nakapatong patong sa gilid.
"You witch!" tatakbo din sana yung babaeng napatigil kanina para tulungan ang kaibagan nya nang biglang inangat ni Arcy ang kamay nya na para bang may sinasakal sa ere. Napahawak bigla ang babae sa leeg nya na para bang sinasakal talaga. Tinaas pa ni Arcy ang kamay nya at lumutang sa ere ang babae habang hawak hawak ang leeg nito na parang sinasakal nang kung sino.
Biglang iwinasiwas ni Arcy ang kamay nya at natapon ang babae sa mga sirang bagay.
"Argh!!!! Bitiwan mo ko mangkukulam ka! Ahhh!!!!," napatingin sa kanya si Arcy. Isang malamig na titig ang binigay sa kanya ni Arcy.
"Remember my name bitch. Dont mess up with me or die," sabi ni Arcy at mas hinigpitan pa ang pagkakahawak sa kamay ng babae hanggang sa may nagcrack na tunog.
"No!!!! Argh!!!!! My hand!!!!! Argh!!!!!!!!!!!!!!!!---" biglang nahimatay ang babae. Binitawan narin ni Arcy ang kamay nito at tumayo. Tinitigan nya ang tatlong babaeng walang malay bago naglakad na paika ika at lumabas ng storage room. Pababa sya sa hagdan ng bigla syang nahimatay. Wala sa sarili nya si Arcy, wala syang alam sa mga nangyayari. Biglang natumba si Arcy pero isang anino ang sumalo sa kanya. Isang anino na parang grim reaper na nakahood. Ibinaba nung anino si Arcy sa sahig kung saan makikita ng mga taong dadaan dito bago ito naglaho at nawala nalang bigla.
To be continued.....
BINABASA MO ANG
ALPHA & BETA ACADEMY
FantasyA kind of school where all the gifted students are invited to enroll or to transfere here. Only the requirements are: you have supernatural abilities and other unbelievable power. There's only one objective: You need to control your power after the...