CHAPTER 2

31 2 0
                                    

(Arcy'S POV.)

Idinilat ko ang mga mata ko. Kisame, at ilaw ang nakikita ko. Hindi ko naman kwarto to. Napangiwi ako nang maramdaman ang sakit sa buong katawan ko. Dun ko lang naalala ang mga nangyari sakin.

"Wag ka munang gumalaw Miss Valiant. Masyadong marami ang sugat na natamo mo. You need to recover first," napatingin ako sa kanya. Familiar sya sakin, ah alam ko na sya yung babaeng tumulong sakin maghanap ng room ko.

(Flashback)

Asan na ba yung room ko? Halos malibot ko na ata tong buong campus sa kakahanap sa section 1-E. Tiningnan ko ulit yung papel wala namang nakalagay na mapa.

"Excuse me. Miss can I help you?" napaangat ako ng tingin nang may isang magandang babae ang nasa harap ko. Base sa mukha tingin ko 25+ palang sya.

"Ah. Eh. Sorry po sa abala pero pwede po ba?" ngumiti naman yung babae sakin tsaka kinuha sakin yung papel.

"Ah. So section 1-E ka?"

"Opo," tanging sagot ko lang.

"By the way whats your name?" napatigil kami sa paglalakad at humarap sya sakin.

"Arcy Valiant po. Transferee po ko dito," sabi ko at yumuko kasi nahihiya ako dahil nakakaabala na ata ako sa kanya.

"Dont be shy. My name is Jessica Greid I'm the principal here," nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. It means...... nagpatulong ako sa isang napakataas na uri ng tao sa paaralang ito?!

I quickly lower my head to apologize.

"Sorry Maam for disturbance. Sorry po di ko po kayo nakilala agad sorry po," I heard her slightly chuckle.

"Ano ka ba. Duty naming mga principal ang ganitong gawain feel free to ask me a questions regarding sa school if you want," tumango lang ako habang nakayuko parin.

"Here. Deretsuhin mo lang yan at yung may pinto na kulay white jan ang classroom mo," sabi nya sakin at binigay ang papel. Tiningnan ko ang tinuro nya kanina medyo malapit nanaman kaya kaya ko narin.

"Thank you maam and sorry po ulit," ngumiti lang sya at umalis.

Hayst. Ba't ang hina-hina ko sa mga ganitong bagay?

(End of Flashback)

"M--miss Jessica?" bigla ulit tumulo ang luha ko dahil sa alam ko na buhay pa ko. Thank god I'm alive, pero bakit? Akala ko patay na ko.

"Dont cry darling. I have a news for you. Bad and Good," natahimik naman ako sa sinabi nya.

"Ano po yun?" Tanong ko habang nagpupunas ng luha. Para na kong bata dito na naagawan nang lollipop.

"Good news, di ka na mabubully pa. And the bad news para hindi ka mabully itatransfer ka namin. I already told your dad about this thing and he said yes. Para narin sayo daw ang bagay na ito kaya he said yes," napatahimik naang ako bigla.

"Please Maam. I'm begging you hindi ko po gusto sa school na to. Dito ko pa naramdaman ang tunay na impyerno sa buong buhay ko," pagmamakaawa ko.

"Dont worry dear. I'll do that. And wala naring mambubully pa sa ibang istudyante dito," sabi nya.

"Po? Bakit po? I mean. Ano pong ibig nyong sabihin?" takang tanong ko.

"Lets just say na binigyan sila ng punishment na hinding hindi nila matatanggihan," hindi ko mabasa ang mukha ni Miss Jessica kasi masyadong Angelic ang mukha nya.

"But for now. Magpahinga ka muna and then susunduin ka ni papa mo dito at itatransfere la bukas para hindi ka mahuli sa mga magiging lessons mo sa bagong school na lilipatan mo," sabi ni Miss Jessica at naglakad papunta sa pintuan.

"Becareful next time Miss Valiant," then lumabas na sya. Natahimik ako at napa-isip kung anong klaseng school ang mapupuntahan ko. Sana nga wala na talagang mga bully dun. Hindi na ko mabubuhay pag may mga taong kayang manakit ng kapwa tao.

Maliit palang ako ng tinuro sakin ni Mama na bawal mang-away dahil masama daw yun at maaring ikapahamak ko pa. Kaya kahit minsan di ako nakikipag-away kahit kanino kasi alam kong magagalit sa mama kapag nakikipag-pagaway ako.

Andito ako ngayon sa loob ng kotse namin at papunta na kami sa Academy na papasukan ko. Sabi ni dad kailangan daw na dun ako magdorm kasi nga malayo sa bahay at talagang malayo nga kasi 4 na oras na kong nakaupo dito pero wala parin kami sa sinasabing Academy.

"Anak matulog ka muna medyo malayo-layo pa ang pupuntahan natin," sabi ni dad.

Tumango lang ako at ipinikit ko ang mga mata ko.

"You freak!" isang boses ang narinig ko. Pero wala akong makitang imahe kundi puro kadiliman lamang.

"Akala mo matatakasan mo ang ginawa mo samin?! Ha!" dagdag pa nito pero wala talaga akong makita.

"Ito ang tandaan mo! Babalikan ka namin at isasama ka namin sa hukay!" sumakit bigla ang ulo ko dahil sa nangyari.

"Hahahahah!!!!!"tawa nila dun ko narealize kung sino ang may-ari ng boses.

"Eli---".

"Anak gising nandito na tayo," napadilat ako dahil sa tawag sakin ni papa. Nalatulog nga ko pero yung panaginip ko feeling ko unti-unting nagfefade sa isip ko hindi ko na maalala kung ano yun.

"Anak andito ma tayo bumaba ka na jan," lumabas ako sa kotse habang hawak hawak ko ang ulo ko dahil medyo sumakit kaya di ko nakita kong ano ang itsura ng Academy.

"Anak oh," inabot sakin ni Papa ang bagahe ko at dun ko nakita ang kabuuan ng Academy. Grabe walang sinabi ang School na inalisan ko sa ganda at laki ng Academy na to. Ang taas, ang lapad, napakahistorical ng design pero nakakaastig. Nakakamangha talaga ang itsura nito. Marami din akong nakikitang mga estudyante pero ang ipinagtataka ko ay may mga accesories sila tulad ng kwintas, singsing, earings, chains at iba pa pero dalawang klase lang ng kulay, black and white. At napapansin ko rin na medyo cold ang mga black students na may black accessories samantalang ang sa white ay ang saya-saya, siguro sections ang kulay ng accessories nila. Dito ako magaling eh, ang mangilatis ng mga bagay bagay. At kung hindi ako nagkakamali karamihan sa mga nandito eh sa ibang bansa pa nanggaling, tulad nalang nung babaeng yun na blond ang buhok siguro taga-America sya.

"Anak," tawag sakin ni Dad. Napahinto ako sa pagmamasid at pumunta kung nasaan sya na nakikipag-usap sa isang tao.

"Pa," tawag ko.

"Ah sya nga pala anak. Ito si Principal Mary sya ang maghahatid sayo sa loob. Kayo na po ang bahala sa anak ko. Marami po syang dapat matutunan dito kaya I hope maturuan nyo po sya," nakangiting sabi ni papa.

"Don't worry Mr. Valiant ang mga teachers dito ay mas magaling na at sigurado ako na marami din ang matututunan ng anak mo gaya ng kanyang in-- I mean maasahan mo ang performance ng aming mga guro," narinig kong naputol pa yung sasabihin nya pero di ko na yun pinansin dahil mangha parin ako sa paligid ko.

"Anak. Listen. Becareful here ha? Wag kang magpapagutom at wag na wag lang magpapagod. Wag ka ring makipag-away sa mga kapwa mo estudyante dahil masama yun ha?" nako so papa talaga.

"Pa, 17 na ko kaya ko to. Di na po ko bata aral po muna ang uunahin ko promise," sabi ko at niyakap si papa.

"I love you anak".

"I love you too papa," kumalas na ko sa pagkakayakap at umalis na din si papa.

"So Miss Valiant, tara na? Ito-tour kita sa loob,"  pag-anyaya ni Principal Mary. Maganda din si Principal Mary parang 30+ lang ang edad masyadong bata kasi pero baka totoo nga na 30+ palang sya. Heheh.

Tumango ako at sumunod sa kanya. Eto na, eto na talaga dito ko uumpisahan ang bagong kabanata ng buhay ko. Sa Alpha & Beta Academy.

  
                                        To be continued...

ALPHA & BETA ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon