(Christian Ace Flinn's POV.)
BOOOGSSSH!!!!!
Halos matumba ako sa kinatatayuan ko ng may biglang sumabog at nagcreate ng vibration sa lupa. Napalabas ako sa Meeting room at tiningnan kung saan yung pagsabog, dumungay ako sa veranda and then the first thing na nakita ko ay ang malaking crack ng barrier sa itaas. Nagsilabasan na rin ang ibang mga higher students na kasama ko sa meeting at nakidungaw din.
"Shit! May sumira sa barrier!".
"Damn! Sinusugod tayo!," napatingin kaming lahat sa Supreme Student Secretary namin na ngayon ay umiilaw ng blue ang mga mata nya. Far Sighting ang ability nya, nakikita nya ang mga bagay kahit na malayo pa ito.
"There's 10 unknown species attacking. Hi...hindi ko madescribe!," napataas ang kilay ko sa sinabi nya.
"Anong Unknown Species? Make it clear," utos ko.
"Ngayon lang ako nakakita ng ganitong klaseng nilalang. May mga lumalabas na powers sa kanila. May gumagamit ng fire, water, air, ice----," bigla syang napahawak sa noo nya at nawalan ng balanse buti nalang napahawak sya sa mesa tumigil na rin ang pag-ilaw ng mata nya.
"Sorry guys. I have my limits while using my abilities," tumango lang ako at binalik ang tingin sa labas. Ngayon marami na kong usok na nakikita.
"Captain. According sa tracking skills ko may dalawa sa center square, tatlo sa main cafeteria, tatlo naman ang papunta sa Beta Section dormitory ang dalawa papunta dito. And then I saw two person heading sa likod ng cafeteria yung isa member ng Organization natin di ko lang makilala kasi medyo out of range ko na sila," tumango lang ako at tiningnan sila.
"It's time to defend our Academy! Let's prove to the invaders that we humans are the superior among them all!," tumayo sila ng tuwid at inilagay ang dalawang kamay sa likod as a sign of attention.
"Ok! Let's go!," nagsilabasan na sila sa room.
"Jairo.... Lend me your power," ang Triple S Peace Maker. Flight ang ability nya may 4 white wings sya na ginagamit nya para lumipad.
"An honor to serve the President. Let me sir," lumipad na kami at tinungo ang center square. Habang nasa himpapawid kami marami akong nakikitang mga sira at umaapoy na mga buildings.
"Captain inaatake ang fountain of barrier!," dinig kong sigaw ni Jairo. Napatingin ako sa fountain at may isang Unknown Species ang pilit na sinisira ang barrier pero sadyang malakas na barrier din ang pumuprotekta dito.
"Ok! You can let me go!," sigaw ko.
"But it's too high! You make yourself injured if I let you go this far from the ground!," sabi nya.
"It's ok! I can handle myself!," wala na rin syng nagawa kaya binitawan na nya ko. How dare you enter our Academy without permission!? Isang itim na tornado ang sumalo sakin paglapag ko sa lupa.
Mukhang nakuha ko ang atensyon ng sumisira, medyo malaswa nga ang mukha nila katulad nung iniisip ko. Lightning, yan ang flow na nakikita ko sa kanya, yan ang ability nya, Electrifying.
Inumpisahan na nya 'kong atakihen pero hindi nakakadapo sakin ang atake nya dahil sa kapangyarihan ko.
Nagrerecharge sya, kaya isang malakas na energy ang pinakawalan ko. Isang usok ang lumabas sa kamay ko at mabilis na inatake ang kalaban pero sinalubong nya rin ng kuryente nya ang atake ko. Gumawa ulit ako ng maliliit ng black bullets. Itinira ko sa kanya ang bullets na gawa ko, una syang tinamaan sa balikat sunod sunod naman sa ilang parte ng katawan nya. I grab the opportunity para iparalyze sya gamit ang black smoke. Tsakto naman dumating si Shiela, ang ability nya is Imprisoning kaya nyang ikulong at ineutralize ang power or ability mo. Tinanguan ko si Shiela at alam na naman nya ang gagawin nya. Mabilis nyang ginawa ang pagkulong sa kalaban, kaya itinigil ko na ang atake ko. Paraliyze parin sya hanggang ngayon.
BINABASA MO ANG
ALPHA & BETA ACADEMY
FantasyA kind of school where all the gifted students are invited to enroll or to transfere here. Only the requirements are: you have supernatural abilities and other unbelievable power. There's only one objective: You need to control your power after the...